Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2022

Lumbera

Imahe
LUMBERA (Abril 11, 1932 - Setyembre 28, 2021) payak ang puntod ng Pambansang Alagad ng Sining umalis siyang puso'y nag-aalab ng magiting sa masang pinaglingkuran niyang buong taimtim may apat akong aklat niyang sa akin nanggising sapagkat siya't tunay na makata't makabayan ang kanyang mga akda nga'y aking pinag-ipunan ang una kong libro niya'y tungkol sa panulaan tuwa ko nang siya'y nakadaupang palad minsan minsan lamang, isang beses, di na iyon naulit subalit akda niya'y binabasa kong malimit hinggil sa pelikula, tula, masang nagigipit ang hustisyang panlipunang di dapat ipagkait pagpupugay sa maestro, kay Sir Bien Lumbera simpleng ngiti, mapagkumbaba, lahad ay pag-asa sa ating panitikan, poetika, politika payak man ang puntod, sa bansa'y maraming pamana - gregoriovbituinjr. 09.28.2022 *  Tulang nilikha sa unang anibersaryo ng kamatayan ni Sir Bien Lumbera * Ang litrato ng puntod ay mula sa fb page ng Sentro Lumbera * Ang una kong aklat niya'y ang  ...

Pagpupugay sa 5 namatay na rescuer

Imahe
PAGPUPUGAY SA LIMANG NAMATAY NA RESCUER kasagsagan ng bagyong Karding nang sila'y mawala buhay nila'y pinugto ng bagyong rumaragasa bigla raw nag-flash flood ng life boat ay inihahanda gumuho ang isang pader, ayon pa sa balita, doon sa limang rescuer ay umanod na bigla sila'y nagsagawa ng isang rescue operation sa lalawigan ng Bulacan ginawa ang misyon sa bayan ng San Miguel, iligtas ang naroroon ginampanan ang tungkulin sa atas ng panahon ngunit matinding baha ang sa kanila'y lumamon tagapagligtas natin silang limang nangamatay tungkuling sa kalamidad ay magligtas ng buhay ng kanilang kapwa, ang buhay nila'y inialay upang mailigtas ang iba, mabuhay, mabuhay! sila'y mga bayani! taospusong pagpupugay! - gregoriovbituinjr. 09.28.2022 * mga litrato mula sa google

Paggawa ng buod ng Orosman at Zafira ni Balagtas

Imahe
PAGGAWA NG BUOD NG OROSMAN AT ZAFIRA NI BALAGTAS Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.  Isang dahilan na naman upang magpahaba ng buhay. Isang proyekto na naman na dapat kong pagtuunan ng pansin. Labis akong natuwa nang makita ko sa Solidaridad Bookshop ang nag-iisang sipi ng aklat na Orosman at Zafira na komedya ni Francisco Balagtas, ang may-akda ng Florante at Laura. Si Virgilio S. Almario ang editor niyon. Hindi ko na pinakawalan ang aklat na iyon at agad kong binili. Nagkataon lang na galing ako sa isang pulong sa isang lider na taga-San Andres sa Maynila, nang maisipan kong dumaan sa Solidaridad Bookshop na isang sakay lamang mula sa kanila, habang malayo naman ang aking inuuwian ng mga panahong iyon, sa aming tanggapan sa Lungsod ng Pasig.  Nabili ko ang aklat na iyon sa halagang apatnaraang piso noong Hunyo 3, 2021. Isang collector's item sa tulad kong mahilig sa panitikan. Pambihira ang aklat na iyon, dahil ang karaniwang alam lang natin ay ang Florante at Laura...

Ondoy at Karding

Imahe
ONDOY AT KARDING dalawang bagyong nanalasa  halos magkaparehong petsa Setyembre dalawampu't lima at hanggang kinabukasan pa nang mag-Setyembre Bente-Sais anim-na-oras lang, kaybilis ng Ondoy nang ang Metropolis ay nilubog, baha'y hagibis Karding din ay napakatulin typhoon signal four na tinuring mga ulat ay ating dinggin sa Quezon namuro si Karding handa ba tayo sa ganito? sa tumitinding klima't bagyo? pag nanalanta na'y paano? kay Ondoy ba tayo'y natuto? panawagang Climate Justice Now ay narinig bang inihiyaw? ang aral ba nito'y malinaw? na sa puso't diwa'y lumitaw? - gregoriovbituinjr. 09.27.2022

Katha

Imahe
KATHA wala mang magbasa niring tula akda ko'y di man gusto ng madla patuloy pa rin akong kakatha ng kung anong nasa puso't diwa paksa ma'y pagdarahop ng madla bahay man ng dukha'y ginigiba pakikibaka ng manggagawa kamaong kuyom ng maralita maging trapo ma'y binubutata may sumbat ng budhi sa kuhila sa rali'y hampas man ng batuta o sa tokhang man ay nabulagta nilalamay ang wastong salita hinahanap anong tamang wika tumititig sa bawat kataga kinikinis ang sukat at tugma maraming paksang walang kawala kaya kwaderno't pluma ko'y handa upang kathain ang luha't tuwa wala mang magbasa niring tula - gregoriovbituinjr. 09.27.2022

Ang tinuran ng guro

Imahe
ANG TINURAN NG GURO "The ultimate aim of the art of karate lies not in victory and defeat, but in the perfection of the character of its participants." ~ Master Gichin Funakoshi sakali mang di mapakali ay unawain ang sinabi  ni Guro Gichin Funakoshi hinggil sa sining ng karate sadyang ikaw ay magninilay sa ibinilin niyang gabay karate'y di nakasalalay sa pagkatalo o tagumpay kundi sa pagiging perpekto ng karakter o pagkatao ng mga lumalahok dito tinurang sa diwa tumimo kung ito'y ating maunawa kahuluga'y magpakumbaba karate'y pagiging payapa't makipagkapwa ang adhika - gregoriovbituinjr. 09.25.2022

Ang daan patungong Quiapo

Imahe
ANG DAAN PATUNGONG QUIAPO matapos ang dalawang dekada'y muling bumili ng librong Trip to Quiapo na akda ni Ricky Lee ang naunang libro niya'y nasa hiraman kasi di na naibalik, gayong kaylaki nitong silbi buti na lang at may pera nang mapuntang C.C.P. hayskul pa ako'y nilalakad ko na ang Quiapo nang magkolehiyo'y sa Quiapo pa rin ang tungo kaya kabisado ko ang bituka nito't luho dito nagkaisip, kalokoha'y dito nahango kayrami ring naging katoto't suki sa Quiapo mula Sampaloc, ako'y nagtutungong paaralan sa Intramuros, sa Quiapo lagi dumaraan at sasakay ng Balic-Balic pauwing tahanan O, Quiapo, bahagi ka ng aking kabataan anuman ang Trip to Quiapo'y alam ko ang daan muling binili ang Trip to Quiapo ni Ricky Lee upang pagsulat ng katha'y paghusaying maigi iskrip rayting manwal na sa akin makabubuti salamat, muling natagpuan ang aklat na ire at mahal man ang presyo'y tiyak di ka magsisisi - gregoriovbituinjr. 09.25.2022 * ang aklat na  Trip to Qu...

Kaymahal

Imahe
KAYMAHAL kaymahal ng kuryente, tubig at pamasahe; tuwa ng negosyante na tubo'y balde-balde masa na'y sinasagpang ng tuso't mapanlamang; kayrami na ring utang ang di pa sinisilang pahirap ng pahirap ang buhay ng mahirap; kailan malalasap ang ginhawang pangarap sweldo ng manggagawa ay talagang kaybaba; negosyanteng kuhila sa tubo tiba-tiba masa’y umaatungal sa bayaring kaymahal; magmura’y mauusal kahit isa kang banal di sapat ang panggugol ng masang tumututol; sistemang di na ukol ay dapat nang maputol - gregoriovbituinjr. 09.24.2022

Pagdalo sa Pagtitipon ng Philippine PEN sa CCP

Imahe
PAGDALO SA PAGTITIPON NG PHILIPPINE PEN SA CCP Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Naimbitahan ako ng ANI Journal ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na dumalo sa Truth in the Telling: Power and the Pen, Philippine PEN Congress 2022, sa ika-20 ng Setyembre 2022, ganap na ikalawa ng hapon. Ang ibig sabihin ng PEN ay Poets, Essayists and Novelists. Isa itong pambihirang pagkakataon kaya ito'y aking dinaluhan. Sino nga ba ako para maimbitahan? Simpleng manunulat lang ako na namamatnugot ng isang dyaryong pangmaralita - ang Taliba ng Maralita ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Hindi kilala, manunulat lang ng mga maralita. Marahil, kaya ako naimbitahan ay dahil isa ang aking akda sa mga nakasamang nalathala sa ANI 41, na taunang aklat pampanitikan ng CCP. Sayang nga lang at late na nang mabasa ko ang panawagan sa ANI 42. Setyembre na nang malaman ko, na Agosto 31, 2022 pala ang deadline. Sana'y nakapagpasa muli ng akda. Gayunpaman, may next time ...

Sa ikalimampung anibersaryo ng batas militar

Imahe
Kuha sa Bantayog ng mga Bayani kung saan ipinalabas ang 2-oras na dokumentaryong 11,103 na nagsimula ng 6pm. Bago iyon ay nakiisa tayo sa pagkilos mula umaga bilang paggunita sa ikalimampung anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar. Narito ang nagawa kong tula: SA IKALIMAMPUNG ANIBERSARYO NG BATAS MILITAR kaytinding bangungot yaong pinagdaanan ng labing-isang libo, sandaan at tatlo di na mabubura sa ating kasaysayan bilang iyon ng biktima noong marsyalo batang-bata ako nang marsyalo'y binaba walang muwang sa nagaganap sa lipunan iyon pala, mga kabuktuta'y bumaha kayraming tinortyur, iwinala, pinaslang anong klase kayang kahayukan sa dugo ang nasa pangil at puso ng diktadura ano kayang klaseng kahayukan sa tubo ang naisip ng diktador at cronies niya naunawaan ko lang ang mga nangyari sa mura kong diwa'y pinilit intindihin nang tinanggal ang Voltes V at Mazinger Z na noon talaga'y kinagiliwan namin nang lumaki na'y mas aking naunawaan  ang nangyayari sa kinagisnang...

Mantika at dishwashing liquid

Imahe
MANTIKA AT DISHWASHING LIQUID halos magkamukha, subalit huwag magkamali na mantika ang gamitin sa paghugas ng pinggan o dishwashing liquid kung magpiprito sa kawali lalo na't magkatabi lang ang kalan at lababo ay, pag nagkamali ka'y anong laking katangahan na bawat pagkakamaling ito'y sadyang perwisyo di sinasadya, pareho pang Spring yaong tatak magkaiba ng pinagbilhan, di ko rin napansin pagkabili galing palengke, ihiwalay sadya lagyan ng "Di ito mantika" ang dishwashing liquid ang mantika naman ay lagyang "ito'y bumubula" ay, huwag kang magkakamali, aking kaibigan at talagang sarili mo'y iyo nang sisisihin tingnan mo muna bago gamitin, ang bilin ko lang - gregoriovbituinjr. 09.21.2022

Kulugo

Imahe
KULUGO kung di mo inaalay ang buhay mo sa layuning makatao, dakila't banal kundi pansarili ang kapara mo'y kulugong basta lumitaw man din sa katawan ng iba, dapat sa iyo'y iwaksi ang buhay na di ginugol sa malaking dahilan ay kahoy na walang lilim o damong makamandag nasusulat iyan sa Kartilya ng Katipunan upang ang bayang ito'y maging malaya't matatag kaya ayokong maging kulugo sa iwing buhay na pansariling ginhawa't kaligtasan ang pakay kaya ako'y aktibistang ang buhay na'y inalay ng buong-buo para sa bayan hanggang mamatay kaya huwag mong isiping ako'y magpapayaman tulad ng kulugong sinagpang ay ibang katawan upang sarili'y paginhawain, bundat ang tiyan maghirap man ako'y may adhikang tapat sa bayan - gregoriovbituinjr. 09.19.2022

P20

Imahe
P20 bente pesos na roon ang kanin di bente pesos na kilong bigas ito na ang kalagayan natin mahal ang presyo ng bigas at gas mananatili lang bang pangako o iyon ay sadyang pambobola noong halalan, ngayon napako ang pinangako nila sa masa umasa kasi sa tusong trapo gayong di naman nila kauri kaya laging inuunggoy tayo ng mga hunyangong walang budhi ito'y isang mahalagang aral na kaakibat ng ating dangal - gregoriovbituinjr. 09.19.2022

Tahak, hatak, katha

Imahe
TAHAK, HATAK, KATHA aking tinatahak ang landasing di matingkala kung di batirin tila gagambang lumalambitin sa baging ng di mo akalain tila ba kung anong humahatak sa haraya't ginapangang lusak ang mga panggatong na sinibak ay malapit sa tungko nilagak habang kinakatha'y mga paksa ng manggagawa't anak-dalita ang bagyong di pa rin humuhupa sa kalunsuran ay nagpabaha - gregoriovbituinjr. 09.18.2022

Inihaw na tahong

Imahe
kaysarap ng inihaw na tahong na inihain sa aming pulong na mula sa dagat ng linggatong ng samutsaring paksang umusbong kung naroong mangga'y manibalang kung buwan ay maghulog ng sundang kung lumabas ang kawan ng balang kung gumagala'y may pusong halang kaysarap ng inihaw na tahong habang kayrami ng mga tanong iba'y pakitang-gilas sa dunong sa balitaktaka'y di umurong - gbj/09.18.2022

Alon

Imahe
pagyapak sa alon sa akin lumulon pagyakap ang tugon sa bawat nilayon - gbj/09.18.2022

Talukab at talukap

Imahe
TALUKAB AT TALUKAP ang talukab pala'y shell o kaha ng alimango o kaya'y tahong ang talukap ay takip ng mata o eyelid, odom o tabon-tabon dalawang salitang magkatugma na kapwa katinig na malakas pakinggan mo lamang ang salita upang kahulugan ay mawatas - gregoriovbituinjr. 09.17.2022 * mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 1217

Sobre

Imahe
nag-abot ng munting sobre ang pulubing nanghihingi nabigay ko'y pamasahe at lakad akong umuwi - gbj/09.16.2022

Kislap ng diwa

Imahe
kumikislap ang diwa nitong abang makata ideyang di mawala heto na't ginagawa sa kislap ng panulat ang masa'y minumulat habang sa puso'y bakat ang nabahaw na sugat - gbj/09.16.2022

Di pipi

Imahe
tahimik ako ngunit di pipi na basta sinasalya sa tabi may karapatan ding masasabi na hindi papayag magpaapi - gbj/09.16.2022

Pusang uhaw

Imahe
PUSANG UHAW sige lang, pusa, dapat matighaw ang iyong nararamdamang uhaw tubig baha man o galing kanal kung sa uhaw ay di makatagal buti naman at naiinom mo ang bigay ng kalikasang ito tubig mang mula ulan o bagyo ay makakatighaw ngang totoo habang ako nama'y nanonood na pagmasdan ka'y kinalulugod galing man ang tubig sa alulod ay nakainom kang di hilahod di ka tulad naming mamamayan na boteng tubig, bibilhin naman mahal man ang presyo'y babayaran mawala lamang ang kauhawan - gregoriovbituinjr. 09.13.2022 * nakunan ng bidyo ang pusang ito sa isang bangketang nadaanan ng makatang gala * tingnan ang bidyo sa  https://www.facebook.com/100076390892462/videos/758842921844382

Umaga umuga, umiga ang sapa

Imahe
UMAGA UMUGA, UMIGA ANG SAPA UMAGA  nang lindol naramdaman tila ba iyon na'y katapusan UMUGA  ang buong kalupaan hanap agad ay makakanlungan UMIGA  ang sapa't lalamunan ang mga hayop ay atungalan gunita sa isang lalawigan na gagawin ay di ko malaman lalo na't tila pinagsakluban na noon ng lupa't kalangitan ah, mag-ingat tayo, kababayan ang ganito'y ating paghandaan - gregoriovbituinjr. 09.13.2022

Tula sa kapayapaan

Imahe
Di ako nakadalo sa miting ng PAHRA (Philippine Alliance of Human Rights Advocates) ng 2pm. May kasabay, nakadalo ako sa miting ng grupong PAGGAWA (Pagkakaisa ng Uring Manggagawa) sa Diokno Hall sa CHR (Commission on Human Rights). Trade Union Action Day for Peace ng WFTU (World Federation of Trade Unions). Sa talakayan ay nakagawa ako ng tula, at nang ako'y tinawag ay binigkas ko ang sumusunod na tula: TULA SA KAPAYAPAAN Alay sa Trade Union Action Day for Peace kapayapaan, imperyalistang gera'y itigil ang buhay ng tao'y di dapat basta kinikitil digmaan ng mga bansa'y sinong makapipigil baka nuclear misayl, gamitin ng bansang sutil kaya nararapat lamang ang ating panawagan na baguhin ang bulok na sistema ng lipunan sa pangarap na mundo, hangad ay kapayapaan may kaginhawahan ang lahat, di lang ang iilan O, uring manggagawa, dapat tayong magtulungan tayo'y magkapitbisig, imperyalismo'y labanan ang mapagsamantalang kapitalismo'y wakasan ang sosyalismo'y taha...

Salin ng tulang Fragments of Olympian Gossip ni Nikola Tesla

Imahe
Mumunting Tipak ng mala-Olimpyang Tsismis Tula ni Nikola Tesla Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 16 pantig bawat taludtod Habang nakikinig ako / sa kosmikong telepono Nagagap ko’y sinalita / mula sa hanging Olimpya. Isang bagong dating yaong / lumitaw sa kaligiran; Kayrami kong mga hula, / akibat ang mga tunog. "Nariyan si Archimedes / na tangan ang kanyang pingga Abala pa ring lutasin / ang dati pang suliranin. Anya: ang bagay at lakas / ay nariyang nababago At mali ang mga batas / na tinging di nababago" "Sa ibaba, sa Daigdig, / gumagawa silang buong tindi Dumating ang mga ulat / nang malawaka’t mabilis. Pinakahuli’y nag-ulat / ng isang kosmikong baril. At ang mapukol ka na nga’y / kayhirap nang kasiyahan. Kaya anong ingat namin / sa kayraming nakataya, Peste ang mga pulubi — / na hindi pagkakamali.” “Anong sama, Sir Isaac, / katanyagan mo’y sinayang  At ang dakila mong agham / ay kanilang binaligtad Ngayon ang mahabang buhok / na lokong Einstein ang ngalan, Mga...