Pang-14 na araw na namin sa ospital
PANG-14 NA ARAW NA NAMIN SA OSPITAL hanggang ngayon, nagbabantay pa sa ospital kay misis na nakaratay na ng matagal panglabing-apat na araw na namin dito ang asam ko'y gumaling na siyang totoo ako ang bantay dahil ako ang asawa at ang mahalaga ay lalakarin ko pa ang dokumento upang humingi ng tulong sa ilang ahensyang maaaring tumugon salamat din kay Regine na kasama niya sa trabaho na umaasiste talaga halinhinan kami sa pagbantay kay Libay na kapara ng ilaw sa gabi'y patnubay kaytindi na ng sakit niyang tinitiis na sa pang-apat na araw siya'y tinistis ng mga doktor pagkat malapot ang dugo na nagbabara sa bituka, ay, nakupo sana'y umalwan na ang kanyang pakiramdam at gumaling nawa sa kanyang karamdaman lahat ng asam na tulong sana'y dumating at si misis sa kanyang sakit na'y gumaling - gregoriovbituinjr. 11.05.2024