Ang aklat at ang muling paglitaw sa Liwayway ng kwento ni Rosario De Guzman-Lingat
ANG AKLAT AT ANG MULING PAGLITAW SA LIWAYWAY NG KWENTO NI ROSARIO DE GUZMAN-LINGAT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Isang kagalakan ang muling paglitaw ng panulat ni Rosario De Guzman-Lingat sa magasing Liwayway sa isyung Pebrero 2024, mula pahina 92-95. Pinamagatan iyong "Pebrero 14, Araw ng Pag-ibig" na unang nalathala noong Pebrero 13, 1967. Aba'y wala pa ako sa sinapupunan ng aking ina nang malathala iyon. Isang kagalakan sapagkat nadagdag iyon sa mababasa kong dalawampu't tatlong maikling kuwento sa kanyang aklat na "Si Juan Beterano at iba pang kuwento". Ang nasabing aklat, na may sukat na 5" x 7", ay nabili ko sa Popular Bookstore sa Toman Morato sa Lungsod Quezon noong Oktubre 19, 2022, sa halagang P258.00. Binubuo iyon ng 384 pahina, kung saan 24 ang naka-Roman numeral na naglalaman ng Nilalaman, Introduksyon at Paunang Salita, habang 360 pahina ang kabuuang teksto ng maikling kwento. Ang nagsulat ng Paunang Salita