Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2019

Huwag hayaang magsasaka'y mawalang tuluyan

HUWAG HAYAANG MAGSASAKA'Y MAWALANG TULUYAN ang magtanim ay di biro't maghapong nakayuko anang isang awiting Pinoy, tanong ko naman po paano kung wala nang magtanim, ito'y di biro paano kung magsasaka'y tuluyan nang maglaho magsaka'y gawa lang ba ng matatanda sa nayon pagkat magsaka'y di gusto ng bagong henerasyon? palipasan na lang ba ng senior citizen ngayon ang magsaka sa lupa't maputikan man maghapon? paano na itong bigas sa panahong darating kung pawang matatanda na ang magsasaka natin? paa'y ba'y magpuputik kaya ayaw sa bukirin baka sabihin ng dilag, binata'y marurusing di ba't mas mabuting ang palad nati'y magkalipak tanda ng sipag at kayang buhayin ang mag-anak mabuting magsikap, mag-araro man sa pinitak di gawaing masama't di gumagapang sa lusak halina't magsuri't pag-aralan itong lipunan ang pagsasaka'y sagot pa rin sa kinabukasan huwag hayaang magsasaka'y mawalang tuluyan dapat kahit ...

Ang halalang ito'y gawin nating makasaysayan

ANG HALALANG ITO'Y GAWIN NATING MAKASAYSAYAN wala pa tayong Senador na manggagawa na ilang taong nagtrabaho sa pabrika elitista't artista ang bumubulaga nananalo sapagkat masa'y nagpabola kaya ang sigaw namin: Manggagawa Naman! iboto ang manggagawang subok sa galing ang aming kandidato: Leody de Guzman lider-manggagawa, prinsipyado, magiting ang mga trapong Senador ay walang nagawa upang buhay ng masa'y guminhawang ganap baka lider-obrero'y pag-asa ng madla upang ipaglaban ang kanilang pangarap gawing makasaysayan ang halalang ito at maging bahagi tayo ng kasaysayan lider-manggagawa'y ilagay sa Senado kaya ating iboto: Leody De Guzman - gregbituinjr.

Si Clara Zetkin, sosyalistang lider-kababaihan

Imahe
SI CLARA ZETKIN,  SOSYALISTANG LIDER-KABABAIHAN taas-kamao sa sosyalistang si Clara Zetkin lider-kababaihan at kaibigan ni Lenin at Rosa Luxemburg na pawang mga magigiting na sa kanilang panahon ay bayaning tinuring sa Stuggart, siya'y kasapi ng Bookbinders Union naging aktibo rin sa Tailors and Seamstresses Union at dati ring Kalihim ng Internasyunal noon gayong ilegal sa babae noon ang mag-unyon kumperensya ng mga babae'y inorganisa pagboto ng babae'y ipinaglaban din niya at nilabanan ang peminismong sumusuporta sa restriksyon sa pagbotong batay sa ari't kita mas nakatuon siya sa uri, at di sa sekso na prinsipyo niya sa panlipunang pagbabago naniniwala si Zetkin na tanging sosyalismo ang daan upang lumaya ang babae't obrero malaki ang inambag ni Zetkin sa kasaysayan ng daigdig, lalo sa mapagpalayang kilusan ng mga kababaihan tungo sa kalayaan at nag-organisa ng Araw ng Kababaihan kaya muli, isang taas-kamaong pagpupugay kay Clara Ze...

Ang awiting Heal the World ni Michael Jackson

ANG AWITING "HEAL THE WORLD" NI MICHAEL JACKSON halina't pakinggan ang Heal the World ni Michael Jackson sapagkat awiting ito'y isang mensahe't hamon tila ba sa plastik at usok, tao'y nagugumon at mga isda sa dagat, upos ang nilululon halina't awiting Heal the World ay ating suriin ang mensahe'y sa kapwa tao inihahabilin sakit nitong mundo'y tulong-tulong nating gamutin paano ba kanser ng lipunan ay lulutasin daigdig bang tahanan nati'y sakbibi na ng lumbay pagkat pinababayaan natin itong maluray ng usok ng kapitalismong naninirang tunay sa ngalan ng tubo, kalikasa'y ginutay-gutay huwag nating ipagwalangbahala't isantabi kundi damhin natin ang awit, ang kanyang mensahe ang habilin sa ating kumilos at maging saksi upang henerasyon nati'y di magsisi sa huli - gregbituinjr.

Bakit malupit mag-yosi break?

BAKIT MALUPIT MAG-YOSI BREAK? yosi break na rin ang tawag ko sa munting pahinga di naman nagyoyosi't tunganga lang sa kalsada naroong nagninilay habang namamalikmata na may naglalakad na isang magandang dalaga kailangang mamahinga sandali't mag-yosi break lalo't napakabanas at araw ay nakatirik di man nagyoyosi, sa pamamahinga na'y sabik pagkat panahon ng pagkatha, ilantad ang hibik ang iba'y nagyoyosi't nasasarapang humitit ramdam nila'y ginhawa habang upos nakadikit sa labi, habang nagkukwento siya't nangungulit sa kausap, at baka may kung anong hinihirit anong lupit mag-yosi break, humihiram ng alwan kahit man lang sumandali, ginhawa'y maramdaman - gregbituinjr.