Labanan ang mga taong plastik
tapon dito, tapon doon, naglutangan ang plastik sa ilog at dagat nagtatapon ang taong plastik sinabihan na silang huwag magtapon ng plastik o-oo lang, magtatapon pa rin, talagang plastik ilog at dagat ay dapat nating pangalagaan ingatan nating lagi ang ating kapaligiran ang simpleng pagtatapon nga sa tamang basurahan ay di pa magawa kahit ng may pinag-aralan dapat nang ihiwalay ang basurang nabubulok sa basurang nare-resiklo at di nabubulok kaya natin itong gawin dahil di tayo bugok kaya ibasura na natin ang sistemang bulok kayraming isyu sa kalikasan, ilog at dagat itatayo'y Kaliwa Dam, tubig daw ay di sapat sa kaalaman ba't mga plano, sila ba'y salat paninira sa kalikasan ay sadyang kaybigat pangangalaga nito'y di sapat alam lang natin dapat mayroong aktibong pagkilos tayong gawin kalikasa'y depensahan, magandang simulain ang nag-iisa nating mundo'y protektahan natin - gregbituinjr. * Kinatha sa pagtitipon ...