Ang aklat ko't kamiseta
![Imahe](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjaK02Zf_PMll0MnhHUwUBrLyHxb_Mo2F1KSPCiZMJGeQicKmaxFTo0M_oWrSzoyqDu1hrpfmRQ9TFAdOzH79CCJaWmsRCbHMU80xmfdwUYTssRR9C0z6lSp5w0gDuWxLj2rMdTz0rUyORCNkKdGn3iDptH5phbENjC4fERS5Wr7nnLI3jUsReHUJI3IJg/w384-h640/ang%20aklat%20ko't%20kamiseta.jpg)
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigiting na bayani ng masa't sadyang magagaling sosyalistang sulatin ni Ka Popoy Lagman sa aking aklatan ay muling natagpuan sa The Great Lean Run noon kami'y dumalo't nabigyan ng magandang kamisetang ito libro't kamisetang kaytagal na sa akin lalo't kayamanan na ring maituturing ng mga kagaya kong tibak na Spartan na tuloy ang pakikibaka sa lansangan mga gamit itong naging inspirasyon na sa pagkilos laban sa bulok na sistema - gregoriovbituinjr. 06.26.2024 * pamagat ng aklat: "Ka Popoy: Notes from the Underground" * tatak sa kamisetaL "The Great Lean Run - Step into his shoes, follow his footsteps"