Maglulupa
MAGLULUPA isa lamang akong abang maglulupa sa pakikibaka'y laging nakahanda walang pamasahe? lalakaring sadya! upang makausap ang kapwa ko dukha aking sasabihin doon sa pabrika: "nililikha ninyo ang ekonomiya nitong ating bansa subalit kaymura ng sahod pambuhay sa inyong pamilya!" at ang kapwa dukha ay pagsasabihan: "karapatang sadya ang paninirahan kaya demolisyon ay inyong labanan, at maging matatag sa paninindigan!" sa piniling buhay, hindi na humindi kahit katawan ko'y magkabali-bali pagbaka'y patuloy, matortyur mang muli kahit na sa laban, ako pa'y masawi at sasabihin mo, "wala kang pangarap kaya hanggang ngayon, ika'y naghihirap" ikako, "ang aking puso'y nag-aalab nang sistemang bulok, tuluyang mawasak! - gregoriovbituinjr. 08.29.2026