Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2021

Lockdown at kalusugan

Imahe
LOCKDOWN AT KALUSUGAN lockdown ay huwag tratuhing panahon ng bakasyon kundi paano bubuhayin ang pamilya ngayon suriin ang lipunan, huwag sa lockdown makahon pag-isipan kung paano tayo makakaahon lockdown ay hindi rin naman solusyon sa pandemya pantapal na solusyon lang ito para sa masa talagang solusyon ay paunlarin ang sistema ng kalusugan na makakaagapay ang iba di ba't dapat lakihan ang badyet sa kalusugan? di ba't buong health care system ay paunlarin naman? di ba't dapat libre ang mass testing sa mamamayan? di ba't contact tracing ay paigtingin, pag-igihan? may lockdown upang di tayo magkahawaang tunay upang malayo sa sakit at di agad mamatay lockdown ay panahon upang tayo'y makapagnilay lalo't dahil sa pandemya'y di tayo mapalagay Pandaigdigang Araw ng Kalusugan sa Abril ikapito, dapat may pagkilos na rito dahil dapat tuligsain ang palpak na rehimeng sutil na pagpatay lang ang alam, dapat itong mapigil - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang ...

Ang solong halaman sa semento

Imahe
ANG SOLONG HALAMAN SA SEMENTO tumutubo rin kahit sa semento ang halaman na tanging nagdilig at nag-alaga'y kalikasan nagsosolo lang sa ilang, kaya aking kinunan katulad niya'y tubo rin ako sa kalunsuran na di katulad ng ibang lumaki sa probinsya may bukid, may dagat, kaya kabataa'y kaysaya kinagisnan ko naman ay aspaltadong kalsada sa daming sasakyan, nakikipagpatintero pa mabuti't dalawang beses lang akong nadisgrasya nabundol ng dyip ng Balic-Balic sa edad lima sa edad sampu'y nabangga naman ng bisikleta at tumilapon akong walang malay sa kalsada kalikutan ng kabataan, solong dumiskarte nabarkada'y mga haragan at kapwa salbahe naging aktibista, nagbago, ganyan ang paglaki ngayon ay nakikibaka't sa bayan nagsisilbi gaya ng solong halamang tumubo sa semento na naging matatag sa mga dumaang delubyo ako'y naging matatag sa bawat problema't isyu kaya pinaglalaban ay lipunang makatao - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalaka...

Paskil sa isang dyip

Imahe
PASKIL SA ISANG DYIP sa unahan ng dyip sumakay ako nang mapansin ang ipinaskil dito "Walang lunas sa taong inggitero" aba'y kaytindi ng hugot na ito kaya nilitratuhan ko na lamang paalala sa mga salanggapang paalala rin sa tuso't gahaman inggitero'y kapatid daw ng swapang makuntento kung anong meron ka at huwag nang kainggitan ang iba walang lunas sa inggit, paalala at kaygandang payo sa isa't isa - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang nakasakay sa isang dyip

Hila mo, hinto ko sa tamang babaan

Imahe
HILA MO, HINTO KO SA TAMANG BABAAN doon lang ako umupo sa loob ng sasakyan habang samutsari ang tumatakbo sa isipan nang mabasa ang karatula sa pinagsabitan nasulat:  Hila Mo, Hinto Ko sa Tamang Babaan payak lamang ang kahilingan ng tsuper na iyon sa mga pasahero, hilahin ang lubid doon at ipapara niya kung saan ka paroroon sa tamang babaan lang bumaba, ako'y sang-ayon di maaaring ipara sa gitna ng kalsada o sa alanganing lugar at baka madisgrasya sa tamang babaan ka ibababa, ipapara upang pasahero't tsuper ay di kakaba-kaba at sa ganitong paalala'y maraming salamat iniingatan tayo'y dapat din tayong mag-ingat - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang nakasakay sa isang dyip

Pagtapon ng basura

Imahe
PAGTAPON NG BASURA ang ating mga basura'y paano ba itatapon? tulad ng basurang sa kalooban ko naipon ilagak lang sa tamang lalagyan ang mga iyon? subalit iyan nga ba ang wastong sagot o tugon? itatapon lang sa kung saan, basta di makita? anong patunay sa wasto tinapon ang basura? tinapon nga ba sa landfill o baka sa aplaya? kaya basura'y sa dalampasigan naglipana? sino ba ang uusig sa mga may kasalanan? na sarili nating bansa'y ginawang basurahan di ba't daigdig at paligid ay ating tahanan? kaya di dapat masikmura ang kapabayaan tayo man ay dukhang isang tuka sa bawat kahig tayong narito ang lilinis sa ating daigdig na bawat mamamayan sana ang kakapitbisig nawa ang panawagang ito'y talagang marinig - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad sa kung saan-saan

Unan ko'y kaban ng bigas

Imahe
UNAN KO'Y KABAN NG BIGAS sa gabi, unan ko'y kalahating kaban ng bigas maralitang tulad ko'y payak ang buhay na danas minsan, inuulam ko'y tuyo o kaya'y sardinas na sana naman, may sustansya ritong makakatas ang higaan ko'y tuwalyang minsan ay kinukumot buti na lang, papag na kahoy ay di sinusurot kundi sa aking pamamahinga'y kamot ng kamot ganito ang buhay-dukhang sadyang masalimuot sa pagtulog nangangarap ng buhay na maalwan inaalagata ang asam na kaginhawahan di lang ng sarili kundi ng buong sambayanan kaya nakibaka upang baguhin ang lipunan di dapat hanggang panaginip lang ang adhikain na isang lipunang makatao'y matayo natin habang nabubuhay, layuning ito'y ating gawin tara, kapwa dukha, lipunan ay ating baguhin - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa tinutuluyan niyang tanggapan

Kalbaryo ng Manggagawa't Maralita

Imahe
Kalbaryo ng Manggagawa't Maralita palpak nga ang rehimeng ito sa pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan ng kanyang bansa kalbaryo ang kahirapang palubha ng palubha na kaytindi ng pagtama sa manggagawa't dukha di ba't ang lockdown ay di solusyon sa COVID-19 kundi ayusin ang buong Philippine health care system dagdag-pondo sa kalusugan, at libreng mass testing para sa lahat, pagpapaigting sa contact tracing patuloy din ang kalbaryo ng kontraktwalisasyon milyun-milyon din ang nawalan ng trabaho ngayon pabrika'y nagsarahan dahil sa pandemyang iyon ramdam nila'y di sapat ang ayuda kung mayroon patuloy ang giyera sa droga't mga pagpaslang wastong proseso ng batas ay di na iginalang libu-libong dukha ang basta na lang tinimbuwang dahil atas ng rehimeng uhaw sa dugo't bu-ang ang di disenteng paninirahan ay kalbaryo rin sa mga maralitang batbat na rin ng bayarin sa kuryente, tubig, upa, kayrami nang singilin idagdag pa ang mahal na pangunahing bilihin ang mga manggag...

Huwag mong ikahiya kung anak mo'y aktibista

Imahe
HUWAG MONG IKAHIYA KUNG ANAK MO'Y AKTIBISTA huwag mong ikahiya kung anak mo'y aktibista sapagkat siya'y prinsipyado't naging makamasa sapagkat siya'y di napariwara sa barkada sapagkat napalayo sa bisyo, lalo sa droga natuto siyang aralin ang bayan at lipunan natuto ring magsuri sa kongkretong kalagayan natutong maging kritikal ang kanyang kaisipan natutong karapatan at hustisya'y ipaglaban bihira lang ang tumatahak sa ganitong landas na labanan ang mapagsamantala't mararahas na nangarap baguhin ang sistemang di parehas na uring manggagawa'y mapaunlad, mapalakas hanap na'y trabaho pagka-gradweyt sa kolehiyo subalit ang makukuha'y kontraktwal na trabaho kontraktwalisasyong tinanggal na ang benepisyo kontraktwalisasyong iskema ng kapitalismo doon lang niya malalaman paano lumaban bakit ipaglalaban ang kanilang karapatan na noon ay tiklop-mata sa isyung panlipunan ngayong may trabaho, saka lamang nararanasan nang nasa kolehiyo'y di man naging akt...

Pagpupugay sa mga tagawalis sa lansangan

Imahe
PAGPUPUGAY SA MGA TAGAWALIS SA LANSANGAN maraming salamat sa inyong mga tagawalis sapagkat ang ating mga lansangan ay luminis mga basura't layak na nangaglipana'y amis na sa mga may hika'y talagang nakaiinis tapon na lamang dito't tapon doon ang sinuman gayong maaari naman silang pakiusapan na sarili'y disiplinahin bilang mamamayan ito'y laking tulong na sa sarili nilang bayan na kung tinuturing nilang tahanan ang daigdig basura'y di nila itatapon saanmang panig naglipanang basura'y nagdudulot ng ligalig sa puso't isip ng bayang dapat magkapitbisig salamat sa tagawalis, mababa man ang sahod bilang manggagawa, puspusan silang naglilingkod tungkuli'y ginagampanan kahit nakakapagod nang lansangan sa mata ng madla'y nakalulugod - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan    

Ang tagawalis sa madawag na kalunsuran

Imahe
ANG TAGAWALIS SA MADAWAG NA KALUNSURAN madawag na kalunsuran ay gubat kung pansinin tagawalis ng kalsada'y tunay na magigiting maagang gigising upang gampanan ang gawain at maagang papasok upang basura'y walisin tila ba mga basura'y sugat na nagnanaknak na dapat gamutin, ito ma'y gaano kapayak dala ang karitong lagayan ng basura't layak upang nalagas na dahon ay dito mailagak maraming salamat sa tagalinis ng lansangan tungkulin nila'y mahusay nilang ginagampanan di man sapat ang sahod, danas man ay kagutuman nariyan lagi silang nagsisilbi ng lubusan pagpupugay sa mga nagwawalis sa kalsada iyang pagpapakapagod ninyo sana'y magbunga madawag na lungsod ngayon nga'y nakakahalina dahil sa mata ng madla'y malinis na't maganda - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Kambal na talong

Imahe
KAMBAL NA TALONG apat na suloy, lima ang bunga, aba'y may kambal tinitigan ko ang talong subalit di matagal pangitain ba ito, tila ako'y natigagal tulad ng saging, sa talong ay mayroon ding kambal kasabihan bang pag kumain ng kambal na ito kambal din ang anak, paano makasisiguro sige lang, kambal na bunga'y kainin ngang totoo  baka tsumamba't kambal ang lumabas sa misis ko sige, bakasakaling magkatotoo ang tsismis kambal pala pag lumaki nga ang tiyan ni misis kainin ang kambal na talong, baka magkapares ang isisilang ng proletaryo ngunit di burgis aba, kambal na talong ko'y talagang anong tigas upang likhain ang kambal na magagandang bulas sa diyalektiko'y isang karanasang madanas na kung totoo, kambal na bunga'y dapat mapitas - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala mula sa mga gulay na padala ni misis

Ang alok

Imahe
ANG ALOK "Gusto mong mag-soft drinks?" magiliw na tanong sa akin "Ayoko, tubig lang ako," sa kanya'y tugon ko rin oo, alok niyang soft drinks ay pakisama lang din ang kabaitan niya'y ayokong samantalahin baka pag lagi akong umoo sa kanyang alok dama ko'y di marunong mahiya, taong marupok sa susunod, di na tatanggi sa kanyang paghimok binibilog na ang ulo ko'y di pa makapiyok at sa susunod, uutusan na akong bumili ng anumang gusto niya, di ako mapakali dahil katwiran, siya ang naroong may pambili kaya sa una pa lang, ako na'y agad tumanggi sa simpleng alok, kung anu-ano ang nahahaka pwede bang iyon lamang ay simpleng pakikisama minsan lang naman magpa-soft drinks ang isang kasama pasasayaran ang lalamunan mo'y ayaw mo pa - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa isang lugar niyang napuntahan

Tula sa munggo 2

Imahe
TULA SA MUNGGO 2 kanina nga'y tuyot na munggo ang aking napansin na dahil tuyot na'y tuluyan sanang tatanggalin subalit namunga pala't nakapagpatubo rin ngunit ngayon, luntiang bunga ang nakita man din naisip kong magtanim-tanim dahil sa pandemya kamatis, sili, bawang, sibuyas, munggo't iba pa sa plastik na paso't dinidiligan ko tuwina patunay na kung magsikap, ibubunga'y maganda ang tulad ko'y lumaki man sa aspaltadong lungsod di sa bukid kundi sa highway na nakakapagod di sa pilapil kundi sa bato natatalisod naging magsasaka sa lungsod na nakalulugod unang beses ko itong magtanim sa pasong plastik dito sa lungsod na pawang mga semento't putik bagong aral, bagong karanasang nakasasabik na kung magsikap magtanim, may mamumungang hitik - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa bakuran ng kanilang opisina #magsasakasalungsod #magtanimupangmaymakain #tubongsampalocmaynila #tanimsaopisinasapasig

Tula sa munggo 1

Imahe
TULA SA MUNGGO 1 natuyot na ang dahon at matigas na ang sanga akala ko'y patay na nang mapansin kong namunga na pala ang munggong tinanim ko ilang buwan na kaya ko palang magpatubo, ramdam ko'y kaysaya unang beses na namunga itong itinanim ko sa plastik na paso, na inalagaan kong husto bago sumikat ang araw, didiligan na ito bago magtakipsilim, didiligan uli ito nakapagpatubo rin ang magsasaka sa lungsod lalo't vegetaryanismo'y aking tinataguyod pagtatanim sa paso nga'y sadyang nakalulugod may binunga rin ang anumang pagpapakapagod may suloy na rin pati tanim kong sili't kamatis sana, ilang buwan pa'y mamunga ang pagtitiis - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa bakuran ng kanilang opisina #magsasakasalungsod #magtanimupangmaymakain #tubongsampalocmaynila #tanimsaopisinasapasig

Paskil

Imahe
PASKIL ipinaskil sa poste'y samutsaring patalastas kung kailangan mo ng tubero't tubo'y may tagas kung saan may mauupahan kang maaliwalas at mayroong nangeenganyo: "Want to earn extra cash?" contact number lamang sa selpon, madaling tawagan upang agad matugunan ang iyong kailangan sywmpre, negosyo iyan, tiyak pagkakakitaan ng sinumang kapitalistang nais ay yumaman paskil sa poste o sa pader, basta mababasa ngunit hindi sa "post no bill" paskil ay ibandera paskil ay serbisyong kinakailangan ng masa paskil ay negosyo ng mga nais ding kumita buti't hindi nahuhuli ang nagpaskil na iyon malakas kaya sa itaas ang gumawa niyon kung poster na pulitikal, baka nadampot iyon dahil baka raw nananawagan ng rebolusyon - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Patalastas sa poste

Imahe
PATALASTAS SA POSTE patalastas sa poste'y naroong aking nabasa may paupahang kwartong maaaring ipahinga ang katawang pata, o kaya'y tirhan ng pamilya bahay, pahingahan, tahanan, pugad ng pagsinta marahil sa pahayagan, nilathala rin ito  nagbabakasakaling may tumugon sa negosyo o kaya, dahil isa lang ang paupahang ito pinaskil na lang sa poste't wala nito sa dyaryo may bayad din yaong bawat sentimetrong lathala mahigit sandaang piso rin ang halagang sadya kaya pinaskil na lang sa poste't kita ng madla marahil, mahal ang bayad sa ganyang paupahan ngunit kung isang pamilya ang dito'y mananahan pagbabayad sa upa'y tiyak na paghahandaan - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Ibasura ang marahas na batas!

Imahe
IBASURA ANG MARAHAS NA BATAS! bakit ba Anti-Terror Law ay dapat ibasura dahil na rin sa gagong rehimen, ito'y maskara manunuligsa'y ituturing nilang terorista pati kritikal mag-isip na mga aktibista ito ang rehimeng ayaw ng kara-karapatan nagpauso ng walang proseso't mga pagpaslang pangulong nagsabing kung walang baril, ito'y lagyan at kung nagsusumamo'y sabihing sila'y nanlaban nakababahala ang uhaw sa dugong pangulo pandepensa sa sarili niya'y Anti-Terror Law ang dati ngang tatlong araw sa mabigat na kaso ay ikukulong ng dalawang linggong walang kaso walang pakialam sa pagdedesisyon ang korte kung sino nga ba ang terorista kundi komite na binuo ng batas, sinong makapagsasabi kung tama ang pasya, aktibista'y inaatake batas na ito'y di lang terorista ang puntirya kundi tutuligsa sa rehimeng bastos talaga na kultura ng pagpaslang ay pinauso sa masa ah, ang rehimeng ito ang tunay na terorista ang pangulo'y di hari, maraming butas ang batas kitang-k...

Basa ang lupa, tuyot ang puso

Imahe
BASA ANG LUPA, TUYOT ANG PUSO basa ang lupa subalit tuyot ang mga puso ng mga tutang ang kamay ay may bahid ng dugo walang proseso, nilagyan pa ng tingga ang bungo ng mga walang laban, buhay nila'y pinaglaho ngingisi-ngisi lang ang mga palalong kuhila  dahil atas ng uhaw sa dugong boss ay nagawa dahil maiitim ang buto ng kumakawawa dahil pinuti yaong buhay ng kanilang kapwa ah, walang budhi ang rehimen sa kasalukuyan wala na ngang budhi'y tuwang-tuwa pa sa patayan sa Black Friday protest, aming ipinapanawagan katarungan nawa'y kamtin ng mga namatayan ang sigaw ng sambayanan: panlipunang hustisya! mamamatay-tao'y dapat lapatan ng parusa! ang may atas ay dapat nang patalsikin ng masa! uhaw sa dugong pangulo'y patalsikin ng masa! - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa Black Friday protest sa QC

Ang bilin ng matandang tibak

Imahe
ANG BILIN NG MATANDANG TIBAK natatandaan ko ang bilin ng matandang tibak na kilala ng madla sa natatanging halakhak na tulad ko'y napiit at gumapang din sa lusak dahil lumalaban sa mang-aapi't naninindak wala na siya, ngunit siya'y sa akin tumatak tanda ko nang matandang tibak sa aki'y nangusap: "Makipagsagupa sa mga buktot kung maganap at itulad ka lang sa sisiw na sisiyap-siyap pagdatal ng sandaling iyon, huwag kang kukurap at baka masilat ka ng burgesyang mapagpanggap." "Amuyin mo ang kanilang baho't kabisaduhin malalansa nilang salita't halakhak ay dinggin makiramdam kang mabuti kahit na nakapiring ngunit huwag kang papayag na kanilang babuyin sa harap ng kamatayan, may dignidad kang angkin" - gregoriovbituinjr. * Salamat po sa kumuha't nagbigay sa makatang gala ng litratong ito.

Itim

Imahe
ITIM anong sala ng pusang itim upang katakutan? dahil itim ang kulay ay dapat nating layuan? anong sala ng dagang itim upang pandirihan? dahil itim ang kulay ay dapat nang kamuhian? anong sanhi ng kaitiman ng uwak sa mundo? dahil ba maitim, masama na ang budhi nito? anong sanhi ng maitim na lamok at insekto? dahil ba maitim, dengge't bayrus na'y dala nito? anong sala ng Negrito, unang tao sa bansa? dahil itim ang kulay, sila'y ikinahihiya? anong sala ng Aprikano, at kinakawawa? dahil itim ang kulay ay inaaliping sadya? doon sa Kartilya ng Katipunan nasusulat na "Maitim man o maputi ang kulay ng balat lahat ng tao’y magkakapantay," wow! anong bigat! pagpapakatao'y dapat maunawa ng lahat kay Bill Allen: "Black is Beautiful", magandang ideya "My Black is beautiful Poem", tula ni Simply Jimyra "Black Power" kina Kwame Ture at Mukasa Dada ang "Black is Beautiful" ay isa nang pilosopiya - gregoriovbituinjr.

Utang

Imahe
UTANG huwag mong gawing makasanayan ko ang pag-utang dahil sa kapritso mong maraming ari-arian dahil sa bisyo mong bili nito at bili niyan dahil sa iyong nasang umalpas sa kahirapan ayos lang kung nais mong sa buhay ay guminhawa kung ito'y wastong proseso't pagsisikap na sadya ngunit kung pulos sa utang naman ito nagmula upang makapagpasikat, anong ating napala? iyan ba ang buhay? iyan ba ang dapat na buhay? trabaho ng trabaho dahil dapat makabayad sa mga pinagkakautangan hanggang mamatay? ganitong buhay bang pulos utang ang ating hangad? pinagkakasya ko lamang kung anong naririto pinagkakasya ko lamang kung anong meron ako pinagkakasya lamang kung anong mayroon tayo kaysa mangutang na di naman mabayaran ito ayokong mabuhay upang magbayad lang ng utang kaya nga di ko na inugali ang pangungutang nais ko'y buhay na makabuluhan, di masayang kaya huwag mo na akong asahang mangungutang - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Soneto sa lockdown

Imahe
Soneto sa lockdown L ockdown na naman, at tahimik ang mga lansangan A h, sana ganito'y hindi na panahon ng tokhang K undi panahon ng pagninilay sa kaligtasan D umungaw man sa bintana'y walang nag-iiyakan A lam ko, sapagkat wala nang pinaglalamayan W alang lalabas kahit anong init sa tahanan N awa'y hulihin lang ang lalabag, walang pagpaslang N ais kong itulog na lang bawat alalahanin A t managinip habang di pa maarok ang lalim N g laot nitong samutsaring pangamba't panindim A lagatain ang mutya habang narito't gising M utyang diwatang naninilay sa gabing madilim A h, may curfew na, dapat na ring maging matiisin N gunit nais kong lumabas, bibili ng pagkain. - gregoriovbituinjr.

Tulad ko'y bihirang magtaksi

Imahe
Tulad ko'y bihirang magtaksi aba, mga tulad ko kasi'y hindi nagtataksi sabihin mo nang ako'y di sosyal, dukha, o pobre mabuti pang mag-dyip, mag-bus, o kaya'y mag-L.R.T. o kung may araw pa'y maglakad lang sa tabi-tabi kaymahal ng taksi, pag-upo pa lang ay singkwenta tumaas na ng sampung piso ang dating kwarenta sa dyip, ang minimum na pasahe'y nasa nwebe pa sa bus ay onse, mura sa transportasyong pangmasa karaniwan, naglalakad lang ako't ehersisyo lalo't malapit lang, nasa apat na kilometro lalo't kayhaba ng pila sa L.R.T., ay naku sa nadaanan nga'y nakakakuha ng litrato buti pang maglakad o maipit ng trapik sa dyip ang dama ko'y mas ligtas, lumilipad man ang isip at nagsusulat sa diwa ng kathang halukipkip mag-ingat lamang sa pagtawid upang di mahagip - gregbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Pahabol sa World Poetry Day 2021: Ang makatang Andres Bonifacio

Imahe
Pahabol sa World Poetry Day 2021:  Ang makatang Andres Bonifacio sa Supremo't Makata, ako'y nagpapasalamat sapagkat siya'y may angking galing din sa pagsulat tula'y lalabingdalawahing pantig, tugma't sukat isang tula sa Kastila, isang salin, at apat salin ng Huling Paalam ni Rizal, Katapusang  Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya, at ang Mi Abanico sa Espanyol, pati ang Tapunan  ng Lingap, Ang mga Cazadores, na kainaman sa Supremo, at kaytalim ng pananalinghaga nariyan din ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa  bayani, makata, manunulat, at manggagawa pinaglaban ang kalayaan, tunay na dakila pakasuriin natin ang kanyang mga sanaysay: Mararahas na Mga Anak ng Bayan, Mabuhay! Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, magnilay ang mga gintong aral niya'y tunay na may saysay! mabuhay ka, O, Supremo, Gat Andres Bonifacio sa iba't ibang sanaysay at tulang pamana mo kami'y nagpupugay sa ambag mo sa bayang ito sa World Poetry Day, tulang ito'y alay sa iyo - gregoriovbituinj...

Panambitan sa World Poetry Day

Imahe
PANAMBITAN SA WORLD POETRY DAY ngayong World Poetry Day, Marso Dalawampu't Isa taos-pusong pasasalamat sa obrero't masa salamat sapagkat wala ako kung wala sila salamat sapagkat walang tula kung wala sila panlipunang hustisya ang karaniwan kong paksa pang-aapi't pagsasamantala sa mga dukha pakikibaka ng kapitbisig na manggagawa isyu nila't problema ang aking itinutula sapagkat ako'y makatang wala sa toreng garing wala sa palasyo ng hari't burgesyang balimbing ako'y nasa digma't sa pagtula'y di nahihimbing na kung pumanaw, tula'y di kasamang malilibing sa bawat tulang nalathala'y dukha ang katuwang nakaapák at sa tulay na kahoy naninimbang kasama roon sa pagdidilig ng lupang tigang pagtatamnan nang may mapitas kahit manibalang salamat sa tula't nabubuhay ng may pangarap kasama ng maralitang kaagapay sa hirap salamat sa kapwa makata sa inyong pagtanggap lalo't kayrami n'yong kathang tunay na mapaglingap kaya ngayong World Poetry Day...

Tula laban sa rasismo

Imahe
Tula laban sa rasismo tumitindi ang pananakit sa mga Asyano at inaatake sila sa ngalan ng rasismo mga "hate crimes" nga raw ang mga nangyayaring ito tinuring ba silang virus ng mga tarantado? anang ulat, naganap sa panahon ng pandemya ang napakaraming kaso nitong di masawata bakit galit sa ibang kulay, ibang lahi sila para lang ba sa puti iyang bansang Amerika sa akdang Liwanag at Dilim, Jacinto'y nagsulat ng ganito,  "Iisa ang pagkatao ng lahat!" anong ganda nito, talagang nakapagmumulat ginintuang diwang ito sa kapwa'y ipakalat rasismo'y laos na't sa pagpapakatao'y labag rasismo'y mala-Hitler na dapat lamang matibag tanging sa pagpapakatao natin masisinag na kapwa'y kapatid, diwa't puso'y mapapanatag - gregoriovbituinjr. * mga litrato mula sa google

Anong lupit, rasismo'y walang pagpapakatao

Imahe
Anong lupit, rasismo'y walang pagpapakatao anong lupit, rasismo'y walang pagpapakatao babanatan ka na dahil iba lang ang kulay mo anong bangis ng gumawa't nagtataguyod nito mas superyor ba sila kaysa migranteng narito tila rasismo'y kadenang nakatali sa leeg na di nila makalag, sa utak nila'y lumupig sa kanilang sala, nawa budhi'y umusig laban sa rasismong ito, tayo'y magkapitbisig kasumpa-sumpa ang rasismong wala sa katwiran na wala nang paggalang sa pantaong karapatan rasismong ala-Hitler ay di nila matakasan imbes ituring na kapatid, ang kapwa'y kalaban nawa rasismo'y tabunan ng pakikipagkapwa rasismo sana'y mawala't magmahalan ang kapwa - gregoriovbituinjr. * mga litrato mula sa google

Sa ika-31 taon ng Kamayan Forum

Inihanda at ibinidyo ng inyong lingkod para sa zoom meeting ng Kamayan Forum,  sa hapon ng Marso 19, 2021. Naka-upload ang video sa facebook. Magandang hapon po sa ating lahat, ako po'y magbabasa ng tula para sa ika-31 taon ng Kamayan Forum na nagsimula noong March 1990. Sa ika-31 taon ng Kamayan Forum maalab na pagbati ang aking pinaaabot sa Kamayan Forum sa kabutihang idinulot sa kalikasan kaya marami ngayong naabot at tumugon sa mga isyu't ngayon nakisangkot ikalimang taon nito'y akin nang dinaluhan na ang grupong CLEAR ang una nitong pangasiwaan nakilala ko ang pangulo nitong si Vic Milan ang bise'y si Butch Nava na nakita ko lang minsan sekretaryo heneral ay si Ed Aurelio Reyes o Sir Ding para sa marami, nakikipagtagis ng talino sa sinumang ang opinyon ay labis; siya'y magalang, sa talakayan man ay mabangis wala na silang nagsimula nitong talakayan dahil sa gintong adhika'y nagpatuloy pa naman tatlong dekada'y nagdaan, forum pa ri'y nariyan lalo na...

Dapat, Lapat, Sapat, Tapat

Imahe
  DAPAT, LAPAT, SAPAT, TAPAT DAPAT magsama-sama sa bawat pakikibaka DAPAT kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya DAPAT sa pag-unlad ng bansa, lahat ay kasama DAPAT walang maiiwan, kahit dukha pa sila LAPAT sa mamamayan ang bawat nilang solusyon LAPAT sa lupa ang bawat plano nila't kongklusyon LAPAT sa masa bawat presyo ng bilihin ngayon LAPAT sa katwiran ang bayan upang makabangon SAPAT na pagkain sa hapag-kainan ng dukha SAPAT na sahod at di kontraktwal ang manggagawa SAPAT na proteksyon sa kababaihan at bata SAPAT na pagkilala sa karapatan ng madla TAPAT na pamumuno't batas di binabaluktot TAPAT na paglilingkod, namumuno'y di kurakot TAPAT na pangangasiwa, masa'y di tinatakot TAPAT na pagsisilbi, lider ng bansa'y di buktot - gregoriovbituinjr. * kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad sa Pasig

Ang babala sa istiker ng dyip

Imahe
Ang babala sa istiker ng dyip sarkastikong istiker iyong talagang babala sa mga kababaihan nitong namamasada animo'y kaytindi ng libog sa kanyang konsensya na di na iniisip ang magiging konsengkwensya totoo ang pamagat, isa ngang babala yaon pag babae'y di nag-ingat, baka siya'y ibaon ng libag at libog ng kanilang mga ilusyon mas matindi pa sa basta driver, sweet lover iyon "Babala: sexy lang pwedeng sumakay" ang nasipat di ito komedya, huwag ipagkibit-balikat di ito patawa, ito'y banta, kaya mag-ingat ito'y babala, kaya huwag kayong malilingat sa pagsakay sa ganitong dyip, mag-ingat ang seksi pag may nangyari sa kanya'y sinong magiging saksi - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang nakasakay sa unahan ng dyip

Ibaba ang presyo ng bilihin

Imahe
Ibaba ang presyo ng bilihin kaytagal nang hiyaw: "Presyo ng Bilihin, Ibaba!" ng mga kababaihan, di pa rin humuhupa lehitimong kahilingan lalo ng mga dukha sa mayayayamang nasa pamahalaang kuhila "Sahod Itaas! Presyo Ibaba!" naman ang sigaw ng mga manggagawa, kahilingan ngang kaylinaw wasto ang panawagan lalo na't kayod kalabaw pinagkakasya ang sweldong karampot kada araw halina't suriin at pag-aralan ang lipunan bakit laksa'y naghihirap, mayaman ay iilan bakit presyo nitong bilihin ay nagtataasan bakit may tiwali't kurakot sa kaban ng bayan masyado nang api ang masa sa kapitalismo ganitong sistemang bulok ay dapat nang mabago - gregoriovbituinjr. - litratong kuha ng makatang gala noong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, 03.08.21

Dahil lang ayaw makisangkot

Imahe
Dahil lang ayaw makisangkot 1 dahil lamang ayaw makisangkot ng iba sa mga panlipunang isyu at problema kaya magdasal na lang ang alibi nila magdasal ang sagot sa problema't trahedya bahala na si lord, magdasal ka na lamang kaysa makisangkot sa isyung panlipunan kapwa'y bahalang gumawa ng kalutasan basta sila'y magdasal ng magdasal na lang 2 sabi ng pari sa mga lumad o katutubo pumikit kayo't magdasal pag may dusa't siphayo pagmulat nila'y wala na ang lupaing ninuno ari na ng simbahang sa kanila'y nagpayuko katutubo'y naitaboy sa kanilang lupain dati nilang lupa'y pinatag at tinayuan din ng gusali't simbahan ng mga dayong nag-angkin saka nagnegosyo, nagsamantala't nang-alipin 3  manalangin ang sagot sa kanilang kaapihan magdasal na lang kaysa karapata'y ipaglaban ngayon, katutubo'y naitaboy sa kabundukan dahil di nila kaya ang espada ng simbahan magdasal lang at manahimik, buhay pa'y payapa hustisya't karapatan man ay binabalew...

Kwento ng isang utangero

Imahe
Kwento ng isang utangero ayokong buhay ko'y gugulin sa pagbabayad lang ng noong kabataan ko'y kung anu-anong utang  kaya pinanindigan ko nang huwag mangungutang kung di tiyak na sa takdang oras ay mabayaran dahil nakasalang sa utang ay mismong dignidad at ang iyong salita kung di ka makapagbayad tiyak na sa kahihiyan, sarili'y malalantad higit pa sa katawang katanghalian binilad talagang kayod kalabaw, trabaho ng trabaho sa pagbabayad ng utang nakatuon ang ulo pinapatay ang katawan mabayaran lang ito di na madama ang esensya ng buhay sa mundo limang taon, sampung taon, di pa bayad ang utang pakiramdam niya, buhay niya'y palutang-lutang nabubuhay lang siya sa pagbabayad ng utang pulos pagtitipid hanggang bumigay ang katawan sino na ngayong magbabayad ng kanyang inutang? ang kanyang asawa't anak bang walang kinalaman? paano sila kung kunin siya ni Kamatayan? ang ganitong trahedya'y paano maiiwasan? - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang nagl...

Sa likod ng bawat ilusyon ay katotohanan

Imahe
Sa likod ng bawat ilusyon ay katotohanan sa likod ng bawat ilusyon ay katotohanan lalo't may tagapagligtas ang tingin sa halalan lalo't may idolong ang tingin nila'y kasagutan sa mga hinaing ng masa, dusa't kahirapan may katotohanan sa likod ng bawat ilusyon na di pala tagapagligtas ang nanalong iyon kundi berdugo, uhaw sa dugo, idolong maton na pinauso ang patayan, takot, ngunit pikon isang mapanganib na pinunong sadyang salbahe isang pula ang hasang na di mo basta makanti isang sigang tila kaaway lagi ang babae isang ilusyon sa masang sa burgesya nga'y api dapat nang pawiin ang usok ng ilusyong ito ang totoo'y uhaw pala sa dugo ang idolo kung tatakbo pa ang anak at ito'y mananalo bansa'y lalong kawawa, dapat lamang ilampaso - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa isang lugar niyang napuntahan

Dahil ako'y makata ng sambayanan

Imahe
Dahil ako'y makata ng sambayanan di ako makata ng pag-ibig, inaamin ko makata ng lumbay, ngayon, makata ng obrero pangarap kong maitayo'y lipunang makatao sapagkat ako'y panig sa kapwa proletaryado ito'y isang tungkuling malaon ko nang niyakap ito'y isang gawaing kaytagal ko nang tinanggap di ito hangarin upang makaahon sa hirap kundi masa'y pukawin, itaguyod ang pangarap huwag akong usigin sa minsang pagkatulala panahon iyon ng tuwinang trabaho't pagkatha huwag mo akong patigilin sa aking pagtula laksang panahon ang ginugugol ko sa pag-akda sapagkat ito ako, makata ng sambayanan ilayo ako sa tungkuling ito'y kamatayan - gregoriovbituinjr.

Ang langit at alapaap

Imahe
ang langit at alapaap ay nariyang lumilingap ang diwata at bulaklak ay naroroon sa lambak bakit laging hinahanap ang di naman mahagilap iiyak ba o hahalakhak ang umiinom ng alak pinagmasdan ko ang ulap habang tila nangangarap alagaan ang pinitak para sa bukas ng anak buhay ma'y aandap-andap huwag sanang mapahamak atin kayang magagagap na puputi rin ang uwak - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Kwento ng makatang hangal

Imahe
kwento ng makatang hangal: sa umaga'y nag-almusal sa tanghali'y nagpakasal sa hapon ay isinakdal sa gabi'y nagpatiwakal - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Papanagutin ang utak ng patayan

Imahe
Papanagutin ang utak ng patayan kultura ng kamatayan ang kanilang dinala na nang maupo sa pwesto'y binalingan ang masa kabi-kabila ang ibinubuwal sa kalsada ngingisi-ngisi lang ang burgesya't kapitalista nadarama natin sa labas ang LAMIG ng gabi lalo na't sinisinta ang kaulayaw, katabi maagang umuwi't iwasan ang LAGIM ng gabi na kayrami nang itinimbuwang sa tabi-tabi pagpaslang, alam nating lahat na mali ang gayon subalit tuwang-tuwa ang halimaw nilang poon pumayapa na raw ang laot ng kutya't linggatong nabawasan daw ang krimen sa magdamag, maghapon walang anumang proseso o pang-uusig man din basta napagdiskitahan ka'y agad papatayin may utak sa patayan ay dapat lamang usigin silang berdugong uhaw sa dugo'y papanagutin - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa Black Friday Protest, 03.12.21

Uhaw sa dugo

Imahe
UHAW SA DUGO uhaw sa dugo, walang pakundangan yaong mga salarin kung pumaslang kayrami nang sa lupa'y tumimbuwang kayrami nang tinimbuwang ng bu-ang kaybilis kumalabit ng gatilyo dahil atas ng teroristang amo dugo'y pinabaha, parang delubyo dahil atas ng bu-ang na pangulo nakalulungkot ang mga nangyari nadadamay na pati inosente nakagagalit bawat insidente masahol sila sa hayop, kaytindi di na sapat ang sigaw ng hustisya hangga't may utos ay nakaupo pa sa pwesto nga'y dapat patalsikin na ang utak, ang tunay na terorista - gregoriovbituinjr. * kinatha para sa Black Friday Protest, 03.12.21; binasa't binidyo ng ilang kasama nang binigkas * kuhang litrato ng makatang gala sa tapat ng NHA

G, GA, GARA, GARAPA, GARAPATA

Imahe
G, GA, GARA, GARAPA, GARAPATA G lagi kong nakikita lalo na't may kaugnayan umpisang letra ng Gregorio, Gorio, aking ngalan malalaking simbolo ito: Ground Floor, Globe, Gmail man at doble G kapag galunggong ang nasa isipan GA minsan, iyan ang tawag ko sa tangi kong palangga pagkat iniibig ko't sa akin nag-aalaga lalo't sa dambana ng magigiting ay sumumpa magsasama sa hirap, ginhawa, ligaya't luha GARA isang salitang tumutukoy sa magandang ayos ng ilang bagay-bagay sa natatanaw nang lubos sa mata'y humahalina, sa puso'y tumatagos  pagod man, pag may magara, dama'y nakakaraos GARAPA maliliit na bote itong sinisigaw nila "bote, dyaryo, garapa" yaong hiyaw sa kalsada kung mayroon ka niyan, sa kanila na'y ibenta pagkat ireresiklo, may pera nga sa basura GARAPATA sa likod ng aso ang garapata'y gumagapang  kaya kamot ng kamot ang asong di na malibang pag ang alaga mong aso'y iyong pinaliguan laking ginhawa niya't kaysarap ng pakiramdam - gr...

PALA, PALAG, PALAGA, PALAGAY

Imahe
PALA, PALAG, PALAGA, PALAGAY PALA ganyan naman pala ang paggamit ng mga pala kaya pinagpapala ang obrero't magsasaka gamit sa konstruksyon o sa lupa'y pambubungkal pa o "kaya pala" ang boladas ng iyong amiga PALAG kahit natatakot ka, dapat ka na ring pumalag pag karapatang pantao ng kapwa'y nilalabag lalo na't may mga karahasang dapat ibunyag natatakot man, ipakitang di ka natitinag PALAGA palaga naman ng dala kong kamote, kapatid at pagsaluhan natin itong binungkal sa bukid; palaga naman ng itlog, pakiusap ko'y hatid sa iyong ang kahusayan sa pagluto'y di lingid PALAGAY palagay ko'y dapat lamang respetuhin ninuman ang wastong proseso, due process, ating karapatan kapalagayang-loob ko'y pinakikiusapan palagay naman ng mga ito sa paminggalan - gregoriovbituinjr.

U, UN, UNA, UNAN, UNANO

Imahe
U, UN, UNA, UNAN, UNANO U isa sa mga gamiting titik sa alpabeto isa rin sa limang patinig pag inuri ito tanong: anong letra ito, tugon ko agad ay "You!"  oo, Ikaw, at nakapatungkol ito sa iyo UN unlapi sa Ingles na kinakabit sa unahan ng salita, na sinasalungat ang kahulugan tungkol din sa United Nations na pandaigdigan ang Nagkakaisang Bansa, misyon ay magtulungan UNA una-una lang iyan, ang sabi ng kumpare niya nang mamatay ang kaibigang galante, masaya; sa paligsahan sa pagtakbo, tiyaking manguna upang maging kampyon, sungkitin ang gintong medalya UNAN dapat maging maalwan ang posisyon sa pagtulog unan iyang sasalba upang di basta mauntog sakali mang sa kagagalaw sa kama'y mahulog habang nasa panaginip ang mutyang maalindog UNANO mga unano'y huwag mong apihin o hamakin  dahil ba maliit, sila na'y iyong mamatahin sila'y kapwa tao mo't may mga karapatan din may mga ambag din sa mundo, dapat respetuhin - gregoriovbituinjr.

Itigil ang E.J.K.!

Imahe
ITIGIL ANG E.J.K.! extrajudicial killings o E.J.K. ay itigil inhustisya't walang proseso ng batas, itigil sino kayong sa buhay ng tao'y basta kikitil utos man iyan ng inyong pangulong gago't sutil ilang inosente na ang kanilang nabiktima bilangin mo ilang libo ang nagsiluhang ina di mabilang, nakakapanggalaiti ng panga ang mga nangyaring kahayupan at inhustisya sa panahon lang ng utak-teroristang rehimen nangyari ang maramihang gawain ng salarin inosente'y hinusgahan na ng riding-in-tandem atas ng namumuno, parak ay naging asasin maraming kwento, ngunit takot silang magdemanda maraming saksi, subalit baka balikan sila asong ulol sa poder ay ngising aso tuwina masa'y nangangamba't takot sa kanyang diktadura - gregoriovbituinjr. * kuhang litrato ng makatang gala noong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, 03.08.2021

Pananakot at pagpatay na'y tigilan

Imahe
Pananakot at pagpatay na'y tigilan narinig kaya niya ang kanilang mga sigaw na pawang hustisya, hustisya ang mga palahaw: "Duterte, tigilan ang pananakot at pagpatay!" kayrami nang nawalang mga inosenteng buhay uhaw sa dugo ang mensahero ng kamatayan dahil sa atas ng pangulong walang pakundangan walang galang sa proseso't pantaong karapatan "patayin lahat iyan" ang bukambibig ng bu-ang kaya mga alagad niya'y tila asong ulol naglalaway at hininga ng kapwa'y pinuputol nanlaban daw ang pinaslang, yaon ang laging kahol ng mga berdugong sa amo'y masunuring tukmol mga plakard nila'y sumisigaw ng katarungan nawa'y dinggin ang hiyaw ng mga kababaihan itigil na ang walang kapararakang patayan at atin nang itayo ang makataong lipunan - gregoriovbituinjr. * kuhang litrato ng makatang gala noong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, 03.08.2021

Itaguyod ang katotohanan, huwag matakot

Imahe
Itaguyod ang katotohanan, huwag matakot maaaring panahon ngayong takot pa ang bayan ngunit di lagi ang takot, may panahong lalaban "Makibaka! Huwag Matakot!" ay paninindigan ng mga tulad naming aktibista sa lansangan kaya laging namimihasa ang mga kurakot dahil tango lang ng tango ang bayang natatakot yaong mga pumatay pa ang may ganang manakot kahit na ang legal na batas ay binabaluktot sa dagat man ng kasinungalingan ay malunod laot mang malalim ay sisisid, tayo'y susugod katotohanan ay ipagtatanggol, itaguyod upang mga lingkod-bayan ay tunay na maglingkod itaguyod ang katotohanan, huwag mangamba at makibaka para sa panlipunang hustisya - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, 03.08.21

Turukan ang bu-ang

Imahe
Turukan ang bu-ang dapat lang turukan ng kababaihan ang bu-ang dahil sa ginawang terorismo sa sambayanan dahil atas sa kanyang mga tuta'y karahasan gumaling pa kaya iyang bu-ang pag naturukan? may toyo sa ulo siyang nag-atas ng pagpatay ng walang proseso't kayraming pinaluhang nanay may topak sa ulo kaya lagi nang naglalaway uhaw na uhaw sa dugo ng akala'y kaaway sa duguang kamay ng halang, kayraming nasawi lalo't nakaupo pa ang baliw na naghahari katarunga'y nakapiring, hustisya'y tagpi-tagpi ngunit panlipunang hustisya'y dapat ipagwagi kababaihan, magkaisa na't kumilos kayo laban sa karahasa't terorismo ng estado ipagtanggol ang dignidad, karapatang pantao kung marapat, patalsikin ang namumunong gago - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, 03.08.21