Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2021

Pabahay

Imahe
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga tanong ng dukha'y ganito: kung pabahay ay karapatan mo,  karapatan ko't ng bawat tao ay bakit ito ninenegosyo? kayraming bahay ang nakatengga upang pagtubuan at ibenta sa mga nagtatrabahong masa di sa walang bahay, walang pera kung ganyan pala, sistema'y bulok dahil mga dukha'y di kalahok negosyo'y tuso, tubo ang tarok karapatan na ang inuuk-ok masdan ang mga dukha sa atin pera'y di sapat kung iisipin kung magkapera, una'y pagkain nang pamilya nila'y di gutumin karapatan natin sa pabahay ay naukit na sa U.D.H.R. pati na sa I.C.E.S.C.R. pagkat bahay ay buhay at dangal karapatang balot ng prinsipyo't tinataguyod nating totoo ika nga: " Pabahay ay s erbisyo !" dagdag pa: " Huwag   gawing   negosyo !" patuloy na ipaglaban natin ang karapatang dapat angkinin makataong pabahay ay kamtin dignidad itong

Ang pusa

Imahe
ANG PUSA kumusta ka na, Pusa, anong iyong kailangan? tila baga muli kang kumakatok sa pintuan marahil ay naamoy mong pritong isda ang ulam sandali, hintay lang, at ikaw ay aking bibigyan siya ang pusang madalas makitulog sa gabi sa tabi ng bintana, taas ng eskaparate minsan sa ginagawa ko'y tahimik siyang saksi habang naglalamay ng kung anong akda't diskarte madalas akong maunang gumising sa umaga maya-maya, tanaw ko nang nag-iinat na siya ah, mabuti nang may pusa dito sa opisina may panakot sa malalaking daga sa kusina minsan sa ilalim ng sasakyan siya tatambay tila baga doon ang palaruan niyang tunay minsan pag nananghalian ako, siya'y kasabay at pag nagsusulat ay nakakawala ng lumbay - gregoriovbituinjr. 08.31.2021

COVID

Imahe
Dalawang pinsang buo ko at tiyahin ko (nanay nila) ang sabay-sabay na namatay sa COVID sa probinsya: sina Kuya Esmer Bituin, Ate Evelyn Bituin-Alipio, at Inay Charing Bituin. Kumatha ako ng soneto (tulang may labing-apat na taludtod) bilang alay at pagninilay: COVID nakabibigla, dalawang pinsang buo't tiyahin ang sabay na nangawala dahil sa COVID-19 noon, kapag nauwi ng probinsya'y dadalawin silang kamag-anak kong sadyang malapit sa akin si Kuya Esmer sa pabrikang PECCO'y nakasama ko ng tatlong taon bilang regular sa pabrika si Ate Evelyn nama'y palakwento't masaya maalalahanin si Inay Charing, aking tiya wala na sila, wala na, nahawaan ng COVID tinamaan ang nanay at dalawang magkapatid mag-ingat tayong lahat sa nananalasang sakit tunay ngang virus na ito'y sadyang napakalupit pagpupugay sa mga kamag-anak na nawala salamat sa buti ninyo't masasayang gunita - gregoriovbituinjr. 08.31.2021

Nawa'y makita pa sila

Imahe
NAWA'Y MAKITA PA SILA (August 30 is International Day of Disappeared) kanina sa webinar ng FIND ay dumalo ako dahil daigdigang araw ng desaparesido ngayon, kaya pinakinggan ko ang naritong isyu nakinig ng pananalita sa usaping ito makabagbag-damdamin ang bidyong ipinalabas tungkol sa masayang pamilya subalit dinahas nang kuya'y dinukot, winala ng kung sinong hudas pangyayaring ang kawalang hustisya'y mababakas ako'y nakikiisa sa paglaban nilang tunay habang akin ding nadarama ang sakit at lumbay ako'y kaisa upang makita ang mga bangkay ng mga desaparesidong dinukot, pinatay kaya naging adhika ko nang kumatha ng tula sa usaping desaparesido o iwinala ilang taon na ring commitment na ito'y ginawa bilang bahagi ng pagsisilbing tapat sa madla Agosto Trenta, International Day of Disappeared at Araw din ng mga Bayani, ito'y di lingid taunang gunitang araw na sa puso'y naukit sa paghanap ng mahal sa buhay, mga kapatid seryoso akong nakinig sa mga inilahad sadya

Pitong tanaga sa Pagkasilang ng Bansa

Imahe
PITONG TANAGA SA PAGKASILANG NG BANSA 1 sinilang ng Agosto ang bayang Pilipino noong Katipunero ay nag-alsa ng todo 2 pagkasilang ng bansa't tandaan nating pawa nang kababayan, madla'y naghimagsik ngang sadya 3 ang sedula'y pinunit dayuhang panggigipit ay tinapos nang pilit paglaya'y iginiit 4 eighteen ninety six iyon at Agosto pa noon nang isilang ang nasyon Pinoy ay nagkatipon 5 ang buong Katipunan na nag-alsang tuluyan ay mula sa samahan naging pamahalaan 6 mabuhay ang pagsilang nitong Lupang Hinirang mananakop na halang ay ipinagtabuyan 7 ito'y gintong historya na bansa'y malaya na ituro sa eskwela ang tagumpay ng masa - gregoriovbituinjr. 08.30.2021 * litrato mula sa pampletong "Andres Bonifacio: Buhay at Pakikibaka" na inilathala ng LKP, PAIS at EILER, pahina 28

Pagkain ng sala sa oras

Imahe
PAGKAIN NG SALA SA ORAS di ako ang taong pagdating ng alas-dose ng tanghali ay titigil upang kumain ngayon ka lang kakain, tanong nila sa akin noong minsan nang kumain ako ng hapon ay, ngayon lang ako nagutom tinapos muna ang gawain kaya kakain naman ngayon di ako eyt-to-payb na tao minsan, kakain ng alas-dos ng alas tres o alas-kwatro tuloy lang ako sa paggawa pagkat alam naman ng tiyan kung titigil na sa pagkatha upang kumain, di sa oras kundi pag wala nang mapiga sa utak saka lang lalabas upang kumain sa kantina lalo na't di nakapagluto o bumili sa karinderya ganyan ang karaniwang buhay ng tulad kong sulat ng sulat gutom na'y patuloy sa nilay ngunit dapat pa ring kumain upang lumakas ang katawan at upang makakatha pa rin bagamat kahit ako'y gutom minsan pagkatha'y uunahin habang kamao'y nakakuyom patuloy pa ring nag-iisip kumakatha't sulat ng sulat ng anumang paksang mahagip di ako eyt-to-payb na tao ngunit huwag magpakagutom payo sa sarili'y totoo - greg

Pakikiisa sa laban ng health workers

Imahe
PAKIKIISA SA LABAN NG HEALTH WORKERS sa mga health workers kami'y sadyang nakikiisa sa isyu nila, sampu ng aking mga kasama upang itaguyod ang mga kapakanan nila at kami'y sasama sa kanilang kilos-protesta ipakita ang matagal na nilang mga hinaing na ibigay na ang benepisyo nila, gayundin ang hazard pay nila, allowance para sa pagkain tirahan, transportasyon, special risk allowance din anang ulat, nakaraang taon pa hinihintay ng kanilang benepisyo't allowance na'y ibigay labing-isang bilyong piso ang kabayarang pakay sa mga health workers na di pa nabayarang tunay sobra-sobrang trabaho, kayliit naman ng sweldo at ngayon, di pa naibibigay ang benepisyo at allowance kaya protesta na ang mga ito kinauukulan sana'y tugunan na ang isyu bagamat di man health workers, nakikiisa kami sa kanilang kilos-protesta't sasama sa rali kanilang laban ay aming laban, kami'y kasali upang laban nila'y ipagwagi hanggang sa huli - gregoriovbituinjr. 08.29.2021 * litrato mula

Sa ika-91 anibersaryo ng Bantayog ni Bonifacio sa Caloocan

Imahe
SA IKA-91 ANIBERSARYO NG BANTAYOG NI BONIFACIO SA CALOOCAN taos-pagpupugay ngayong Buwan ng Kasaysayan na Bantayog ni Bonifacio'y ipagparangalan inspirasyon ng pakikibaka't paninindigan upang mapalaya ang bayan sa mga dayuhan nagpasa ng batas noon itong Lehislatura na isang pambansang bantayog ay maitayo na sa kabayanihan ni Bonifacio'y paalala hinggil dito'y maitayo ang isang istruktura isang lupon ang tinayo para sa paligsahan upang bantayog ni Bonifacio'y mapasimulan magandang disenyo't simbolo ng kabayanihan ni Gat Andres na namuno noon sa himagsikan Mil Nwebe Syentos Trenta, Bente-Nwebe ng Agosto nang mapili'y disenyo ni Guillermo Tolentino upang maitayo ang Bantayog ni Bonifacio sa Caloocan na kilala ngayong Monumento abot apatnapu't limang talampakan ang pilon limang parte'y limang aspekto ng K.K.K. noon ang base'y mga pigura hinggil sa rebolusyon walong probinsyang bumaka'y simbolo ng oktagon ngayong Agosto Bente Nwebe'y nagpupuga

Walis

Imahe
WALIS walis tambo't walis tingting ay ating nakagisnan ginagamit upang linisan ang kapaligiran walis tambo'y ginagamit sa loob ng tahanan habang walis tingting naman sa labas ng bakuran parehong walis, magkaiba ng gawa't disenyo kapwa panlinis ng dumi't alikabok sa inyo maaari ring gamiting pamalo o pambambo ni nanay sa mga makukulit na kagaya ko tambo'y matigas na damo o Phragmites vulgaria dahon ay tuwid at magaspang at tumataas pa ng metrong tatlo't kalahati, nasaliksik ko pa na tingting naman yaong tadyang ng dahon ng palma mula sa kalikasan ang walis na nagagamit upang luminis ang paligid natin kahit saglit panlinis ng basura't tuyong dahon sa paligid sa anumang agiw sa bahay at diwa'y panlinis gamit ng ninuno't naukit na sa kasaysayan nakapaloob din sa samutsaring panitikan walis tingting sa kwento'y sasakyan ng mangkukulam walis tambo'y pambambo sa kwentong katatawanan walis tingting sa kasabihan ay pagkakaisa walis na gumagawa'y k

Tarang magkape

Imahe
TARANG MAGKAPE tara, magkape muna tayo, amigo, amiga lalo't kaysarap ng kapeng barako sa panlasa  alam mo, kapeng barako'y may klaseng iba't iba: Arabica, Robusta, Excelsa, at Liberica tara, tayo muna'y magkape, mga kaibigan panggising ng diwa, panggising ng mga kalamnan lalo sa gabi, gising na diwa ang kailangan naglalamay sa tinatrabaho't mapupuyatan tara, tayo'y magkape muna, mga kasama ko habang pinatitibay ang ating mga prinsipyo tarang magkape habang patungo sa parlamento ng lansangan at ipahayag ang tindig sa isyu tara munang magkape dito, mga sanggang dikit lagyan ng kaunting asukal kung lasa'y mapait habang sa tinatahak nating landas, ating bitbit ang pangarap na panlipunang hustisya'y makamit tarang magkape pag napadaan kayo sa opis kayo lamang ang magtimpla ng gusto ninyong tamis habang mga dukha't obrero'y ating binibigkis habang sa sistemang bulok ay nakikipagtagis - gregoriovbituinjr. 08.28.2021

Mutyang diwata

Imahe
MUTYANG  DIWATA tulad ng pangarap ko't adhikain na bituin sa langit ay sungkitin Ikukwintas sa diwatang malambing na nais kong makasama't angkinin masdan mo ang diwatang sakdal rikit na hinarana ko sa gawang awit bituin man ay di ko pa masungkit ay nagsisikap akong mapalapit lumipas ang taon, nakamtang sadya kaytamis na OO ng minumutya parang matamis na bao sa tuwa hanggang ikinasal ang puso't diwa muli akong tumingala sa langit ah, salamat sa bituing marikit sa leeg man ng mutya'y di nasabit labis-labis naman ang pagkalapit - gregoriovbituinjr. 08.28.2021

Saksakan

Imahe
SAKSAKAN matalim ang pagkatitig sa naroong saksakan upang kuryente'y dumaloy sa tanang kasangkapan kanina'y kumislap, ito kaya'y overload naman? kuryente'y namatay at sumindi, anong dahilan? ah, dapat suriin ang saksakan, dapat ayusin baka pumutok at magkasunog, tayo'y lamunin anumang pagkakamali'y di tayo sasantuhin dapat pag-ingatan ang disgrasyang baka abutin may saksakan sa kanto, aba'y huwag kang magalit may saksakan ng ganda, may saksakan din ng pangit masisikmura mo kaya kung pangit ang lalapit okey lang, basta di saksakang dugo'y pupulandit namamatay ang mga gamugamo sa kandila may namatay din sa mga nasa parang ng digma makata'y di dapat laging lumulutang ang diwa tingnan ang saksakan, magsuri, huwag matulala sa mga ganitong eksena'y magpakahinahon kaya iyang saksakan ay ayusin mo na ngayon huwag balewalain, gawan agad ng solusyon agapan ang disgrasya habang may pagkakataon - gregoriovbituinjr. 08.28.2021

Daing

Imahe
DAING kay-aga-aga'y ano na namang idinadaing? na ulam na naman ngayong umaga'y pritong daing? reklamo ng reklamo, aba'y diyan ka magaling! pulos ka angal, eh, di ka pa nga nakakasaing tara, inin na ang kanin, masarap pa't malambot daing talaga ang ulam, huwag nang sumimangot minsan, nakakatuwa ang sentimyentong pururot mamaya naman, pag nabusog, ito na'y nalimot basta ako, isda't gulay lang ang nais almusal dahil pag karne, yaring bituka ko'y naduduwal vegetarian na sa katawan ko'y atas at asal upang makakain ng husay nang di nangangatal ayos lang kumain ng daing, huwag lang dadaing ito ang naabutang ulam kaninang magising kung madaling araw bumangon sa pagkagupiling sana'y nakabili ng pambulanglang, pandiningding - gregoriovbituinjr. 08.28.2021

Diwang mapagpalaya

Imahe
DIWANG MAPAGPALAYA simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka ang isinasabuhay ng tulad kong aktibista patuloy na kumikilos at nag-oorganisa tungo sa pagtatayo ng lipunang ninanasa binabasa ang akda't kasaysayan ng paggawa upang tuluyang tagpasin ang gintong tanikala tungo sa adhikang pagbabagong mapagpalaya tungo sa lipunang ang bawat isa'y maginhawa tungo sa asam na lipunang walang mga uri lipunang hindi hinahati, walang naghahari ugat ng kahirapan ay pribadong pag-aari nitong kasangkapan sa produksyon, dapat mapawi lipunang bibigkis sa matinding pagkakaisa ng sangkatauhan laban sa pagsasamantala lipunang nakatindig sa panlipunang hustisya at karapatang pantao, na pantay bawat isa tara't magbasa ng mga mapagpalayang akda tungo sa pagkakaisa ng uring manggagawa upang lipunang hangad nila'y maitayong sadya at lahat ay makinabang sa bunga ng paggawa - gregoriovbituinjr. 08.28.2021

Nagdidilim ang langit

Imahe
NAGDIDILIM ANG LANGIT wala ang haring araw ngayong kinaumagahan sapagkat nagbabadya ang malakas na pag-ulan tingni ang langit, maulap, di lamang ambon iyan magsahod ng timba't may tubig na maipon naman atip ay tingnan, ang yerong bubong, baka may butas tapalan agad kung mayroon man hangga't may oras itaas ang dapat itaas, ang sako ng bigas tiyaking maghanda sa loob, maghanda sa labas tanggalin ang plastik sa kanal sakaling magbaha aba'y kayraming basurang lululunin ng sigwa upos ng yosi, plastik, basahan, lalong malubha kung babara lang ito, sapagkat tao'y kawawa dapat paghandaan ang pagsusungit ng panahon upang di magbalik ang alaala ng kahapon Ondoy, Peping, Yolanda, Milenyo, ang mga iyon matitinding bagyong kayraming buhay na nilamon - gregoriovbituinjr. 08.28.2021

Hanág

Imahe
HANÁG isa na namang salita ang nakita ko ngayon lalo't kayganda ng mensahe't kahulugan niyon na " dignidad at  karangalan sa isang posisyon " kaygandang salita sa kasalukuyang panahon ano ba ang dignidad sa mga may katungkulan upang di sila magmalabis sa kapangyarihan at maiwasan ang paggawa ng katiwalian bakit ba karangalan ay di dapat madungisan HANÁG  ang isa nating sukatan ng pulitiko at sa susunod na halalan ay kakandidato di walanghiya, talagang magsisilbi sa tao oo,  HANÁG  ay isang sukatan ng pagkatao ay, siyang tunay, ganyan kahalaga ang dignidad upang mga kawatan sa gobyerno'y di mamugad kung sira ang  HANÁG  nila, sila'y dapat ilantad upang sa pamahalaan sila'y di magbumabad. - gregoriovbituinjr. 08.27.2021 *  hanág  - [sinaunang Tagalog]: dignidad o karangalan sa isang posisyon, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 431 * pansining sa pagbigkas, ito'y mabilis pagkat may tuldik na pahilis sa ikalawang pantig, sa tapat ng titik a, na kai

Ingat

Imahe
INGAT paskil na istiker sa motor ng isang kasama ay talagang tagos sa puso't diwa pag nabasa bagamat mararamdaman mo yaong pambubuska gintong paalala iyon sa paraang makwela nakasulat doon: "Ingat ka! Tanga ka pa naman!" nakakatawa, pang-iinis o may kabastuhan bagamat pabiro, mahalaga'y iyong ingatan ang pagmomotor upang aksidente'y maiwasan sa paalalang ito tayo'y nagpapasalamat nang sa araw-araw na pagmomotor ay mag-ingat pang-aasar man, ang mensahe nito'y anong bigat minsanang sakuna'y baka habambuhay kang warat sundin na lang ang mensaheng nakapaloob doon estilo ng pagkasabi'y pagpasensyahan ngayon ang mahalaga'y mag-ingat saan man naroroon na anuman ang mangyari'y pag-iingat ang tugon - gregoriovbituinjr. 08.27.2021

Panawagan ng maralita

Imahe
PANAWAGAN NG MARALITA tingni ang tarpolin nila't kaytinding panawagan na talagang ikaw mismo'y mapapaisip naman krisis daw sa pagkain, trabaho at kabuhayan ay marapat daw lutasin para sa mamamayan ipaglaban din ang karapatan sa makatao at abot kayang pabahay, panawagang totoo pahayag nilang ito'y tumitimo sa puso ko na di sila dapat maapi sa panahong ito kahilingan nila'y dapat lang ipaglabang tunay lalo't panawagan nila'y di kusang ibibigay tanging sama-samang pagkilos ang kanilang taglay upang kamtin ang adhikang di basta nahihintay magpatuloy kayo, maralita, sa inyong misyon sabihin ang inyong hangad kung may pagkakataon baka hiling n'yo'y ibigay agad pag nagkataon tara't magbakasakali upang kamtin ang layon - gregoriovbituinjr. 08.27.2021 * litratong kuha ng makatang gala noong SONA 2021

Ligtas na bakuna para sa lahat

Imahe
LIGTAS NA BAKUNA PARA SA LAHAT sinuman ay nagnanais ng ligtas na bakuna tulad kong unang naturukan ng Aztrazeneca kahapon lang, upang sa sakit ay makaiwas na kaysa sa COVID-19 ay laging nag-aalala kahit may nababalitang may namatay raw noon matapos mabakunahan, iba'y may eksplanasyon di kaya sa sakit niya'y mayroong kumplikasyon kaya bago bakunahan, kayraming mga tanong tungkol sa kalusugan mo't nararamdamang sakit pinababasa ang papel, dito'y di pinipilit kung sang-ayon ka sa bakuna'y pipirma kang saglit at kung ayaw mo, karapatan mo'y maigigiit "ligtas na bakuna para sa lahat" yaong hiyaw ng maralita, panawagang di dapat maligaw kundi sa awtoridad iparinig nang malinaw upang pumanatag ang kanilang puso't pananaw pasasalamat sa natanggap kong libreng bakuna ngunit sana'y ligtas nga ang mga ito sa masa malaman lang ng taong ligtas ito'y anong saya nang COVID-19 ay ating malabanang talaga - gregoriovbituinjr. 08.27.2021 * kuha sa sabay-sabay

Tula sa International Dog Day

Imahe
TULA SA INTERNATIONAL DOG DAY mabuhay ang asong alaga sa kinikilusan matapang na bantay at tunay na maaasahan saludo sa kanyang pagtitiyaga't katapatan upang opisina'y talaga namang mabantayan matalinong aso, minsang ako'y tulog sa opis tahol ng tahol, ginising ako't akto'y kaybilis pinapunta ako sa kusina't aba'y putragis inaamoy niya ang gasul, naamoy ko'y labis nakasindi pala't bukas ang gasul, ay nakupo buti't alisto ang aso't ginising akong buo isinara ko ang asul, tahol niya'y naglaho kumawag-kawag ang buntot ng may buong pagsuyo isa lamang iyan sa marami kong naranasan na dinala niya ang tanggapan sa kaligtasan ngayong International Dog Day, siya'y pagpugayan tulad niya'y aktibistang nagsisilbi sa bayan - gregoriovbituinjr. 08.26.2021 * litratong kuha ng makatang gala sa dating opisina ng manggagawa sa Lungsod Quezon Pinagsanggunian : https://www.thequint.com/lifestyle/international-dog-day-2021-history-significance-and-quo

Talahuluganan

Imahe
TALAHULUGANAN talahuluganan itong kayamanan kong sadya pinag-ipunang bilhin at iniingatang kusa nakalagak sa munting aklatan, nakakahanga malaking tulong sa pagsasalin at pagmakata di lamang simpleng sanggunian ng salita ito kundi binubuklat ko ri't binabasang totoo upang mapahusay pa ang mga bokabularyo at magamit sa mga tula, sanaysay at kwento lalo ngayong Buwan ng Wika, napakadakila ng papel ng talahuluganan sa pagkakatha lalo na sa paggamit ng katutubong salita totoong kahulugan ay mabatid ng makata samutsari ang paggamit sa wikang Filipino tulad ng talahuluganan ay diksiyonaryo ang talasalitaan naman ay bokabularyo habang yaong talatinigan naman ay glosaryo kayamanang talaga ang mga nasabing aklat na sa tuwina'y sinasangguni ko't binubuklat mapangmulat, ingatang mabuti't huwag malingat at baka may magkainteres ay mawalang sukat - gregoriovbituinjr. 08.26.2021

Una kong turok ng bakuna

Imahe
UNA KONG TUROK NG BAKUNA kahapon ay nag-text sa akin ang PasigBakuna iskedyul ko'y kahapon ngunit kanina nagpunta akala'y kaylayo ng Sagad ng tingnan sa mapa tinanong ko sa kapitbahay, traysikel lang pala alam ko, isang araw akong huli sa iskedyul nagpunta na agad, kahit isang araw nang gahol pamasaheng kwarenta sa traysikel ay ginugol at masigla ko namang narating ang Sagad Hayskul isang araw mang huli, ako'y inestima pa rin binigyan ako ng papel upang aking sagutin ilang tanong sa kalusugan at tungkol sa akin walang pila, organisado, at mabilis lang din ayon kay Doktora, ang bakuna'y AztraZeneca kalooban ko'y handa na, sa papel ay pumirma tinurukan ako ng maliit na heringgelya na animo'y kasingliit lang ng bolpen kong Panda matapos iturok, nilagay sa kahong maliit ang mga heringgelyang pinanturok at ginamit palagay ko, heringgelya'y di nila inuulit isang heringgelya bawat tao, aking naisip mabuti ang ganito't walang magkakahawahan tanging pasasalamat a

Ang koleksyon ko ng Reader's Digest 2018

Imahe
ANG KOLEKSYON KO NG READER'S DIGEST 2018 mahal ang Reader's Digest na bago, alam ko ito presyo'y isangdaan siyamnapu't siyam na piso subalit luma man nito, ang turing na'y klasiko kaya mga lumang Reader's Digest ang binili ko nang minsang dumalaw sa Book Sale, ito na'y nagmura nabili kong tatlumpu't limang piso bawat isa pautay-utay lang ang bili, una'y apat muna sunod ay tatlo, sunod ay isa, muli isa pa mula Enero hanggang Setyembre ang mga isyu na pawang tatlong taon nang nakararaan ito subalit di naluluma ang sanaysay at kwento nananatiling napapanahon ang mga ito siyam na isyu ang binabasa't nababalikan samutsaring klasikong sanaysay ang nilalaman kalusugan, karanasang personal, kasabihan humour, kwentong trabaho, travel, trivia, puzzle, liham kung siyam na isyung ito'y binili ko na noon nasa isang libo't walong daang piso rin iyon ngunit tatlong daan labinglimang piso lang ngayon nakamura na rin ako kung suriin paglaon lalo't Rea

Ang kalabasa

Imahe
ANG KALABASA iyang kalabasa raw ay pampalinaw ng mata bakasakaling nanlalabong mata'y makakita pampalinaw din kaya ng budhi ang kalabasa lilinaw din kaya ang paghahanap sa hustisya kalabasa, anang iba, sa mata'y pampatalas upang makita ang mga pandaraya't padulas ng mga trapong ang ugali'y kapara ng hudas dinaan na sa lakas, dinadaan pa sa dahas aba'y pag ginulay ang kalabasa'y anong sarap bakit ba ito'y naging simbolo ng mapagpanggap kalabasa'y dala sa pagkilos ng mahihirap sa rali't sagisag na pinuno'y sero, kaysaklap bakaw sa kapangyarihan kaya sero, butata kayrami pang napaslang sa hanay ng maralita walang due process of law, rule of law ay balewala gayong dapat may konsensyang naglilingkod sa madla ay, kalabasa, ikaw nga ba ang tamang simbolo ng mga trapong sero sa karapatang pantao kalabasang lunti, dilawang kalabasa'y ano kalabasa'y pampalinaw ng mata ang totoo - gregoriovbituinjr. 08.25.2021 * litratong kuha ng makatang gala noong

Ulam ko'y kamatis

Imahe
ULAM KO'Y KAMATIS ulam ko ngayon ay kamatis na pampaganda raw ng kutis kaya pala mukha'y makinis walang tagyawat na matiris sa tulong pala ng kamatis ay napaibig ko si misis mga tula ko'y walang mintis kaya panay siya bungisngis salamat sa iyo, kamatis ang mukha ko'y naging malinis lumakas pa ako't bumilis sa hirap man ay nagtitiis kumikilos tungo sa nais na lipunang walang kaparis lipunang walang bahid dungis lipunang papawi sa burgis bagamat bulok na kamatis sa mukha ng trapo'y ihagis tuloy sa pakikipagtagis kahit na ulam ko'y kamatis - gregoriovbituinjr. 08.25.2021

Pagiging patas

Imahe
PAGIGING PATAS nakikiisa ako sa bawat pakikibaka ng mga maliliit, manggagawa't magsasaka upang kanilang kamtin ang panlipunang hustisya patungo sa lipunang walang pagsasamantala pinapangarap ko'y isang lipunang makatao kaya ko niyakap ang mapagpalayang prinsipyo sinusuri't ipinaglalaban ang bawat isyu upang tiyaking patas ang kahihinatnan nito parehas at makatarungan ang nasang magawa pangarap na maitayo'y lipunang manggagawa kung saan pakikipagkapwa ang nasa't adhika walang pang-aapi't pagsasamantala sa dukha pagkat aktibista akong nangangarap ng patas na lipunang walang kaapihan at pandarahas kaya sa gatla ng noo ko'y iyong mababakas ang pilat sa mga danas ng digmang di parehas kawalang hustisya ba'y dapat hugasan ng dugo upang pang-aapi't pagsasamantala'y maglaho o sa anumang laban ay patas ding makitungo kahit kaharapin pa'y burgesyang tuso't hunyango - gregoriovbituinjr. 08.25.2021

Paslit

Imahe
PASLIT bagamat hitik sa bunga ang puno ng kalumpit na paborito namang pitasin ng mga paslit subalit kung mahuhulog sa puno'y anong sakit kahit kapwa batang nakakita'y napabunghalit bagamat paslit dahil sa kamurahan ng gulang bawat isa sa kanila'y may angking karapatan karapatan nila ang mag-aral sa paaralan subalit di ang magbungkal sa mga basurahan sa murang edad ay karapatan nilang maglaro mag-aral at maglaro silang may buong pagsuyo tatanda agad kung nagtatrabahong buong puso gayong bata pa, ang kabataan nila'y naglaho kung ang bunga ng kalumpit ay madaling mapitas yaong batang nagtratrabaho na'y malaking bigwas sa kanyang pagkabatang di na niya nadadanas bata pa'y nagtrabaho upang makabiling bigas protektahan ang bata, pagkabata'y irespeto huwag hayaang sa maagang gulang magtrabaho ngunit kung dahil sa hirap, gagawin nila ito karapatan nila bilang mga bata'y paano? - gregoriovbituinjr. 08.24.2021 * mga litrato mula sa google

Pagbati

pagbati ng makata'y maligayang kaarawan asam kong lagi kang nasa mabuting kalagayan di nagkakasakit, malusog ang puso't isipan kumikilos pa rin kahit nasa malayong bayan lalo na't matibay kang moog sa kilusang masa habang nagpapatuloy pa rin sa pakikibaka sa dukha't manggagawa'y patuloy na nakiisa upang uring proletaryo'y umagos sa kalsada maganda ang iyong tinuturo sa kabataan nang sistemang bulok ay kanilang maunawaan upang lipunang ito'y kanilang maintindihan balang araw, sila'y magiging manggagawa naman muli, maligayang kaarawan, aming kasama tuloy ang laban, kamtin ang panlipunang hustisya - gregoriovbituinjr. 08.24.2021

Imaginary number sa sudoku

Imahe
IMAGINARY NUMBER SA SUDOKU sa matematika o sipnayan ay may konsepto ng imaginary number, malaking tulong ito sa mga aplikasyon sa pamumuhay sa mundo mahalaga ring gamitin sa abanteng kalkulo tinatawag din ito sa iba namang termino na complex number o masalimuot na numero na di agad maunawa kundi aaralin mo nasok sa isip ko nang naglalaro ng sudoku tulad ng sudoku sa halimbawang naririto sa unang kahong siyaman ay makikita ninyo na dapat ilagay sa blangko'y dos, syete, o kwatro ngunit dos at syete'y di maaari sa ikatlo o ikatlong blangkong kahon na kwatro ang sagot ko kwatro'y tinuring na imaginary number dito at naging mabilis na ang pagsagot ng sudoku sa ikalawa'y dos agad, mabubuo na ito kaya sa sipnayan muling naging interesado dapat magbasa-basa muli't ako'y magrepaso ang complex number, ang number theory't tulad nito sa sariling wika'y ipaliwanag ang konsepto mapagaan ang sipnayan sa unawa ng tao na maaaring pasanaysay maisulat ito o sa patula kong

Pananghalian sa opis

Imahe
PANANGHALIAN SA OPIS simpleng ulam na vegetarian sa opis kanina pampahaba raw ng buhay ang talong, LONG talaga? may sawsawang bagoong, gulay ang ulam tuwina pati pampalusog ding sitaw, okra't kalabasa marahil pampapayat din dahil wala nang karne na pag nagkasakit, tititig na lang sa kisame ang pasya kong maging vegetarian ay pasakalye tungo sa kalusugan nang may mabuting diskarte di naman ito salungat sa tutugpaing buhay na malusog ang puso't diwa kahit nagninilay habang ang diwa ng Kartilya'y isinasabuhay at kasama ng obrerong nagkakaisang hanay kumakain ng gulay at nakikibaka pa rin vegetarian na'y budgetarian pa ang bulsa't turing upang lumusog ang sinumang aktibistang gising upang di sa sakit bumagsak, tuloy ang layunin - gregoriovbituinjr. 08.23.2021

Paghihintay

Imahe
PAGHIHINTAY gutom ang inabot ko sa mahabang paghihintay mahirap basta umalis sa pinuntahang hanay at wala ring malapit na pagkakainang tunay kahit sana may magbenta ng biskwit o tinapay sa bawat paghihintay ay dapat magpakatatag sikmura na'y humahapdi sa pilang di matinag ang paisa-isang usad ng pila'y pampalubag ngunit kagutuman ay sadyang nakapangangarag kalahating oras, isang oras na nakapila ang dalawang oras na pila'y kakayanin pa ba di ko na kaya ang gutom, ako'y nakiusap na sa katabi, ah, upang makalamon na talaga naghanap ng makakainan sa dako pa roon wala, hanggang ako'y lumabas sa pasilyong iyon may vendor, walang kanin, ulam, biskwit ang mayroon kaya biskwit ang inalmusal sa tanghaling iyon aral: huwag kang aalis nang wala pang almusal agahan ang gising, magluto, kumain, dumatal nang maaga sa pupuntahan, huwag matigagal kanina, nakuha rin ang hinintay kong matagal - gregoriovbituinjr. 08.23.2021

Pighati

Imahe
PIGHATI di ko sukat akalain ang pighating nadama ng inang lumuha dahil sa kawalang hustisya aba'y paano pa kaya kung aktwal kong nakita ang karumal-dumal na krimeng matutulala ka pinupuntirya na ba nito'y ating katinuan na maging katarungan ay di na pinapanigan lalo't mga pagpaslang na'y dulot ng kabaliwan pumapaslang alang-alang daw sa kapayapaan imbes na sa katarungan at karapatang pantao nakatutok ang rehimeng dapat nagseserbisyo sa mga pagpaslang na umabot ng libu-libo di na dumaan sa proseso o due process of law hustisyang nakapiring kaya'y anong itutugon sa nangyayaring karahasan sa ating panahon katarungang hanap ay huwag sanang maibaon sa limot o sa libingang nasa dako pa roon - gregoriovbituinjr. 08.23.2021

Kerima

Imahe
KERIMA ipinangalan siya sa bantog na manunulat at sa isang aktibistang nagsakripisyong sukat isa rin siyang makatang tula'y dapat mabuklat upang basahin paano namulat at nagmulat ayon nga kay Robert Frost sa tulang The Road Not Taken na kamakailan lamang ay aking isinalin nilandas niya ang lansangang bihirang tahakin upang paglingkuran ang masang dapat palayain ang kanyang naging buhay ay kapara rin ng tula minsan ay nakabartolina sa sukat at tugma may malayang taludturan din tungo sa paglaya habang tapat na naglilingkod sa bayang dalita di man kilalang personal, nababasa ko siya dahil kanyang mga akda'y kung saan naglipana at nang nangyari sa kanya sa balita'y nabasa ay tanging paghanga ang maiaalay sa kanya bilang makata'y pagpupugay ang tanging paabot sa kanyang pagkamatay na lipunan ang kasangkot siyang hangad na ituwid ang sistemang baluktot at palayain ang bayan mula sa mga buktot - gregoriovbituinjr. 08.22.2021 * litrato mula sa google

Kamulatan

Imahe
KAMULATAN kung kumportable lang sa buhay, di makasusulat ano pang dahilan ng pagkathang walang katulad ano pang rason ng manunulat upang manumbat at mga kabulukan ng lipunan ay ilahad kung kumportable lang sa buhay ay di na kakatha dahil nasa toreng garing na ako't pinagpala ano pang makikita ko roong dapat itula kundi purihin lang ang yaman at mga kuhila di man kumportable, manggagawa't dukha'y karamay kaya sa paligid ko'y laksang paksa'y nahalukay naisusulat ang dusa't lungkod sa simpleng bagay tulad ng mga sugat na sa puso nakaratay nararamdaman ng makata ang hikbi't hilakbot sa bulok na sistemang ngitngit ang idinudulot paraan niya'y ilantad ang sistema ng buktot linisin ang dumi't ituwid ang mga baluktot humihikbi ang loob, sa labas ay nakangiti ganyan ang makatang nakatawa ngunit may muhi sa sistemang bulok na ayaw niyang manatili lalo't pagsasamantala ng tusong naghahari mahirap pa sa daga ang kalagayan sa lungga at sa mundong iyon ay nali

Kape tayo

Imahe
KAPE TAYO aba'y tara, tayo muna'y magkape habang nagpapahinga ngayong gabi at mag-usap anong tamang diskarte sa pagtapal ng butas sa kisame sapagkat nagbaha na naman dine magkape habang pinagninilayan ang mga nakaraang karanasan pag-usapan ang mga tunggalian sa pagitan ng unyon at kawatan at nangyayari sa pamahalaan dapat na may kongkretong pagsusuri sa mga usapin at katunggali bakit sa lipunan, may naghahari may nagsasamantala't mga uri kahirapa'y paano mapapawi salamat sa pagdamay mo sa akin ngayong gabing utak ko'y pagod na rin dahil sa kasawiang dapat dinggin upang lumuwag ang nakahihirin at malutas na ang alalahanin - gregoriovbituinjr. 08.22.2021

Sahod-ulan

Imahe
SAHOD-ULAN umulan ng malakas kaninang bago maggabi nagbaha na naman, may butas pa rin sa kisame kahit inayos na ito ng isang anluwage kailangan muling maglampaso sa tabi-tabi subalit sa kusina'y nakapagsahod ng ulan; anang isang manunulat na aking kaibigan na namayapa na'y maling tawaging tubig-ulan dahil tubig na ang ulan, siya'y naunawaan heto, may naipong sahod-ulan sa palanggana bagamat pag-ipon nito'y di ko sadyang talaga naiwan lang ang palanggana matapos maglaba napuno na pala ng tubig nang aking makita salamat sa sahod-ulan, mayroong magagamit di sa pagluto, kundi paglampaso't pagliligpit ng maraming kasangkapang lilinisin kong saglit tulad ng baso't pinggan, kubyertos, basahan, damit ganyan na ang aking gagawin, akin nang sinadya magsahod-ulan, mag-ipon na ng tubig sa timba tulong na ito ng kalikasan sa manggagawa kaya kalikasan ay alagaan nating pawa - gregoriovbituinjr. 08.22.2021

Ermitanyo

Imahe
ERMITANYO kaytagal kong ermitanyo sa puso ko't hinagap na tanging panitikan ang madalas na kausap kahit matao sa rali'y bihirang pangungusap ang sinasabi nitong bibig sa nakakaharap para bang laging nangangarap sa harap ng masa bagamat sumisigaw ng panlipunang hustisya maging karapatang pantao'y inihihiyaw pa subalit ermitanyong masaya sa pag-iisa hanggang maging taong opisina, mag-isa pa rin sa malaking lamesa'y nagsosolo kung kumain kung anu-anong nasa paligid na'y papaksain mag-isang lumilikha lalo't di mo kausapin nasa daigdig ng panitikan ang puso't diwa  ng ermitanyong itong nais maging manunula ngunit sadyang makwento basahin mo lang ang katha napakaraming sinasabi, lagi mang tulala ganyan ang buhay ng ermitanyo sa opisina mukhang kuntento't masaya, mukhang walang problema bagamat may mga nakatagong sugat at dusa na hanging amihan lang ang madalas makakita - gregoriovbituinjr. 08.22.2021

Itigil ang demolisyon

Imahe
ITIGIL ANG DEMOLISYON nginig na pag narinig ang salitang  "demolisyon" nakakakilabot pag nawalan ng bahay ngayon ang demolisyon ay giyera, digmaan paglaon sa maralita, demolisyon ay matinding hamon sadyang nakakataranta sa aba nilang buhay pagkat sa demolisyon, isang paa'y nasa hukay kaya pinaghahandaan ang sagupaang tunay upang tuluyang ipagtanggol ang kanilang bahay ngunit daanin muna sa maayos na usapan dapat makipag-negosasyon sa pamahalaan upang di matuloy ang demolisyon at digmaan sa pagitan ng maralita't maykapangyarihan dahil lalaban bawat maralitang may dignidad pagkakaisa sa pagkilos ang dapat matupad sana'y di na humantong pa sa demolisyong hangad ng nagpapagibang sa dahas ay walang katulad "Itigil ang demolisyon! " sigaw ng maralita "Ang tanging nais namin ay buhay na mapayapa! Ayaw naming maghanda sa pakikipagsagupa!  Subalit di kami aatras kung hangad n'yo'y digma!" - gregoriovbituinjr. 08.22.2021 * litratong kuha ng makat

Kung may dinaramdam

Imahe
KUNG MAY DINARAMDAM di ko mabigkas yaong muhing sukat ipagdamdam di masabi ang mga sugat na dapat maparam torpe, kimi, mahiyain, aba'y kanilang alam subalit minsan, pananahimik pa'y mainam pagkat ayoko ring makasakit ng saloobin ng aking kapwa, kaaway man siya kung ituring  ah, mabuti pang sinumang maysala'y patawarin kung wala namang krimen, nasaktan lang ang damdamin sakaling dinanas mo'y pagkabigo sa pag-ibig di mo pa lang nakita ang kahalikan ng bibig balang araw, si Kupido'y sa iyo rin papanig makikita mo rin siya't kukulungin sa bisig kung sinuntok ka ng kaaway mo dahil sa utang aba'y may utang siya sa iyong pagbabayaran pag katipan mo'y sinalisihan ng kaibigan aba'y tiyak na kandila ninyo'y magsosolian kung sakaling may dinaramdam, subukang magsuri kung may dinaramdam, paghilumin muna ang muhi bawat kalutasan kasi'y pagbabakasakali baka magpahilom lang ay panahon, di madali kung gaganti'y pag-isipan nang apatnapu't apat di rin

Kwentong pagsasalin

Imahe
KWENTONG GASUL mula Nobyembre hanggang Hulyo ang itinagal din ng pininturahan kong gasul dahil kalawangin pina-refill ko, di pwedeng ipagpalit ang gasul walang tatak, refill nga lang, di na ako tumutol kinabukasan pa nang pina-refill ko'y nakuha limangdaan dalawampu't limang piso'y halaga sa opis ginamit, walong buwan bago naubos kaytagal ding nagsilbi sa kagaya kong hikahos nang naubos na ang pulang gasul, ginamit naman ang reserbang asul na gasul na pinatago lang ng isa pang samahang sa inupahan umalis na gamit ko ngayon, kaysa sa gutom ay magtiis paumanhin sa samahang iyon at nagamit ko magkagayunpaman, isang ito'y utang sa inyo na babayaran din pagdating ng tamang panahon tanging pasalamat ang paabot sa inyo ngayon datapwat mauubos na rin ang asul na gasul may tatak, maipagpapalit ang gasul na asul ang problema na lang, ang pambili'y saan kukunin di ko pa nakuha ang salapi sa pagsasalin di ako nag-aalala, tulad nami'y matatag nakararaos, anumang problemang n

Lipunang pangarap

Imahe
LIPUNANG PANGARAP isang sistemang parehas, lipunang manggagawa ang pangarap naming itayo, kasama ng dukha kami'y kumikilos tungo sa lipunang malaya at walang kaapihan, lipunang mapagkalinga kaya ngayon ay nakikibaka kaming totoo upang itayo'y asam na lipunang makatao na walang pagsasamantala ng tao sa tao kalagayan ng tao sa mundo'y sosyalisado ang kapitalistang sistema'y tuluyang palitan nang mas abante't patas na sistema ng lipunan anupaman ang tawag, kung sosyalismo man iyan mahalaga'y pantay at parehas ang kalakaran papalit sa uring kapitalista'y ang obrero na siyang mamumuno sa lipunang makatao walang maiiwan, pulubi man, sa pagbabago lahat ay nakikipagkapwa't nagpapakatao kung ugat ng kahirapa'y pribadong pag-aari di na iyan dapat pang umiral ni manatili pagsulpot ng iba't ibang uri'y dapat mapawi pakikibaka mang ito'y pagbabakasakali iyan ang pangarap ko't pangarap din ng marami kaya sa pakikibaka'y nagpapatuloy kami upang

Sa gitna ng pandemya

Imahe
SA GITNA NG PANDEMYA patuloy pa rin ang makauring pakikibaka ng manggagawa kahit nasa gitna ng pandemya paano na ang bukas at kalusugan ng masa ang mamamayan ba'y may nakukuha pang ayuda gayunpaman, bilin pa rin sa atin ay pakinggan alagaan ang pamilya't ang ating kalusugan kumain ng gulay at magpalakas ng katawan magbitamina, magpakatatag, magbayanihan mag-face mask, mag-alkohol, laging mag-social distancing mag-face shield tuwina't sa labas ay huwag alisin pag-uwi, damit at sapatos ay agad hubarin maghilamos, magbanlaw, bagong damit ay suutin kung walang pupuntahan, huwag lumabas ng bahay ibang-iba na ngayon ang kalakaran ng buhay dahil sa pandemya'y nag-iingat na tayong tunay sana lang, tama ang palakad nila't walang sablay dahil pag walang trabaho'y tiyak na walang kita dahil pag walang kita'y magugutom ang pamilya dahil inaabot ng walang pera'y pagdurusa dahil gutom ang dinaranas pag walang ayuda ganyan dito sa lungsod, di tulad sa lalawigan masikip

Babasahin sa paggawa

Imahe
BABASAHIN SA PAGGAWA kung mababasa lang ang lathalaing paggawa baka naghimagsik na ang nagtatrabahong madla laban sa sistemang pinaiiral ng kuhila o mga taksil na tubo lang ang inaadhika samahan sa paggawa'y patuloy na umiiral habang lipunang pangarap nila'y pinangangaral mula sa primitibo komunal, alipin, pyudal at paano palitan ang sistema ng kapital mayroong hanggang reporma lang ang inaadhika animo'y pinakikintab ang gintong tanikala nais ng marami'y rebolusyon ng manggagawa at itayo ang isang lipunang mapagkalinga ang mga araling ito'y dapat nating basahin mga babasahin itong dapat nating aralin at kung kaya, bawat manggagawa'y pagkaisahin patungo sa lipunang makatao'y pakilusin - gregoriovbituinjr. 08.21.2021 * litratong kuha ng makatang gala mula sa mga nasaliksik na babasahin sa aklatan ng opisina ng paggawa

Ang buwan ko'y Agosto

Imahe
ANG BUWAN KO'Y AGOSTO sinilang man akong Oktubre, buwan ko'y Agosto pagkat Buwan ng Wika kaya ito'y pinili ko di lang malapit sa puso't diwa ang paksang ito kundi paksang tagos na tagos sa kalooban ko ang buwan ng Agosto'y buwan din ng Kasaysayan tinataguyod ko ang Kartilya ng Katipunan aktibo ring kasapi ng grupong Kamalaysayan o Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan pagpapayabong ng wika'y tungkulin ng makata kaya pag Agosto'y aktibo sa Buwan ng Wika di man makadalo sa programa'y katha ng katha nag-aambag ng katutubong salita sa tula isinilang ang bansa nitong buwan ng Agosto nang sedula'y pinunit ng mga Katipunero hudyat ng pakikibaka ng karaniwang tao upang kalayaan ng bayan ay kamting totoo dalawang paksa, Buwan ng Wika at Kasaysayan mahahalagang isyu sa tulad kong mamamayan na kahit di Agosto'y sadya kong tinututukan na bigyang halaga ang historya't wika ng bayan sariling wika't kasaysayang tagos sa puso ko bilang mangangatha ng tula,