Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2021

Pahabol na tula sa 2021

Imahe
PAHABOL NA TULA SA 2021 aming pagbati sa pagsalubong sa Bagong Taon sa inyo habang kaharap ang panibagong hamon lalo na't ilang buwan na lang bago mag-eleksyon upang magkaroon na ng pagbabago sa nasyon isang bansang nagpapahalaga sa karapatan at pinaiiral ay panlipunang katarungan itatayo ang asam na makataong lipunan kung saan bawat mamamayan ay naggagalangan mabuhay kayo, kapamilya, kapuso, kalahi bangayan at siraan ay di dapat manatili kundi magkapitbisig ang magkapatid sa uri at labanan ang dinastiya't tusong naghahari kami'y taospusong bumabati sa inyo ngayon pasasalamat sa mga nakasama sa layon huling hirit na tula sa pagtatapos ng taon ang aming handog, sa inyo,  Manigong Bagong Taon! - gregoriovbituinjr. 12.31.2021

Sa pag-uwi

Imahe
SA PAG-UWI nagkatuwaan kami sa traysikel na nasakyan dahil sa loob ay saglit kaming naglitratuhan ikasampu na ng gabi nang umuwing tahanan kami ni misis mula pamamasyal at lambingan mabuti't walang unos, di umulan buong araw subalit pusikit na gabi'y sadyang anong ginaw walang buwan, bagamat may bituing natatanaw masaya ang damdamin, paligid ay di mapanglaw may bilin sa traysikel na nilitratuhan noon na nagsasabing  "Huwag tapakan"  ang bandang iyon huwag daw ang mga paa'y itukod o ituon upang di bumaligtad yaong nakasakay roon simpleng paalala upang di tayo madisgrasya mga numerong nuwebe'y tila nakangiti pa sapatos ko't may kyutiks na daliri niya'y kita na habang naglalambingan ay di natataranta -gregoriovbituinjr. 12.31.2021

Bawal magyosi

Imahe
BAWAL MAGYOSI "Saan ang smoking area n'yo dito?"  kanyang tanong "Doon ho! Mga limang milya mula dito!"  tugon sa kanya ng manang, gayong magpapaputok doon upang salubungin ang palapit na Bagong Taon kaygandang bungad, bawal doon ang manigarilyo kung nais mong magyosi, limang milya'y lakarin mo tila ba environmentalist ang manang na ito kapuri-puri rin ang komiks sa mensahe nito paano kung may yosi'y may labintador na tangan kunwa'y magyoyosi, paputok pala'y sisindihan baka makadisgrasya pa't daliri'y maputukan mabuti na lang at alisto ang matandang manang nawa'y alagaan pa rin ang kalikasan natin pati daliri ng mga bata'y alagaan din pag nawalan ng daliri'y habambuhay dadalhin ng maputukan, pagsisisi'y nasa huli man din - gregoriovbituinjr. 12.31.2021 * litrato mula sa pahayagang tabloid na Pilipino Star Ngayon, 12.31.2021, pahina 10.

Mensahe sa payong

Imahe
MENSAHE SA PAYONG napakainit ng panahon, dama'y alinsangan sa isang mapagpalayang pagkilos sa Diliman nang matanaw ko ang nakapayong na mga manang kayganda ng tatak sa payong at nilitratuhan panawagan iyong sa aking puso'y ibinulong nang sa rali't mainit na semento'y nakatuntong sa tumitinding klima'y saan ba tayo hahantong na kung di malutas, danasin ay kutya't linggatong Araw ng Karapatang Pantao noong magrali habang mga lider-masa'y nagbigay ng mensahe na huwag ipanalo ang mga tusong buwitre at buwagin na ang mga political dynasty gayunman, mensahe sa payong ang agad nakita ngayon, nanalasang Odette ay nararamdaman pa ng mga tao't maraming lugar na sinalanta anong tindi bagamat di sintindi ng Yolanda mensahe yaon nang buhay ay di basta mapatid upang tao'y di masadlak sa kumunoy na hatid mahalagang mensaheng marapat nating mabatid upang sa pusikit na gabi'y di tayo mabulid - gregoriovbituinjr. 12.31.2021 * litratong kuha ng makatang gala sa ral...

Kulob

Imahe
KULOB bakit kailangan ko laging umalis ng bahay aba'y kulob na't mainit, di makahingang tunay sa kalunsuran, tila katawan ko'y di na sanay sa kulob na tahanan ay sadyang di mapalagay kaya madalas ay doon na lang ako sa opis papasok, magtrabaho sa kompyuter, maglilinis may tanim, mahangin, malawak, bola ma'y ihagis mag-ingat lang, may lumilipad na yerong manipis nais kong makapagsulat sa loob ng tahanan habang nagninilay ng mga isyu sa lipunan subalit kung kulob ay apektado ang isipan ang wastong kataga'y di maapuhap sa kawalan may bentilador man, sakit sa ulo'y di wariin lalabas at lalabas ng bahay kahit lambingin kaya abang kanlungan ay malimit kong lisanin nang makasagap bahagya man ng sariwang hangin - gregoriovbituinjr. 12.30.2021

Haka, Agos, Layag

Imahe
BUKREBYU: TATLONG AKLAT NG SALIN NG MGA KWENTONG EUROPEANO Tatlong aklat ng salin ng mga kwentong Europeano ang aking nabili nitong Disyembre. Ang una'y ang  HAKA, European Speculative Fiction in Filipino  na nabili ko noong Disyembre 11, 2021 sa Solidaridad Bookshop sa P. Faura St., sa Ermita, Maynila. Naisipan kong balikan ang dalawa pa upang makumpleto ang tatlong aklat ng salin. Kaya bumalik ako ng Disyembre 14, 2021 sa nasabing tindahan ng aklat upang bilhin ang  AGOS, Modern European Writers in Filipino  (na marahil dapat ay Modern European Writings in Filipino), at ang  LAYAG, European Classics in Filipino . Nang makita kong nasa wikang Filipino ang mga kwentong banyagang ito ay agad akong nagkainteres kaya nang magkapera'y aking binili dahil bihira lang ang mga ganitong aklat na wala sa iba pang bookstore. Kumbaga, pampanitikan na, nasa sariling wika pa. Kaya mas madali nang mauunawaan ang kwento. Magandang proyektong pangkultura ang pagsasalin. Ang bawa...

Panawagan

Imahe
PANAWAGAN napadaan lang ako noon sa U.P. Diliman nang makita yaong nakasulat na panawagan "Contractual, Gawing Regular" , aba'y marapat naman lalo na't islogang makatao't makatarungan panawagan nilang ito'y sadyang napapanahon anuman ang kanilang unyon o organisasyon kabaong sa manggagawa ang kontraktwalisasyon kapitalistang pandaraya ang iskemang iyon kaya nag-selfie ako sa islogang nakasulat bilang pakikiisa sa manggagawa, sa lahat ng nakikibaka, lalo sa mga nagsasalat sa mga obrero'y taas-noong pasasalamat O, mga manggagawang kontraktwal, magkapitbisig manggagawang regular ay kakampi ninyo't kabig  kayong iisang uri'y magturingang magkapatid iskemang kontraktwalisasyon nga'y dapat mapatid - gregoriovbituinjr. 12.29.2021

Anibersaryo

Imahe
ANIBERSARYO kaunti lang kami sa tanggapan ng mga dukha nang anibersaryo'y ipinagdiwang ng dalita iba'y sa zoom online nagbigay ng pananalita maraming di nakadalo nang tamaan ng sigwa bagamat kaunti ang nagsama-samang nagdiwang subalit diwa nito sa bawat isa'y may puwang habang patuloy sa nasang makataong lipunan upang bawat isa sa lipunan ay makinabang sa kakaunting handa bawat isa'y salu-salo nag-awitan, nagtugtugan, nagsayawan, nagkwento nagpahayag ang mga lider ng dukha't obrero pinataas ang moral, pinalapot ang prinsipyo taas-kamaong pagbati sa lahat ng kasama habang nagpapatuloy ang ating pakikibaka para sa pangarap na mapagpalayang sistema kung saan umiiral ang panlipunang hustisya - gregoriovbituinjr. 12.29.2021 * Ang litrato'y kuha noong Disyembre 18, 2021 sa ika-35 anibersaryo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa tanggapan nito sa Lungsod ng Pasig

Ang bagyong Odette at ang Climate Change

Imahe
ANG BAGYONG ODETTE AT ANG CLIMATE CHANGE Saliksik, sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Katatapos lang nitong Disyembre ang COP 26 sa Glasgow, Poland kung saan pinag-usapan kung paano lulutasin ang epekto ng climate change o nagbabagong klima sa buong daigdig. Iyon ang ika-26 na pagpupulong ng Conference of Parties on Climate Change na nilalahukan ng mga pamahalaan ng iba't ibang bansa. Pinag-usapan kung paano mapapababa ang epekto sa atin ng nagbabagong klima. At ngayon naman, rumagasa ang bagyong Odette (may international name na typhoon Rai) na ikinasalanta ng maraming lugar sa Kabisayaan. Isa ba itong epekto muli ng nagbabagong klima? Ayon sa NDRRMC Situational Report No. 4 for Typhoon ODETTE (2021) noong Disyembre 18, 2021, ang sumusunod na lugar ang sinalanta ng nasabing bagyo: Typhoon “ODETTE” Landfalls: 1:30 PM, 16 December 2021 in Siargao Island, Surigao del Norte 3:10 PM, 16 December 2021 in Cagdianao, Dinagat Islands 4:50 PM, 16 December 2021 in Liloan, Southern Le...

Aklat ng saribuhay

Imahe
BUKREBYU: ANG REGALONG AKLAT NG MAKATANG GLEN SALES Nakasama ko nang minsan sa pagtitipon ng mga makata sa Luneta si Glen Sales, isang guro at makata mula sa lalawigan ng Quezon, sa isang aktibidad ng grupong KAUSAP, kasama ang nagtayo nitong si Joel Costa Malabanan, na guro naman sa pamantasan. Hanggang sa nila-like niya ang mga tula ko sa pesbuk at nila-like ko rin ang kanyang mga tula. Nitong nakaraan lamang ang pinadalhan niya ako ng librong "Biodiversity in the Philippines" ni Almira Astudillo Gilles, na nasa 56 na pahina. Makulay ang mga nilalaman at hinggil sa kalikasan. Alam daw niyang interes ko ang isyung pangkalikasan kaya niya iyon ibinigay sa akin. Natanggap ko nitong Disyembre 20, araw ng Lunes. Dahil dito'y taospusong pasasalamat ang aking ipinaabot. Agad kong binuklat at binasa ang mga nilalaman. Ang nasabing aklat ay batayang aralin hinggil sa kalikasan at kagandahan ng ating saribuhay o bayodibersidad. At sa pambungad pa lang ay nagsabi pang kung nais na...

Kwentong agham

Imahe
Dalawang aklat ng science fiction Nabili ko ang librong The Caves of Steal ni Isaac Asimov sa BookEnds sa Baguio City noong Nobyembre 12, 2021, na may 270 pages, P120.00. Nabili ko naman ang HAKA: European Speculative Fiction in Filipino sa Solidaridad Bookshop nitong Disyembre 11, 2021, sa halagang P250.00, 322 pages. Aba'y nasa sariling wikà ang HAKA, 16 na science fiction mula sa 16 na bansa sa Europa, na isinalin sa wikang Filipino. Hanep talaga! Inspirasyon ang mga science fiction books na ito upang ganahan ako muling magbasa at magsulat ng maikling kwento, lalo sa panahong nananamlay ang aking panulat. MGA KWENTONG AGHAM aba'y anong sarap kong ninamnam yaong samutsaring kwentong agham di man dalumat ang inaasam ngunit pagbabasa'y anong inam mula sa diwa ko't niloloob ay kung anu-anong nakasukob kaya sa pagbabasa'y sumubsob sa akda ni Isaac Asimov isa pang kahanga-hangang libro'y samutsaring akdang Europeano labing-anim na maikling kwento'y sinalin sa w...

Minimum na pamasahe

Imahe
MINIMUM NA PAMASAHE Disyembre 11, 2021, Sabado, nalitratuhan ko ang paskil ng pamasahe sa dalawang magkaibang dyip. Umaga, pagsakay ng biyaheng San Andres-Faura, P9 ang minimum na pamasahe. Wala ang kasama nang pinuntahan dahil nasunugan. Umalis daw. Kaya nagtungo na lang sa Solidaridad Bookshop sa Faura, bumili ng inaabangang aklat, ang Balatik, bago nagtungo ng opis sa Pasig. Gabi, pagsakay ng dyip na biyaheng Pasig palengke - Crossing, P10 na ang minimum na pamasahe. Magkaibang minimum na pamasahe sa dyip Piso mang diperensya sa bulsa'y halukipkip Sa biyaheng samutsari'y aking nalilirip Nakunan ng litrato ang sa mata'y nahagip Mahal na pamasahe'y tila nakabibigti Lalo't butas na ang bulsa'y di pa mapakali Buti kung sa swelduhang trabaho'y laging busy Pa'no kung walang sweldo, kulang ang pamasahe Heto, kumikilos pa rin kahit walang sahod Aba'y maglakad na lang kahit saan umabot Hanggang marating ang lugar at makapaglingkod Sa kapwa maralitang ang b...

Yero

Imahe
YERO habang nagninilay ay biglang umihip ang hangin anong lakas, isang yero ang patungo sa akin agad akong kumilos at baka ako'y abutin buti't nakailag kundi sugat ang tatamuhin maaliwalas naman ang langit, wala ring bagyo subalit bakit sa akin ay may patungong yero nanggaling iyon sa labas, yero kaya'y kanino may badya bang delubyo, aba'y muntikan na ako ako'y nahiga sa papag, sa langit tumingala bughaw ang panginorin at puno ng talinghaga katatapos lang ng pulong ng mga maralita nang umihip ng malakas, akala ko'y may sigwa buti't di sumugat sa akin ang yerong matalas ano kayang pahiwatig ng ganitong namalas ito kaya'y banta o paalaala sa bukas na dapat mag-ingat lalo't hangin ay lumalakas - gregoriovbituinjr. 12.08.2021

Dalawang aklat

Imahe
THE STORY AND ITS WRITER An Introduction to Short Fiction Nauna kong nabili ang Compact Sixth Edition nito noong Mayo 9, 2019, sa Book Sale, sa gilid ng Shopwise sa Cubao, sa halagang P265.00, na umaabot ng 1060 pahina. Dalawa't kalahating taon ang lumipas, nabili ko naman ang mas makapal na Fifth Edition nito noong Nobyembre 12, 2021 sa BookEnds BookShop sa Lungsod ng Baguio, sa halagang P250.00, nasa 1748 pahina.  Di ko akalaing mabili ang parehong aklat na magkaiba ng edisyon. Gayunman, salamat at magkaiba pa rin silang aklat. Kundi'y doble-doble ang nabili ko. Pawang mahalagang collector's item at magandang pag-aralan ng tulad kong nais pang matuto sa pagsulat ng maikling kwento. dalawang aklat hinggil sa kwento at manunulat mga collector's item na dama ko'y mapagmulat na maraming matututunan pag ito'y nabuklat kayganda, "The Story and Its Writer" ang pamagat kahanga-hanga ang The Necklace ni Guy de Maupassant kaya ayokong magkaroon ng anumang utan...