Ang tula sa lapida ni Ben Tumbling
ANG TULA SA LAPIDA NI BEN TUMBLING Nuong nakaraang Marso 28, 2019, nakita ko ang tula sa lapida ni Ben Tumbling sa ulat ni Lourd De Veyra sa programa ng ABC5 na: "Tsismis Noon, History Ngayon" sa https://www.youtube.com/watch?v=qf_DJMphrC4 , nasa 11:14 (11 minutes,41 seconds) ng video. Subalit ang tula ay may bandalismo na, kaya di ko na mabasa. Naghanap ako ng malinaw na kopya ng tula, ngunit wala pa akong makita sa internet. Si Ben Tumbling ay kilalang kriminal subalit sa Malabon ay maraming nagmamahal, ayon kay Lourd De Veyra. Inilabas ko ang katanungang "Ano ang malinaw na nakasulat na tula sa lapida ni Ben Tumbling?" sa facebook. Unang tumugon si kasamang Jilbert Rose. Ang sabi niya: "Puntahan natin greg, Alam ko sa tugatog cementery malabon Yan nkahimlay c Ben tumbling" . Ang ikalawang tumugon ay si kasamang Jhuly Panday. Nagpadala siya ng malinaw na litrato ng lapidang kinauukitan ng tulang alay kay Ben Tumbling. Maraming salamat,...