sa pader, anila, bandalismo'y pagdudumi lang na gawain ng walang magawa, may pusong halang ngunit anong istorya sa likod ng mga patlang bakit isyu ng bayan ang doon ay nakasalang bakit naman bandalismo'y napiling gawin nila? may dahilan kung bakit natin ito nakikita upang mabasa ng madla ang hinaing ng masa at mabasa ang di binabalita ng masmidya huwag mong laging tingnan kung bakit ito dumumi suriin mo rin anong nakasulat na mensahe bakit nasa pader ang sa masmidya'y di masabi alamin bakit hibik ng masa'y sinasantabi bandalismo'y armas ng pinagsasamantalahan, ng inaapi't ginigipit nating mamamayan sa pader pinagsasalita ang nasa isipan na di masabi't maulat ng masmidya sa bayan - gregbituinjr.
TALAAN NG MGA SIKAT NA BOKSINGERONG NAMATAY SA AKSIDENTE SA KOTSE Sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Marami na palang boksingerong namatay dahil sa aksidente sa kotse. Namatay habang nakasakay sa kotse, at namatay dahil nabangga ng kotse. Hindi sila namatay sa pakikipagbakbakan sa boxing ring, kundi sa aksidente sa kotse. Nalaman ko ito nang magsaliksik na ako sa internet. Nagkainteres akong isaliksik ito nang mapanood ko sa You Tube ang 25 Asian Boxers of All Time, na nasa kawing na https://www.youtube.com/watch?v=Cy8k604Hk1k . Sa nasabing youtube. number 1 si Manny Pacquiao bilang greatest Asian Boxers of All Time. Nasa ika-15 ranggo naman si Masao Oba, na ang nakasulat na detalye ay ito: 35-2-16 KO, WBA Flyweight Champion (5 defenses of Title). If wasn't for unexpected death he was highly regarded to become greatest Boxer from Japan. Died in a Car accident at the age of 23, 22 days after making his last fight. (Fun Fact: Salvador Sanchez as...
SALAMAT SA ALKOHOL nagkakaubusan na ng nabibiling alkohol sa mga tindahan, sa botika, grocery at mall pinakyaw ng maypera nang walang kagatul-gatol habang ang iba'y naubusan na't di nakahabol pagkat pananggol ang alkohol sa banta ng COVID subalit ang mga namakyaw ay mistulang ganid na di naisip ang kapwa't kababayang kapatid isip ay sarili sa problemang salot ang hatid dapat lumikha pa rin ng alkohol sa pabrika ngunit doblehin ang sahod ng manggagawa nila alkohol nga'y kailangang-kailangan ng masa huwag lang pagtubuan, bagkus itindang mas mura O, alkohol, ikaw ang una upang sansalain ang bantang salot ngayong panahon ng COVID-19 kayraming mikrobyo sa mundong dapat mong durugin tunay kang bayaning dapat pasalamatan namin - gregbituinjr. 03.18.2020
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento