Sa unang death anniversary ni misis
SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS depresyon ang dumapo di batid ang gagawin tila nais sumuko ng diwa ko't damdamin biglâ ang pagkawalâ ng diwatà kong sinta laging natutulalâ sigla ko'y nawalâ na hanggang ngayon ay yanig ang buong pagkatao dama ko'y pagkalupig at nawasak na mundo bagamat pinipilit pa ring maging matatag palad man ay kaylupit at laging nangangarag mga tula't kwento man ay pawang nagsitigil sa dulo ng lansangan ako rin ay hihimpil sa baha't alimuom sa mundo ng siphayò kailan maghihilom yaring duguang pusò - gregoriovbituinjr. 06.11.2026