Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2022

Pagsagip

Imahe
PAGS AGIP tila ba tayo'y muling nabigo pag nahalal ay trapong hunyango tila ba pangarap ay gumuho pagkat trapo muli ang naupo wala na bang iba? tanong nila sino bang sisisihin ng masa? kaya naboto'y binoto nila! anong aral dito'y makukuha? may tumatakbong lider-obrero upang mamuno bilang Pangulo gusto kaya ng tao'y di trapo? o gusto'y bata ng bilyonaryo? tumakbo ang lider-manggagawa may dalang plataporma't adhika para sa nakararaming dukha platapormang pantulong sa madla sana'y masagip ang bayang sawi laban sa bulok na naghahari subukan naman di trapo kundi lider-manggagawa'y ipagwagi - gregoriovbituinjr. 04.26.2022

No to UniThieves!

Imahe
NO TO UNITHIEVES! ayoko sa pagkakaisa ng mandarambong ayoko sa pagkakaisa ng sinungaling ayoko sa pagkakaisa ng magnanakaw ayoko sa pagkakaisa ng mga praning ayokong iisahan tayo ng mandarambong ayokong iisahan tayo ng sinungaling ayokong iisahan tayo ng magnanakaw ayokong iisahan tayo ng mga praning kawawa lang ang bayan sa mga mandarambong kawawa ang bayan sa pinunong sinungaling huwag nating iboto ang mga magnanakaw na pag sila'y nanalo, matutuwa ang praning huwag nating hayaang bayan ay mapahamak sa kandidatong mandarambong at sinungaling na sarili lamang ang laging laman ng utak huwag tayong padaya sa mga trapo't praning No to UniThieves! Huwag naman sa mandarambong! No to UniThieves! Huwag naman sa sinungaling! No to UniThieves! Huwag naman sa magnanakaw! Mayroon naman diyang matino't magagaling! - gregoriovbituinjr. 04.26.2023

Kalat ng istiker

Imahe
KALAT NG ISTIKER mga tinanggal na papel mula sa laksang istiker kalat matapos magpaskil sa mga poste at pader mga basurang tinipon na di sa daan tinapon kung tutuusin, repleksyon nitong kandidato ngayon mabuting pamamahala ay tatak ng manggagawa na may magandang adhika sa kalikasan at madla pulos papel sa halalan kalat ng pinagdikitan ang bag muna'y basurahan responsable ako riyan habang tuloy sa pagdikit istiker ay pinapagkit nang madla'y makitang pilit kandidato nating giit pag basurahan nakita saka sa bag tanggalin na ang natipon kong basura ganyan, munti kong sistema - gregoriovbituinjr. 04.26.2022

Pagtatak

Imahe
PAGTATAK pitong tshirt yaong tinatakan pagawang silkscreen na'y bininyagan anong ganda ng kinalabasan pulang letra'y tatak sa likuran dahil harap ay Luke Espiritu na itim naman ang tatak nito itinatak natin ang numero't pangalan ng ating kandidato tila polyester ang tela niyon telang plastik pag kinapa iyon di gaya ng koton nang hinagod pintura'y di bumakat sa likod silkscreen na iyon ay pinagawa bilang ambag sa ating adhika na ipanalo ang manggagawà at ang plataporma nilang akda halina't kayo'y magpatatak din nasa opis ang gamit na silkscreen tshirt sa Inyo, hagod sa akin libre lang, tshirt na'y inyong dalhin - gregoriovbituinjr. 04.26.2022

It's my time, huwag kang bastos

Imahe
IT'S MY TIME, HUWAG KANG BASTOS napuruhan ni Attorney ang dalawa pang attorney "It's my time, huwag kang bastos!" sa isa'y kanyang sinabi nakita iyon ng taumbayan sa isang debate na balitaktakan ay maaanghang at matitindi naupakan ni Espiritu sina Gadon at Roque di pa tapos magsalita si Attorney Espiritu ay sumabat na si Gadon na tingin sa iba'y bobo si Gadon na tingin sa sarili'y magaling at bibo siyang mahilig magmura sa tao ng tanginamo ay napatahimik ng mahusay na lider-obrero bukod kay suspended lawyer Gadon na kilalang bastos may Isa pang abogadong sa debate'y nakatuos kay Roque, "And now you're singing Aleluya and praise Marcos" si Attorney Espiritu'y matindi ring bumatikos napanganga ang madla't siya'y hinangaan ng lubos dalawang pro-Marcos ay nagkaroon ng katapat na sa panayam kay Espiritu ng C.N.N., si Pia Hontiveros, bilang ng like sa twitter n'ya'y tumaas pa komento'y bakit "huwag kang bastos, sing...

Istikering sa Manda

Imahe
ISTIKERING SA MANDA nagdidikit pa rin ng istiker sa Mandaluyong pag may bakanteng poste't pader, didikitan iyon mga naiwang lider ay di basta makasulong dahil matatanda't halos kaedaran ni Ninong ngunit handa pa ring tumulong, ituloy ang laban ng namayapang matanda't kami'y narito naman para sa katiyakan nila sa paninirahan nag-usap-usap dahil sa darating na botohan may iilang nakuhang dapat ikabit na poster subalit mas marami ang mga dalang istiker naghahanap ng poste't mga didikitang pader basta tanghali o hapon, dikit lang ng istiker dalawang klaseng istiker ang sa bag ay dala ko ang national minimum wage na sevenfifty peso at kandidato sa Senado, Ka Luke Espiritu isyu't lider-manggagawang nais maipanalo kayrami ng istiker na kailangang maubos at mauubos lamang iyon kung tayo'y kikilos may kasama man o mag-isa ay gawin nang lubos maging alisto lang pag may kalabang mangangalos - gregoriovbituinjr. 04.23.2022

Oplan Dikit sa Cubao

Imahe
OPLAN DIKIT SA CUBAO nagsagawa ako ng solong Oplan Dikit ng mga istiker sa kalsadang malapit sa inuuwian, katawan na'y pinilit lalo't kayraming istiker na ipapagkit dalawang klaseng istiker ang mga ito isa'y minimum wage na sevenfifty peso across the board sa lahat ng rehiyon dito at Attorney Luke Espiritu sa Senado talagang dapat ang mga ito'y maubos mauubos ito kung talagang kikilos upang kandidato'y ikampanya ng taos sa puso upang sila'y ipanalong lubos habang naglalakad-lakad dito sa Cubao solo-solong nagdidikit, kayod-kalabaw ambag upang sila'y maipagwaging tunay at makapwesto sila'y maganda nang pakay - gregoriovbituinjr. 04.22.2022

Sa pamamaril kina Ka Leody

Imahe
SA PAMAMARIL KINA KA LEODY nakabibigla ang mga naganap habang sila ay nakikipag-usap sa mga katutubo't nagsisikap malutas ang isyung kinakaharap ngunit buhay nila'y puntiryang ganap pinagbabaril sina Ka Leody ng kung sinong di pa natin masabi natamaan ay ang kanyang katabi kung nagawa sa magpe-presidente lalong magagawa sa masang api ayon sa ulat ay nangyari iyon sa Barangay Butong, Quezon, Bukidnon sa tribu ng Manobo-Pulangiyon lima ang sugatan sa mga iyon buti't walang namatay sa naroon pinagtangkaan ang kanilang buhay ng kung sinong mga nais mang-agaw ng lupang ninunong talagang pakay bago iyon ay niralihang tunay ang minahan, isyu iyong lumitaw walang negosasyon, sadyang madugo pag patungkol na sa lupang ninuno na nais maagaw sa katutubo isyung dapat ngang malutas ng buo buti't walang namatay, salamat po ingat kayo diyan, mga kasama sa patuloy ninyong pangangampanya sana, biktima'y kamtin ang hustisya sinumang maysala'y mapanagot pa isyu'y mapag-usapan, ...

Sa tugmaan

Imahe
SA TUGMAAN dahil salita'y kapwa nagtatapos sa titik "o" akala'y tugmâ ang salitang dugô at berdugo ang isa'y walang impit, isa'y may impit sa dulo dinggin mo't sadyang tugmâ ang berdugo at pangulo ang kapitalista at manggagawà ay di tugmâ kahit ang Duterte at butetè ay di rin tugmâ una'y walang impit, ang ikalawa'y may impit nga tingni, ang dambuhalà at manggagawà ay tugmâ mag-ingat sa gamit ng may impit at walang impit sa tula, baka punahin kita'y biglang maumid pag nag-istrikto pa, salita'y lalagyan ng tuldik nang masabing tugmâ ang mga salitang ginamit magkatugmâ ang may impit pag dulo ay patinig tugmâ naman ang walang impit pag nagpantig-pantig sa sariling wika'y may panuntunan ang katinig may katinig na malakas, may mahinang katinig nagtugmâ ang katinig pag dulo'y nagtatapos sa katinig na malakas na b, k, d, g, p, s, t na di naman tugmâ sa salitang pag dulo'y nasa katinig na mahinà na l, m, n, ng, r, w, y sa Florante at Lau...

Yosibrick

Imahe
YOSIBRICK patuloy pa ring nagyo-yosibrick laban sa mga upos at plastik ginagawa itong matalisik sa problema'y di patumpik-tumpik nag-ecobrick na, nag-yosibrick pa upos sa laot naglutangan na dapat nang malutas ang problema sa upos at plastik na basura yosibrick ang isang ambag namin masolusyonan ang suliranin sa mga basurang likha natin may magawa tayo ang layunin di ako nagyoyosi, ikaw ba? simpleng bagay laban sa basura nagtitipon ng kalat ng iba tulong paglutas sa upos nila tara, tayo nama'y mag-yosibrick gawin laban sa upos at plastik mata nati'y di naman titirik di man maubos, upos at plastik - gregoriovbituinjr. 04.16.2022

Pantatak

Imahe
  PANTATAK silkscreen o pantatak sa tshirt ay ipinagawa ng maralita upang sa opis magtatak sadya na ambag sa kandidato ng uring manggagawa nang makilala sila't magkapag-asa ang madla pag-asang di makita sa nagdaang mga trapo na laging ipinapako ang pangako sa tao sistemang neoliberal ay patuloy pang todo na imbes magserbisyo, una lagi ang negosyo simpleng ambag ng mga maralita ang pantatak ng tshirt, kahit dukha'y patuloy na hinahamak minamata ng matapobre, gapang na sa lusak dukhang masipag ngunit gutom, sigat na'y nag-antak magdala ng pulang tshirt, pantatak sagot namin ganyan ang maralitang sama-sama sa layunin sa mumunting kakayahan nag-aambagan pa rin upang ipagwagi ang mga kandidato natin - gregoriovbituinjr. 04.16.2022

Paglilingkod

Imahe
PAGLILINGKOD isyu ng bayan ang talagang dapat salalayan ng paglilingkod para sa kapakanan ng tanan bakit di isyu ng trapo't elitistang gahaman? dahil di negosyo ang maglingkod sa sambayanan mabuting pamamahala, trabaho, edukasyon pantay na sahod ng manggagawa sa buong nasyon kalusugan at karapatan, pangunahing layon pag kamtin, balang araw, kami sa inyo'y lilingon di lang usapin ang pagbangon ng agrikultura kundi kagalingan din ng buhay ng magsasaka at ng manggagawang nagpaunlad ng ekonomya ng bayan, nawa'y kamtin ang panlipunang hustisya O, Kandidato, sa Kongreso man o sa Senado gobernador o meyor ng lungsod o probinsya n'yo sa sambayanan sana'y maglingkod kayong totoo di sa kapitalista, di sa elitista't trapo kung sakaling kayo'y manalo, gawin ang marapat sa mamamayan kayo'y magsilbing tunay at tapat di para sa interes ng ilan kundi ng lahat dahil diyan kami sa inyo'y magpapasalamat - gregoriovbituinjr. 04.15.2022

Leyon

Imahe
LEYON minsan, katulad ko'y umaangil na leyon sa harapan ng sumisingasing na dragon kung lumaban, nag-iisip ng mahinahon upang bayan ay makasama sa pagbangon haharapin anumang dumatal na sigwa at paghahandaan ang darating na digma kakabakahin ang trapo't tusong kuhila na sa bayan ay mang-aapi't kakawawa habang sinusuri ang sistemang gahaman bakit laksa'y dukha, mayaman ay iilan pinagpala lang ba'y iilan sa lipunan? aba'y dapat baguhin ang sistemang ganyan! itayo ang isang lipunang makatao para sa lahat, dukha man sila't obrero lingkod bayan ay di sa trapo magserbisyo kundi sa sambayanan, karaniwang tao buhay ko na'y inalay para sa pangarap lipunang patas, di lipunang mapagpanggap baguhin ang sistema't iahon sa hirap ang madla't sama tayong kumilos ng ganap dignidad ng tao ang siyang pangunahin upang panlipunang hustisya'y ating kamtin ang dignidad ng paggawa'y iangat natin ito'y sadyang pangarap na dapat tuparin - gregoriovbituinjr. 04...

Nilay

Imahe
NILAY nang minsang naglakbay sa kaparangan ng salita yaring diwa'y nagkatiyap ang atas at adhika tungo sa lipunang patas at makamanggagawa di na kalunos-lunos ang kalagayan ng dukha minsan nga'y di makahuma pag nawatas ang nilay sa paglusong sa bahang basura'y natutugaygay para bang nasa karagatan ng lumot ng lumbay o kaya'y nililipad sa hangin ang diwang tunay payak na pangarap upang umahon sa kahapon habang mga ibon sa punong mangga humahapon nilay mula bukangliwayway hanggang dapithapon habang binabasa'y digmaan ng bayan at Hapon patuloy kong pinaglalaban ang malayang bukas nakikibaka para sa isang lipunang patas iyon man sa buhay na ito'y matupad ng wagas ay masaya na ako sa misyong sa akin atas - gregoriovbituinjr. 04.15.2022

KaLeWa

Imahe
KALEWA isang lider-manggagawa,  KA LE ody de Guzman at  WA lden Bello, propesor, aktibistang palaban mahuhusay na lider, pambato ng sambayanan silang ating kasangga, ipanalo sa halalan di makakanan,  KaLeWa  - Ka Leody at Walden na bagong pulitika naman ang dala sa atin di trapo, di elitista, sila'y kauri natin sistemang pantay, lipunang patas ang adhikain baguhin ang sistemang bulok ang kanilang misyon makakanang sistemang diktador, tapusin ngayon kamtin ang hustisyang panlipunan ang nilalayon wawakasan din ang salot na kontraktwalisasyon wawakasan pati neoliberal na sistema kung saan patuloy na bundat ang kapitalista habang pahirap ng pahirap ang buhay ng masa misyon ng  KaLeWa  ay dapat matupad talaga para sa uri, para sa bayan, para sa bansa para sa magsasaka, manininda, manggagawa para sa kababaihan, kabataan, at dukha tara, ating ipanalo ang tandem na  KaLeWa - gregoriovbituinjr. 04.16.2022

Ka Walden

Imahe
KA WALDEN numero dos si Ka Walden Bello para sa pagka-Bise Pangulo propesor, magaling, matalino aktibista, palabang totoo ah, kailangan siya ng bayan adhika'y baguhin ang lipunan walang mahirap, walang mayaman sebisyo'y panlahat, di sa ilan librong isinulat na'y kayrami isyung pandaigdig, may sinabi iba't takot makipag-debate sa kanya, katwira'y matitindi sa mali'y matinding bumatikos di basta sumasama sa agos kilala rin siyang anti-Marcos siya ang kasangga nating lubos ating kandidato, si Ka Walden sa kanya, ang karapatan natin ay ipinaglalabang mariin tara, siya'y ipanalo natin - gregoriovbituinjr. 04.14.2022

Kalbaryo ng pagmamahal

Imahe
KALBARYO NG PAGMAMAHAL mahal na araw, mahal na kuryente, pagmamahal ng pangunahing bilihin, talagang nagmamahal tila ba bulsa't sikmura ng masa'y binubuntal ng matinding dagok ng kapitalistang garapal ah, patuloy ang kalbaryong ito ng maralita, ng konsyumer, ng mababang sahod na manggagawa pagmamahalang ito'y di maipagkakaila sa bawat konsyumer ng kuryente'y kasumpa-sumpa doon sa tapat ng Meralco'y kayraming lumahok sa Kalbaryo ng mga Konsyumer, kaytinding dagok na pasan-pasan na talagang nakapagpalugmok sa buhay ng masang ang ginhawa'y di na maarok O, Meralco, hanggang kailan mo pahihihirapan sa mahal mong kuryente ang kawawang mamamayan O, mamamayan, magkapitbisig tayo't labanan ang ganitong kasakiman sa tubo ng iilan - gregoriovbituinjr. 04.14.2022 * litratong kuha ng makatang gala sa tapat ng tanggapan ng Meralco sa Ortigas, 04.13.2022

Di nagbabakasyon ang pagtula

Imahe
DI NAGBABAKASYON ANG PAGTULA di nagbabakasyon ang pagtula ito ang aking munting panata sa bayang irog, sa buong madla patuloy lang akong kumakatha kayraming paksang dapat isulat mga isyung dapat pang masulat ang makata'y di dapat malingat sa layon niyang makapagmulat basta sa pagkatha'y patuloy lang kahit na minsan ay naglilibang ibubulgar ang hunyango't hunghang sinong tuso't trapong mapanlamang tungong asam na lipunang patas na bawat isa'y pumaparehas sa pagninilay ko'y nakakatas ang panlipunang hustisyang atas di nagbabakasyon ang pagtula patuloy lang ang nilay at katha alay ko sa dukha't manggagawa pagkat ito'y adhikang dakila - gregoriovbituinjr. 04.14.2022

Hibik sa Meralco

Imahe
HIBIK SA MERALCO aba'y kaytindi't mayroon na namang dagdag-singil ang Meralco, aray ko po, ngayong buwan ng Abril kada kilowatt-hour, higit limampung sentimo kaya mamamayan talaga'y napapa-aray ko di magkandaugaga, kaybaba naman ng sahod kulang na lang yata'y magmakaawa't manikluhod huwag kayong ganyan, dupang kayong kapitalista bundat na kayo'y pinahihirapan pa ang masa kandakuba na para may pambayad lang sa inyo e, di naman tumataas ang sahod ng obrero O, Meralco, babaan n'yo ang singil sa kuryente parang masa'y lagi na lang ninyong sinasalbahe O, mamamayan, galit nati'y ipakita naman at ganyang bulok na sistema'y dapat nang palitan - gregoriovbituinjr. 04.13.2022 * isyu batay sa balita sa Inquirer na may pamagat na: Meralco rate hike in April biggest so far this year https://newsinfo.inquirer.net/1581695/meralco-rate-hike-in-april-biggest-so-far-this-year

Huwag magpabudol sa mandarambong

Imahe
HUWAG MAGPABUDOL SA MANDARAMBONG huwag hayaan sa kamay ng mandarambong ang kinabukasan ng ating mga anak pakatandaan natin kung nais isulong ang magandang bukas ng ating mga anak Budol-Budol Muli? aba'y maawa kayo sa kakarampot na ayudang ibibigay limang kilong bigas o limang daang piso boto n'yo'y sa mandarambong pa iaalay pera'y tanggapin ngunit iboto ang tama para sa kaaya-ayang kinabukasan huwag padala sa pangako ng kuhila na paulit-ulit lamang tuwing halalan ang pagboto sa trapo'y punong walang lilim kahirapan ng bayan ay di nilulutas pagboto sa mandarambong, kapara'y lagim huwag magpabudol sa mga talipandas tama na, sobra na ang mga trapong salot huwag hayaan sa kamay ng mandarambong ang bukas ng mga anak, nakakatakot kung mabubudol muli ng mga ulupong - gregoriovbituinjr. 04.13.2022

Sa Pulang Araw ng Paggawa

Imahe
SA PULANG ARAW NG PAGGAWA dalawang linggo pa ang Pulang Araw ng Paggawa halina't papulahin itong araw na dakila pula nating kamiseta ay atin nang ihanda pulang araw na ito'y ipagdiwang nating sadya ang Mayo Uno'y pulang araw na makasaysayan kung saan manggagawa'y nagkaisang ipaglaban ang paggawang otso-oras sa mga bayan-bayan at pangarap na ito'y naipagwaging tuluyan dati'y labing-anim na oras o katorse oras dose oras na paggawa, na nakitang di patas tulog lang ang pahinga, wala kasi noong batas hinggil sa pagtatrabaho kung hanggang ilang oras sa Haymarket Square, malaking rali sa Chicago Mayo Uno nang simulan upang maipanalo ang walong oras na paggawang nais ng obrero hanggang hiling na otso-oras ay maipanalo kaya pag Mayo Uno, manggagawa'y nakapula dahil sa panalong dakila'y naging tradisyon na sa Pulang Araw ng Paggawa, halina't magpula kasaysayan itong dapat nating ipaalala - gregoriovbituinjr. 04.12.2022

Panayam hinggil sa pagsasalin

Imahe
PANAYAM HINGGIL SA PAGSASALIN Pito silang mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa kursong Hospitality Management na nag-aaral hinggil sa Tourism ang aking nakasalamuha kaninang umaga, Abril 11, 2022. Layunin nilang kapanayamin ako hinggil sa gawaing pagsasalin o pag-translate ng English tungo sa wikang Filipino.  Nagkita kami sa harapan ng PLM sa ganap na ikasampu ng umaga, at naghanap ng lugar kung saan kami magkakausap. Nais nilang sa isang kainan upang may mga upuan, hanggang makita namin ang isang plasa na may mga upuan, sa Memorare - Manila 1945, sa loob pa rin ng Intramuros. Sabi ko'y kabisado ko ang Intramuros dahil sa lugar na iyon ako nag-high school. Isang tula ni Robert Frost ang may tatlong magkakaibang salin ang kanilang ipinabasa sa akin upang magbigay ako ng komento. Ang tula ay The Road Not Taken. Pinakita ko naman sa kanila ang sarili kong salin ng The Road Not Taken, pati ang pagkasalin ko ng ilang tula ng mga makatang sina Shakespeare, Petrarch, Po...

Pagkilos

Imahe
PAGKILOS ako'y narito lang, / hinahamong muli ng ilang pulutong / sa pagmamadali paano na lamang / kapag hati-hati mas maigi sana / yaong bati-bati sinisilip namin / ang mga katwiran bakit mga trapo / ay dapat labanan upang di manalo / ang mga kawatan dahil sa kanila'y / kawawa ang bayan ninanais namin / at inaadhika na maipagwagi'y / lider-manggagawa kailan pa kaya / kundi ngayon na nga tuloy ang pagkilos / naming maglulupa ako'y narito mang / katawan ay pagod mga kalamnan ma'y / laging hinahagod ang bawat gawain / ay sadyang may lugod aming kinakaya / kaya sumusugod - gregoriovbituinjr. 04.11.2022

Bawat hakbang

Imahe
BAWAT HAKBANG ayokong magtampisaw sa taginting ng salapi kundi gamitin iyon upang makamtan ang mithi gawin ang marapat upang baha'y di abot-binti sa mga ginto't lipanang tukso'y kayang humindi gagawin ito dahil sa niyakap na prinsipyo na karapatang pantao'y dapat nirerespeto na walang pagsasamantala ng tao sa tao ugat ng kahirapan ay pag-aaring pribado kaginhawaan ng lahat, di lamang ng sarili iyan ang prinsipyong yakap na talagang matindi makasaysayang pag-irog sa bayan ay may ganti tungo sa payapang buhay, sa mayorya'y may silbi aanhin ang kayamanang di madadalang pilit sa hukay upang suhulan si San Pedro sa langit bawat hakbang ko'y prinsipyong pangmasang ginigiit ang hustisya't karapatan sa bayang ginigipit magtampisaw ka na sa matatamong kalayaan mula sa masamang budhi't layaw lang ng katawan bulok na sistema'y winawasak upang palitan upang lipunang makatao ang matayo naman - gregoriovbituinjr. 04.11.2022

Atty. Luke para Senador

Imahe
ATTY. LUKE PARA SENADOR kasangga ng dukha't obrero si Attorney Luke Espiritu palaban man ay makatao ilagay natin sa Senado abogado ng manggagawa at kakampi ng maralita lider-obrerong may adhika para sa bayan at sa madla makatarungan ang mithiin para sa manggagawa natin manpower agencies, buwagin sapagkat linta lang sa atin anong buti ng nilalayon upang obrero'y makabangon salot na kontraktwalisasyon ay tuluyang wakasan ngayon ang manggagawa'y nagtitiis sa lintang manpower agencies nanipsip ng kanilang pawis na dapat talagang maalis kaya pag siya ay nanalo katapusan ng lintang ito iboto, Ka Luke Espiritu ilagay natin sa Senado - gregoriovbituinjr. 04.10.2022

Ako'y simpleng tibak

Imahe
AKO'Y SIMPLENG TIBAK ako'y simpleng tibak na patuloy na lumalaban upang kamtin ng bayan ang hustisyang panlipunan at kumikilos para sa pantaong karapatan upang respetuhin ang dignidad ng mamamayan ako'y simpleng tibak na gumagampan ng tungkulin upang asam na makataong lipunan ay kamtin upang manggagawa bilang uri'y pagkaisahin upang sa bulok na sistema, bayan ay sagipin ako'y simpleng tibak na asam ay lipunang patas kung saan walang inhustisya't gawaing marahas kung saan ang pamamalakad sa tao'y parehas kung saan di umiiral ang trapo't balasubas ako'y simpleng tibak na may prinsipyong dala-dala para sa uring manggagawa, sa bayan, sa masa mithi'y makataong sistema kaya nakibaka tara, ako'y samahan kung saan ako pupunta - gregoriovbituinjr. 04.10.2022

Ang pangatlo kong radyo

Imahe
ANG PANGATLO KONG RADYO bumili akong muli, pangatlong radyo na ito nasira na kasi ang naunang dalawang radyo una'y sa kasal sa huwes, regalo ng tatay ko sunod na radyo'y binili nang magpandemya rito parang pag bumili ng radyo'y ikalawang taon radyong nagbibigay-kasiyahan sa akin ngayon nakaka-relax ng isip, nagiging mahinahon ramdam ko'y ginhawa, puso't diwa'y nakakabangon mula sa bahay, radyo'y dinala sa opisina upang doon mapakinggan ang ulat at musika habang nagninilay ng isyu't usaping pangmasa habang kumakatha ng tulang asam ay hustisya salamat sa radyong nakaliliwanag ng isip musika'y hinehele akong tila nanaginip sa instrumental na tugtog, kayraming nalilirip tila sa matarik na bangin ako'y sinasagip - gregoriovbituinjr. 04.10.2022

Sinong iboboto mo?

Imahe
SINONG IBOBOTO MO? sinong iBoBoto Mo? ang tanong nila sa akin syempre, 'yung di mandarambong o sa bayan, may krimen di mula sa pamilya ng pahirap na rehimen syempre, 'yung magaling, at sa masa'y may pusong angkin syempre, pulang manggagawa, di pulang magnanakaw syempre, 'yung kasangga ng magsasaka araw-araw ng mga manggagawang talagang kayod-kalabaw ng mga dukhang sa dusa't hirap na'y sumisigaw syempre, 'yung karapatang pantao'y nirerespeto at hustisyang panlipunan ay kakamting totoo syempre, 'yung di mayabang, palamura, barumbado at di rin mandarambong, hunyango, gahaman, trapo kailangan natin ng pangulong di pumapatay ng inosenteng tao't kabataang walang malay pangulong matino, pamamalakad ay mahusay kapakanan ng masa ang sa kanya'y unang tunay may pambihirang pagkakataon sa kasaysayan na di trapo yaong tumatakbo sa panguluhan kundi lider-manggagawa,  Ka Leody de Guzman ngayon na ang tamang panahon,  Manggagawa Naman! - gregoriovbituinjr. 0...

Manpower agencies ay mga parasite

Imahe
MANPOWER AGENCIES AY MGA PARASITE kay Ka Luke Espiritu, priority legislation pag nanalong Senador sa halalang ito ngayon buwagin lahat ng manpower agencies na iyon extra layer lang itong walang silbi sa produksyon tinawag niyang mga parasayt ito o linta pagkat kontraktwal ay mananatiling kontraktwal nga sa ahensya kunwa ang trabaho ng manggagawa di sa kumpanyang kaytagal pinagsilbihang sadya parasayt o linta ang mga manpower agencies na nabubuhay lang sa pagsagpang sa ibang pawis ang trilateral work arrangement ay iskemang daplis na sa kontraktwalisasyon, obrero'y nagtitiis mga manpower agencies ay bakit nga ba linta? dahil nagkukunwaring employer ng manggagawa pag nagtanggal, sasabihin ng kumpanyang kuhila di nila trabahador ang nasabing manggagawa sinagkaan ang employer-employee relationship nang dugo't pawis ng obrero'y kanilang masipsip manpower agencies ay lintang walang kahulilip sa salot na ito, manggagawa'y dapat masagip manpower agencies ay walang ambag sa prod...

Mahal na tubig

Imahe
MAHAL NA TUBIG nagmamahal na ang tubig ngayon dahil na rin sa pribatisasyon anong ating dapat maging aksyon upang taas ng presyo'y may tugon nais ng ating mga pambato sa halalan kung sila'y manalo tanggalin sa kamay ng pribado iyang serbisyong para sa tao pamurahin ang presyo ng tubig upang masa'y di naman mabikig sa presyong sa madla'y mapanglupig kita ng kapitalista'y liglig kitang siksik, liglig, umaapaw masa'y tinarakan ng balaraw kaymahal ng tubig araw-araw mga negosyante'y tubong lugaw tapusin na iyang kamahalan at paglingkuran naman ang bayan iboto, Ka Leody de Guzman bilang Pangulo, ating sandigan buong line-up nila'y ipagwagi ipanalo sila'y ating mithi upang sistemang bulok ay hindi na mamayagpag o manatili - gregoriovbituinjr. 04.09.2022

Kuryenteng mahal

Imahe
KURYENTENG MAHAL presyo ng kuryente sa bansa'y talagang kaytaas sa Asya, pangalawa'y Japan, una'y Pilipinas paano ba natin ito agarang malulutas yumayaman lang ang kapitalistang balasubas masa'y kawawa sa mahal na presyo ng kuryente anong ginawa ng gobyernong parang walang silbi di ba nila ramdam? ang bayan na'y sinasalbahe negosyante ng kuryente pa ang kinukunsinti kumikita ba ang gobyerno sa kuryenteng mahal kaya walang magawa, masa man ay umatungal labis-labis na ang kamahalang nakasasakal para bang dibdib ng masa'y tinarakan ng punyal tama na, sobra na, presyo ng kuryente'y ibaba upang di masyadong mabigatan ang maralita kung magpapatuloy ang ganito, kawawang bansa pagkat ang gobyerno palang ito'y walang magawa dapat na magsilbi kang tunay, O, pamahalaan pamurahin ang kuryenteng gamit ng sambayanan kaming mga konsyumer dapat ninyong protektahan price control sa kuryente'y inyong ipatupad naman - gregoriovbituinjr. 04.08.2022 * binasa't binigk...

Pluma bira

Imahe
PLUMA BIRA ang sabi ko, walang sisinuhin ang aking pluma kung sakaling matamaan ka, hingi ko'y pasensya dapat ko lang kasing ilabas ang nasa konsensya baka tiyan ko'y kumulo sa kawalang hustisya walang diyaryo ang sa sulatin ko'y maglathala sa midya sosyal lang naibabahagi ang katha subalit sinisikap birahin ang mali't sala nagmamasid sa paligid, naghahanap ng paksa kaya pag may nakitang mali'y aking susuriin anong puno't dulo'y aralin bago batikusin pag may nakitang mali, magsisimulang kathain ang tula ng batikos, akin silang bibirahin sinumpaang tungkulin ng manunulang tulad ko pasaknong at pataludtod ay bibirang totoo upang panlipunang hustisya'y makamit ng tao pasensya na pag sa bira ko'y natamaan kayo kung sa akin sana'y may maglathalang pahayagan araw-gabi'y sisipagan ko ang pagkathang iyan nang maiparating sa madla't kinauukulan ang nangyayaring katiwalian at kabulukan - gregoriovbituinjr. 04.08.2022

Munting radyo

Imahe
MUNTING RADYO aking binili'y munting radyo, munting kasiyahan nang mga balita't musika'y aking mapakinggan mga ulat sa nangyayari sa kapaligiran isyung panlipunan, klima, daigdig, talakayan iniuwi sa bahay na lugod ang nadarama di muna ako nag-A.M., hanap muna'y musika magi-A.M. lang para sa balita sa umaga gabi, pinihit ang F.M., pulos awitan muna maya-maya lang, musika'y natapos, pulos kwento talakayan ng anchor, ang masa'y iniinterbyu hanggang dumating si misis na galing sa trabaho nainis, ayaw marinig ang pinakikinggan ko aba'y ang sakit naman ng agad niyang reaksyon bago kong radyo't pinakikinggan ay ayaw niyon radyo'y pinatay, nasok sa silid, natulog doon at ngayong madaling araw lamang ako bumangon nagpasya ako, dadalhin ko na sa opisina ang munti kong radyong sa puso'y nagbibigay-saya kung iuwi ko man sa bahay ay kung wala siya kung sa bahay ang trabaho sa kompyuter tuwina munti kong karanasan iyan sa radyong nabili na sa munting kasiyaha...