Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2019

Ang buhay ba'y tulad ng mobius strip?

Imahe
ANG BUHAY BA'Y TULAD NG MOBIUS STRIP? ang buhay ba'y tulad ng mobius strip? hinehele't tila nananaginip na lagi nang buhay ay sinasagip habang patuloy na may nililirip hinggil sa kung anumang halukipkip tila dinugtong na magkabaligtad ang mga dulo ng gomang malapad madaraanan lahat pag naglakad pabalik-balik ka kahit umigtad ganito ba ang anyo ng pag-unlad? paikot-ikot ka lang sa simula hanggang maramdaman mong matulala mabuting patuloy na gumagawa kaysa naman magpahila-hilata bakasakaling tayo'y may mapala ang mobius strip ay pakasuriin sa matematika'y alalahanin baka may problemang mahagip na rin masagip ang pinoproblema natin upang sa baha'y di tayo lunurin - gregbituinjr.

Napulot man ako sa tae ng kalabaw

NAPULOT MAN AKO SA TAE NG KALABAW napulot man ako sa tae ng kalabaw ako'y isang tao rin sa mundong ibabaw na maagang gumising sa madaling araw upang agad magtrabaho kahit maginaw mapalad naman ako't may mga umampon at itinuring akong anak nilang bugtong mag-asawang walang anak, sa utang baon ngunit kaysisipag, sa bukid lumulusong silang nagisnan ko nga'y mapagkawanggawa mula pagkabata ko'y mga nag-alaga binihisan, pinag-aral, lahat ginawa upang ako nama'y makadamang ginhawa kaya ako'y labis na nagpapasalamat sa kanilang naglunas sa pusong may sugat may ligaya sa diwa kong maraming pilat pagkat sila'y dakila't tunay na alamat - gregbituinjr.