Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2022

Sa pagyao ng Lumang Taon

Imahe
SA PAGYAO NG LUMANG TAON siyang tunay, napakarami ng sana sana walang maputulan ng daliri at walang tamaan ng ligaw na bala sana walang disgrasya o aksidente halina't iwanan na ang  Lumang Taon nang pag-iingay nang di nagpapaputok salubunging masaya ang  Bagong Taon kahit usok dito'y nakasusulasok ang  Lumang Taon  na'y talagang lilisan at  Bagong Taon  bukas ay isisilang sana'y wala nang mga trapo't haragan na nagsasamantala sa sambayanan pag  Bagong Taon  ba'y dapat  Bagong Yugto ? tulad ng magsintang puno ng pagsuyo kahit mga problema'y di pa maglaho lipunang makatao sana'y matayo - gregoriovbituinjr. 12.31.2022 * litrato mula sa google

Opo, may bayad na ang bus carousel

Imahe
OPO, MAY BAYAD NA ANG BUS CAROUSEL hanggang ngayon na lang ang libreng sakay sa bus carousel na nagsilbing tunay sa pasahero, madlang mananakay at bukas may bayad na ang pagsakay kaya maghanda na ng pamasahe iyan ngayon ang kanilang mensahe sana'y makaupo ng kumportable tungong trabaho't nais bumiyahe opo, may bayad na ang bus carousel tulad ng dati't di na mapipigil sangkatutak man ang dusa't hilahil tuloy pa rin ang buhay, walang tigil - gregoriovbituinjr. 12.31.2022

Magtangkilikan

Imahe
MAGTANGKILIKAN patuloy na tinatangkilik dahil sa mga akda'y hitik at sa diwa'y namumutiktik kaya ito'y nakasasabik katulad din ng tangkilikan sa produktong likha'y tulungan magkaalaman, magpalitan tangkilikan ay bayanihan ang akda mo'y babasahin ko ang tula ko'y tutunghayan mo magpalitan ng kuro-kuro at magbalitaan ng isyu manghaharana sa diwata baka sagutin na ng mutya at kahit ako man ay lupa lalambot din sa kanyang luha panitikan pa'y paunlarin mga awtor ay tangkilikin narito'y pamana sa atin at sa panahon pang darating - gregoriovbituinjr. 12.30.2022

Sa Rizal Park

Imahe
SA RIZAL PARK nagtungo kanina sa Luneta upang maging saksi, nakiisa sa paggunita o pag-alala kay Rizal, bayani't nobelista doon binitay sa Bagumbayan na Rizal Park na ngayon ang ngalan; may dumating ding talaga namang isinagawa'y palatuntunan sa diwa tumagos ang mensahe ng nagwika tungkol sa bayani; naglitratuhan, pa-selfie-selfie bilang patunay, ako'y narine talagang inagahan ang gising nang sa diwa historya'y tumining nang magbangon sa pagkagupiling ang mga anak na nahihimbing - gregoriovbituinjr. 12.30.2022 (sa ika-126 anibersaryo ng pagbitay kay Gat Jose Rizal)

Pagtakbo

Imahe
PAGTAKBO tuloy ang pagtakbo ng panahon lalo't parating ang bagong taon alaala na lang ang kahapon habang sinasalubong ang ngayon di sapat ang maghanap sa ulap ano bang bigay ng alapaap kundi ulan, di makahagilap ng gintong magwawakas sa hirap magpatuloy tayo sa pagtakbo magpahinga pag nahapong todo mararating din natin ang dulo habang tangan pa rin ang prinsipyo ganyan ang buhay ng maralita umaasa't patuloy ang gawa panibagong mundo'y malilikha ng mga kamay na pinagpala - gregoriovbituinjr. 12.30.2022

Hayop

Imahe
HAYOP noong minsang mapunta sa gubat hayop doon ako'y kinausap ang agad nilang tanong sa akin ako ba kaya'y isang hayop din hayop akong walang kahayupan pagkat ang nais ko'y kabutihan ng aking kapwa, anuman sila basta't may buhay kinikilala ngunit mayroon pa silang tanong kilala ko ba ang Haring Leon o kaya'y ang Dambuhalang Tigre na nais nilang bigyang mensahe: kami'y mga hayop ding totoo maggalangan naman sana tayo - gregoriovbituinjr. 12.29.2022Hayop

Huwag magpaputok ng baril sa Bagong Taon

Imahe
HUWAG MAGPAPUTOK NG BARIL SA BAGONG TAON huwag pong magpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon, samo sa mayayabang na maton huwag pong kalabitin ang gatilyo ng gloc, magnum, kwarenta'y singko, beretta, sumpak, paltik man iyon magtorotot na lang, o tansan ay pakalansingin sa ganito na lang ang paligid ay paingayin maging ligtas, sarili't pamilya'y ingatan man din huwag magpaputok upang kapwa mo'y pasayahin kayrami nang nawalan ng buhay nang matamaan ng balang ligaw, hiyaw ng pamilya'y katarungan kung sino ka mang may baril, makonsensya ka naman baril ay huwag iputok para lang masiyahan nandyan ang batang sina  Stephanie Nicole Ella , Vhon Alexander Llaga s at  Rhanz Angelo Corpuz  pa tinamaan ng ligaw na bala, walang hustisya sinumpak si  Ranjelo Nimer , suspek ay huli na ah, bakit nga ba katarungan ay sadyang kay-ilap lalo't nabibiktima'y pawang mga mahihirap huwag balewalain itong simpleng pakiusap baka may matamaan ka't problema itong ganap - gr...

Tsapa

Imahe
TSAPA pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon ang talagang ugat ng kahirapan iyan lang ang tsapa ng may-ari ng pagawaan upang obrero'y maapi't mapagsamantalahan dapat itong mapagtanto ng manggagawa't dukha upang pagsasamantala'y tuluyan nang mawala upang sila'y magsikilos sa layuning dakila: ang itayo ang lipunan ng uring manggagawa - gregoriovbituinjr. 12.28.2022 * litrato mula sa google

Paghahanap ng sagot

Imahe
PAGHAHANAP NG SAGOT kung di magbasa'y nakatingala sa langit ng kawalan at sumpa paano ba tayo sasagupa kung wala tayong alam sa hidwa ng nagtutunggaliang puwersa nitong uring mapagsamantala marapat lang tayong makibaka nang mabago ang imbing sistema nais kong magbasa sa aklatan ng matematika o sipnayan ng kasaysayan ng sambayanan ng paksang ekonomya't lipunan pormula ba'y dapat sauluhin? isyu't paksa ba'y kabisaduhin? o mas dapat itong unawain? kung bakit may ganyang suliranin? nagbabakasakaling masagot ang mga dahilan ng sigalot nang baya'y mapalaya sa salot na sistemang bulok at baluktot - gregoriovbituinjr. 12.27.2022

Palaisipan

Imahe
PALAISIPAN samutsaring palaisipan na sagot ay di na malaman kailangang imbestigahan bakit ganito'y nagsulputan sinisira yaring daigdig ng gahama't mapangligalig paano sila mauusig kung wala sa ating titindig paano gaganda ang klima kung coal plants ay tuloy ang buga patuloy pa ang pagmimina pagsunog ng fossil fuel pa kinakalbo ang mga bundok usok ay nakasusulasok mga pulitiko ba'y bugok? dahilan ng sistemang bulok? ah, pangalagaan ang mundo na tanging tahanan ng tao kinabukasan ng kapwa mo ay pag-isipan ding totoo - gregoriovbituinjr. 12.27.2022

Malay

Imahe
MALAY bakit lagi kang nakikita sa tabi ng parang? na mga likhang pain ay naroong nakaumang bakit ka natumba, dahil ba sa bigat ng timbang? kaya nilanggas ang sugat ng kawalan sa ilang bakit laging nararanasan ay pagkatuliro? dahil ba sa maghapong gawain at hapong-hapo? bakit ang paraluman ay di mo na sinusuyo? dahil ba naramdaman ay dusa't pagkasiphayo? bakit nagbabagong klima'y nagdudulot ng sigwa? tumitindi ang bagyong sa lungsod nagpapabaha bakit kayraming pulitikong nagpapakatuta? at sa buwis ng madla'y sadyang nagpapakataba kayraming tanong na di agad basta nasasagot lalo kung mapagsamantala ang nakapalibot na sa salapi't kapangyarihan ay mapag-imbot kaya bayan ay di makaahon, nakalulungkot - gregoriovbituinjr. 12.27.2022

Tamis

Imahe
TAMIS patuloy ang pagkatha't pagsasaling-wika habang kasama ang mahal kong minumutya animo'y langgam sa pagsasamang dakila kung may sulirani'y di na pinalulubha huwag lamang sanang magkaka-diabetes ang dalawang pusong pagsinta'y ubod tamis sa hirap at ginhawa'y magsama't magtiis habang kinakatha'y nagkapuso ang hugis - gregoriovbituinjr. 12.26.2022

Pagdalaw sa mga bilanggong pulitikal

Imahe
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang inihatid at kami'y nakipagkumustahan sa loob ano nang kalagayan pagkain, inumin, kalusugan mga gamot nilang kailangan nag-iisip din ng security silang persons deprived of liberty upang ipagtanggol ang sarili sa hirap at sa dusa'y sakbibi kaunti man ang pamaskong handog problema yaong mas iniluhog walang dalaw, puso'y nadudurog tila buhay nila'y papalubog nagsiuwian man kami ngayon subalit di pa tapos ang misyon paano susulong at tutulong upang laya'y makamit paglaon - gregoriovbituinjr. 12.26.2022

Ngiti sa ham

Imahe
NGITI SA HAM kaysarap sa puso ang ngiti animo'y sadyang bumabati aniya: Maligayang Pasko! di man ito mula sa labi o di man mula sa kalahi hinati lang ni misis ang ham na talagang katakam-takam nang mapansin ang korteng ngiti tila ba dusa'y mapaparam at gaganda ang pakiramdam pag ganito ang nakita mo isang ngiting tila totoo habang nakipagtalamitam kay misis, napangiting todo tila nga kayganda ng mundo - gregoriovbituinjr. 12.25.2022

Karraang at karso

Imahe
KARRAANG AT KARSO sa pagitan ng wikang Ingles at Kastila mayroong dalawang Ilokanong salita na maganda rin namang ating maunawa nang maibahagi't magamit din ng madla pugon na hinukay sa lupa ang  karraang sa bukid, ang  karso  ay kubong pahingahan dalawang salita, buhay sa lalawigan na sa mga makata'y dagdag-kaalaman wikang banyaga'y may katumbas pala rito kaya gamitin ang mga salitang ito halina't itula ang  karraang  at  karso upang payabungin ang wikang Filipino - gregoriovbituinjr. 12.25.2022 * mula sa pahina 585 ng UP Diksiyonaryong Filipino

Pagsasalin

Imahe
PAGSASALIN ako'y nagsisikap na makatapos ng pagsasalin ng marubdob, taos salit-salit, panaho'y binubuhos upang magawa ang salin ng lubos maraming nakalinyang pagsasalin akda nina Fidel, Che, Marx at Lenin akda ni Engels ngayon tatapusin gawing aklat pag natapos isalin pati tula ng Ingles, Ruso, Pranses Shakespeare, Mayakovsky, Rimbaud, endares binabasa't inuunawang labis may editing, proofreading, kinikinis pangarap sa mambabasang madla ang salin ng mga paksa't may-akda handog sa maralita't manggagawa upang sa hinaharap maging handa - gregoriovbituinjr. 12.25.2022

Romantik

Imahe
ROMANTIK patuloy ang aking paglalambing nang niyakap ang napiling sining kahit wala man sa toreng garing kumakatha kahit nahihimbing pagkat naroon sa panaginip ang diwatang walang kahulilip na ilang beses aking nahagip na ilang ulit akong nasagip mula sa pagkalunod at putla mula sa sumalubong na sigwa mula sa posas ng pagkadukha mula sa sugat na nanariwa salamat sa musa ng panitik nakakakatha, kunwa'y romantik kahit ang paksa'y pabalik-balik kahit na nakaw ang mga halik lalamunan man ay nanunuyo sa mutya'y tuloy ang panunuyo naiibsan ang mga siphayo habang patuloy lang sa paghayo - gregoriovbituinjr. 12.24.2022    

Laking National

Imahe
LAKING NATIONAL bata pa'y doon na bumibili ng aklat iba't ibang paksa yaong nabubulatlat napaka-interesante ng nabubuklat kaya sa aking kapaligiran namulat may tungkol sa agham, pisika o liknayan, paboritong matematika o sipnayan, mga usaping pambayan o panlipunan, Balagtasan, maikling kwento, panitikan mga kwentong pambata, Liwayway magazine, doon ay nagsasaliksik pag may assignment, doon ang tambayan, sa libro tumitingin doon ang kitaan pag may kapulong man din doon nasilayan ang sintang binibini doon nakita ang guro ko't crush na madre doon piniling pumunta, imbes sa sine ngayon ay alam mo na ang aking library tila nakatuntong ako sa alapaap pagkat doon nabuo ang mga pangarap, saknong, talata, taludtod, at pangungusap kaya dama'y mayaman, kahit naghihirap - gregoriovbituinjr. 12.24.2022

Suman

Imahe
SUMAN mga mumunting suman na galing Isabela ang binigay ni Ninang sa inaanak niya kaya kami ni misis ay taos pasalamat puso'y gintong kilatis talagang di masukat one-forth kilong spinach ang tangi naming handog mula sa La Trinidad, Benguet, pampalusog nagpalitang regalo nagbigayang totoo - gregoriovbituinjr. 12.23.2022

Pasya

Imahe
PASYA " Paskong-pasko'y   bakit   aalis ?" ang sita sa akin ni misis ama't ina ko ba'y di na-miss mga kinatwiran ko'y mintis at nagpasyang di na umalis dahil sa pagsintang kaytamis - gregoriovbituinjr. 12.23.2022

Balantukan

Imahe
BALANTUKAN tadtad nga ba ng sugat kaming maralita na sa anumang sikap ay walang mapala? sa ilalim ng sistemang kasumpa-sumpa sugat maghilom man ay balantukang sadya saan na patutungo yaring mga hakbang kung sa sistema'y ilan ang nakikinabang lalong yumayaman ang tuso't magugulang habang mga dukha sa pangarap ay lutang paano pa mapaghihilom yaring sugat kung pagdaloy ng dugo'y di maampat-ampat walang tamis kundi anghang, pait, at alat ang buhay na iwing danas ay di masukat maaampat din ang pagsirit nitong dugo kapag bulok na sistema'y maigugupo balantukan man ay gagaling, maglalaho kapag lipunang makatao'y naitayo - gregoriovbituinjr. 12.23.2022

Bato

Imahe
BATO bato-bato sa lupa tumingin ka't luminga kundi'y baka madapa una nguso, sungaba bato-bato sa langit sa sulok alumpihit at natatawang pilit dahil bata'y makulit bato-bato sa lungsod ay nakakatalisod nang biglang mapaluhod nasugatan ang tuhod bato-bato sa ulap pikit na ang talukap pagod sa pagsisikap nang ginhawa'y malasap bato-batong katawan matibay sa labanan ngunit sa niligawan natamo'y kasawian - gregoriovbituinjr. 12.22.2022

Tinda sa bus

Imahe
TINDA SA BUS ale'y namigay ng papel sa bus upang paninda niya'y maubos di man totoo ang nakasulat ngunit ito'y sapat nang hikayat may limang anak, nagtitiyaga kumakatok sa puso ng madla nagsasakripisyo't nagsisikap upang sa anak ay may ilingap sa isang kasabihan, ika nga kapag may tiyaga, may nilaga bawat pulburon ay sampung piso kahit dalawa'y kumuha ako sa kanya ito'y munti nang tulong masarap din naman ang pulburon - gregoriovbituinjr. 12.22.2022

Huwag ibalik ang tokhang

Imahe
HUWAG IBALIK ANG TOKHANG ani Senador Bato, dapat ibalik ang Tokhang upang masugpo raw ang droga pati pusong halang subalit ito ba'y dapat? tingni ang karanasan tila asong gutom, kabi-kabila ang pagpaslang dapat namang solusyunan ang drogang anong tindi lalo't mayorya sa napatay ang nanlaban, sabi at kayrami pang napatay na batang inosente tingin sa kanila'y collateral damage, salbahe! Myca Ulpina ng Rizal, edad ay tatlong taon edad apat na taon naman si Althea Barbon Danica Mae Garcia nama'y edad limang taon si Francis Mañosca na edad din ay limang taon si Kian delos Santos ay isa pa sa kanila na diumano'y nakaluhod nang pinaslang siya pawang mga mahihirap lang ang mga biktima baka may iba pang solusyong magawa sa droga basahin ang akda sa Pilipino Star Ngayon editoryal, editoryal cartoon at isang kolum ang Oplan Tokhang ay huwag ibalik, sabi roon dahil daw operasyong may masamang reputasyon - gregoriovbituinjr. 12.21.2022 * litrato mula sa Pilipino Star Ngayon, ika...

Sa Disyembre 27

Imahe
SA DISYEMBRE 27 sa  International Day of Epidemic Preparedness ay ating alalahanin ang mga nangawala lalo't sa pandemya, buhay ay nawalang kaybilis kaya maraming pamilya'y nagdamdam at lumuha dahil sa COVID, Agosto ng nakaraang taon ang aking tiyahin at ang magkapatid kong pinsan ay nawala, sumunod sambuwan matapos iyon kapatid na bunso ni misis, at aking biyenan para bang sa likod ay tinarakan ng balaraw kaya sa Disyembre Bente-Syete'y alalahanin magtirik tayo ng kandila sa nasabing araw para sa mga na-COVID at nawala sa atin maging handa tayo sa paparating pang pandemya sana kayanin ito't maging ligtas bawat isa - gregoriovbituinjr. 12.21.2022

H.E.A.

Imahe
H.E.A. "Nasaan na ang health emergency allowance?" ang tanong ng manggagawang pangkalusugan ang hanap nila'y kailan matutugunan? tanong sa D.O.H., kanilang Kagawaran sakripisyo ng manggagawa'y malaki na mula pa nang tumindi noon ang pandemya kayraming mahal sa buhay ang nawala na habang patuloy na naglilingkod ang iba nawa ang kanilang panawagan ay dinggin pagkat hinihingi nila'y karapatan din mga manggagawang dapat alalahanin ang sadya nila'y di dapat balewalain di man ako manggagawang pangkalusugan ay nais tumulong sa ganyang panawagan ito ang aking silbi sa uri't sa bayan kahit ang tula'y munti, sana'y mapakinggan - gregoriovbituinjr. 12.21.2022

Pluma

Imahe
PLUMA matatag yaring pluma pag kasama ang mutyâ dama yaring pag-asa kaytindi man ng sigwâ salita'y nahahabì sadyang kawili-wili siya ang kalahatì niring buhay na iwi minsang nakatalungkô nasulat ay siphayò aking siyang sinundô tanging dala'y pagsuyò - gregoriovbituinjr. 12.21.2022

Tibak

Imahe
TIBAK mula noong estudyante'y naging tibak na nang magkauban ay tibak pa ring talaga buhay na payak, puspusang pakikibaka iyan ang prinsipyong sa puso't diwa'y dala di mo ba nauunawaan ang tulad ko bata pa'y misyon ko nang maglingkod sa tao, sa uri't sa bayan, kahit na may delubyo itatag ang nasang lipunang makatao labanan ang katiwalia't kasakiman di lang ng dayuhan kundi ng kababayan inadhika'y maglingkod sa uri at bayan at bulok na sistema'y tuluyang palitan ganyan ang buhay ko'y nais maisalaysay sa dukha't uring obrero'y lingkod na tunay nais kong magkaroon ng lipunang pantay tutuparin ang pakay hanggang sa mamatay - gregoriovbituinjr. 12.21.2022

Saysay

Imahe
SAYSAY di ko hanap noon kung ano ang saysay ng buhay di ako pilosopikal na tao, siyang tunay nang maging aktibista'y nakita ko na ang saysay di na ako naghanap pa't narito na ang pakay payak na pamumuhay, puspusang pakikibaka diyan umiinog ang prinsipyo ko't kaluluwa alay na ang buhay upang mabago ang sistema at paglaban sa mga tuso't mapagsamantala di ko pinili ang magpayaman nang magpayaman kundi guminhawa pati ang buong sambayanan ang yaman o kayabangan ay aanhin ko naman kung dangal ng kapwa'y aapakan at yuyurakan unawa mo ba ang katulad ko't iyo bang watas sa mga gatla sa noo ko'y iyong mababakas kaya hayaan lamang sa aking piniling landas upang aking matupad ang adhika hanggang wakas - gregoriovbituinjr. 12.21.2022

Huwag matakot sumubok

Imahe
HUWAG MATAKOT SUMUBOK wala namang madali sa buhay na ito minsan, kayhirap abutin ng pangarap mo kung di mo susubukan, bigo kang totoo sa unang hakbang magsimula nang matamo ang inaasam hanggang marating ang dulo iyan ang sinabi ni  Big George Foreman  noon sa heavyweight ay pinakamatandang kampyon nang walang talong si Moorer ay pinalamon ng alikabok, pangalawa nang sinturon yaon makalipas ang dalawampung taon tulad niya, sumubok kahit matanda na nagbalik matapos ang dalawang dekada kahit kasabayan ay tapos na ang era Muhammad Ali, Joe Frazier,  retirado na huwag matakot sumubok, ika nga niya - gregoriovbituinjr. 12.20.2022

Bato sa sapatos

Imahe
BATO SA SAPATOS kampyon siyang kilala sa sandaigdigan nang kanyang binato'y isang palaisipan: "di mga bundok ang sanhi ng pagkaupos kundi ang mga bato sa iyong sapatos" huwag mo lang tingnan ang panlabas na anyo kundi pati kaloobang di sumusuko huwag kang humusga batay lang sa nakita taong mukhang malakas ay bakit tumumba marahil danas niya ito sa pagtakbo bahagi ng pagsasanay upang manalo huwag sisisihin ang bundok na kaytayog baka di mo dapat akyatin at mahamog salamat sa tinuran mo,  Muhammad Ali kaya idolo kang talaga ng marami kaygandang palaisipang isinalaysay upang makamit din ang asam na tagumpay - gregoriovbituinjr. 12.20.2022

Tuloy ang paglaban

Imahe
TULOY ANG PAGLABAN "lahat tayo'y may kanya-kanyang laban sa buhay, magpatuloy lang sa laban" ayon kay Tyson sa isang panayam na kadalasan na ring panuntunan ng masa't napagsasamantalahan kahit sa paghahanap ng hustisya na napagod man ay walang pahinga basta't di titigil at patuloy pa sa walang humpay na pakikibaka upang kamtin ang asam na hustisya patuloy ang pakikipagtunggali upang baguhin ang buhay na sawi upang palitan ang sistemang imbi upang maiwasto ang mga mali upang mapaghilom ang iwa't hapdi kung sakali mang tayo'y nagigipit dahil sa mapagsamantala't pangit at naririnig mo ang bawat impit subukang magtulungan kahit saglit nang matamo ang tagumpay at langit - gregoriovbituinjr. 12.20.2022

Ang payo ng ina ni Evander

Imahe
ANG PAYO NG INA NI EVANDER natalo siya sa unang laban at agad bumitiw sa koponan at pinabalik siya ng ina dahil di nagpalaki si nanay ng bumibitiw o palasuko pangalwang laban, natalo muli sa koponan ay agad bumitiw ngunit agad siyang pinabalik ng kanyang ina't lumaban uli ayaw nitong anak ay bibitiw payo ng ina, huwag susuko tuloy ang laban, agad humayo nang maglaon, siya na'y nagkampyon ang payo ng ina'y naging hamon upang matupad ang nasa't misyon talagang sa anak gumagabay tungong kinabukasan ang nanay ang mga payo niya'y patnubay upang kamtin natin ang tagumpay sa lahat ng ina,  PAGPUPUGAY! - gregoriovbituinjr. 12.20.2022

Pagpupugay sa umawit ng ending ng Voltes V

Imahe
PAGPUPUGAY SA UMAWIT NG ENDING NG VOLTES V Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Nabalitaan ko na lang sa social media ang pagkamatay ng umawit ng ending theme song pag natatapos ang isang serye ng Voltes V sa telebisyon. Bata pa ako'y pamilyar na ako sa dalawang theme song ng nasabing anime, na ang opening song ay may umpisang  "Tatoe arashi ga hukou tomo"  na maaawit din sa videoke. Subalit ang ending na  "Chichi Wo Motomete"  ay hindi ko pa nakita sa videoke. Bagamat meron nito ayon sa pananaliksik. Si Ichirou Mizuki, na ang tunay na pangalan ay Toshio Hayakawa ay isinilang noong Enero 7, 1948 at namatay nito lang Disyembre 6, 2022. Siya ay isang Japanese singer, lyricist, composer, voice actor at aktor na kilala sa kanyang mga gawa sa theme song para sa anime at tokusatsu (live action film). Sa loob ng mahigit 50 taon, nakapagtala siya ng mahigit 1,200 kanta para sa pelikulang Hapones, telebisyon, video at video game. Kinikilala siya ng mga tagahanga a...

Pagkatha

Imahe
PAGKATHA minsan, mahirap ding kumatha pag di dumapo sa haraya ang napakagandang diwata musa ng panitik, paglikha sa akin niya binubulong ang samutsaring mga tanong na kawing-kawing, dugtong-dugtong na tila baga mga bugtong wala, wala pang maisulat dapat yaring mata'y idilat sa paligid ng parisukat o bilog ng mundo't mamulat hanggang sa ako'y napaidlip ang mutya'y nasa panaginip na ganda'y walang kahulilip siyang sa puso'y halukipkip kung hangin na ay humahaging sa pamayanan habang himbing at sa banig pabiling-biling aba'y magmulat na't gumising - gregoriovbituinjr. 12.19.2022

Limampu't tatlong medalya

Imahe
LIMAMPU'T TATLONG MEDALYA pagpupugay sa mga Pilipinong estudyante nang makopo nila ang limampu't tatlong medalya sa Singapore, International Junior Math Olympiad at sa Vanda Science Global Finals, kahanga-hanga ang nakamit nila'y dalawampung medalyang ginto, labing-anim naman ang pilak, labimpitong tanso tagumpay na para sa ating bansa'y inspirasyon, sa mag-aaral ngayon at susunod na panahon nawa'y magpatuloy pa ang ganitong adhikain upang mga estudyante'y patuloy na aralin ang sipnayan o matematika sa bayan natin pati na agham o siyensyang dapat unawain muli, pagpupugay sa mga estudyanteng Pinoy inspirasyon kayo sa bayan, kayo'y magpatuloy nawa'y magamit ninyong wasto ang napag-aralan sa kabutihan ng kapwa't kaunlaran ng bayan - gregoriovbituinjr. 12.19.2022 * Young Filipinos once again took center stage and remained unstoppable in the international scene as students of Asian MathSci League, Inc. bagged 53 medals in the International Junior Math Oly...

Karapatan ng tao't kalikasan

Imahe
KARAPATAN NG TAO'T KALIKASAN siyang tunay, may karapatan din ang kalikasan tulad ng karapatang pantaong dapat igalang kaylangan para sa batayang pangangailangan para sa malinis na tubig, ligtas na tahanan, karapatan sa pagkain, mabuting kalusugan sa ganito raw matitimbang ang ating daigdig sa karapatan ng tao't kalikasan tumindig halina't kumilos at ito'y ating isatinig upang mapangalagaan, tayo'y magkapitbisig upang ang sinumang sumisira nito'y mausig - gregoriovbituinjr. 12.15.2022 * litratong kuha ng makatang gala sa  Human Rights Festival , na pinangunahan ng grupong IDEFEND, 12.10.2022

Kaming mga aktibistang Spartan

Imahe
KAMING MGA AKTIBISTANG SPARTAN buhay ng aktibistang Spartan ay naiiba kumikilos kahit maysakit man at matanda na walang retirement kapag di nabago ang sistema hanggang kamatayan ay tuloy ang pakikibaka sinasabuhay ang pagpapakatao't pagtulong sa kapwa, ang hiwa-hiwalay ay pinagdudugtong inoorganisa ang masa ng pulu-pulutong walang pamasahe? lalakarin papuntang pulong sa harap man ng gutom, dusa't laksang kahirapan itinataguyod ang Kartilya ng Katipunan at yakap ang diwa ng makauring tunggalian upang kamtin ng bayan ang hustisyang panlipunan nakikipagkapitbisig sa uring manggagawa nakikipagtulungan sa hukbong mapagpalaya kaming aktibistang Spartan ay sumasagupa at nabubuhay upang kamtin ang bunying adhika - gregoriovbituinjr. 12.14.2022

Isang tanghaling madilim

Imahe
ISANG TANGHALING MADILIM minsan ay pilit na lang tumula nais lang nila akong tumuga yantok ang sa ulo ko'y tumama hanggang sa ako'y maging tulala anong sakit ng patutugain di ko malaman anong gagawin maigi pa kung patutulain at alam ko anong dapat gawin dinig ko ang sarili kong impit pag yaring daliri'y iniipit talaga pala silang malupit mga animal na di lang pangit tabo-tabong tubig pinainom at inapakan ang tiyang gutom bibig ay nananatiling tikom ngunit kamao'y di maikuyom isa iyong tanghaling madilim nang ginawa'y karima-rimarim tila ba malapit na ang lagim lalo't lahat ng makita'y itim paano ituwid ang baluktot at mapanuto ang mga buktot baka alam mo kung anong sagot ilatag mong kapara ng hugot - gregoriovbituinjr. 12.14.2022 * litrato mula sa google

Taong kalye

Imahe
TAONG KALYE i sa pamamasada'y pirmi ang tsuper na taong kalye singil niya'y pamasahe sa pinapasadang dyipni at dadalhin ka sa ruta sa tama ka lang pumara ikaw ay makapupunta saanmang walang disgrasya ii. mayroon ding taong kalye na iba naman ang siste pakalat-kalat sa kalye sumisinghot ng marumi tila buhay ba'y patapon? sa araw-gabing polusyon kung umasta'y isang maton lagi sa kalye maghapon iii. sakay akong pagod sa dyip sa biyahe'y nakaidlip kaysama ng panaginip muntik daw akong mahagip ng isang dyip na kaytulin habang ako'y nahihimbing taong kalye'y luhaan din mabuti't ako'y nagising - gregoriovbituinjr. 12.14.2022

Di lang dayuhan

Imahe
DI LANG DAYUHAN di lamang mapang-aping dayuhan kundi mapang-aping kababayan at mapagsamantalang iilan ang dahilan niring kahirapan at sanhi ng ligalig sa masa pati kabulukan ng sistema di lang dayuhan, kababayan pa ang sanhi ng pagsasamantala España't Amerika'y nanakop dayuhang mula ibang lupalop Hapon at marsyalo'y sumalikop turing sa ati'y para bang hayop kaya sa mga awit at tula ay tukuyin ang sanhi sa akda di lang dayuhan kundi kuhila at ang sistemang kasumpa-sumpa - gregoriovbituinjr. 12.13.2022

Tikom at kuyom

Imahe
TIKOM AT KUYOM nais nilang tikom ang bibig ko at manahimik na lamang ako hindi maaari ang ganito ayokong mabilog itong ulo kaya di titikom yaring bibig sa mga nangyayaring ligalig marapat lang isinasatinig ang anumang dapat inuusig kaya di pwedeng bibig ko'y tikom laban sa dusa, hirap at gutom lalo't kamao ko'y nakakuyom diyan ang buhay ko malalagom ang kamao kong kuyom ay tanda ng pagbaka sa tuso't kuhila sistemang bulok nga'y sadyang banta sa buhay ng manggagawa't dukha - gregoriovbituinjr. 12.13.2022

Kinayod

Imahe
KINAYOD sinangag sa kawali'y kinayod kamay man ay nangalay, napagod ngunit sa agahan ay malugod para bang hinahaplos ang likod iyon ang ulam ko sa agahan kaning bahaw ay pinainitan isinangag, anong sarap naman ng agahang may pagmamahalan malamig na bahaw man ang kanin bilin ni misis, huwag sayangin ito nama'y makabubusog din upang tiyan ay di hinahangin kinayod ko ang natirang tutong sa puso'y saya ang ibinulong - gregoriovbituinjr. 12.13.2022