Mabuhay ang HUKBALAHAP! M abuhay ang Huk o Hukbong Bayan Laban sa Hapon A t kumilos upang palayain ang bayan noon B uhay ay inalay n'yo upang tuparin ang misyon U pang lumaya sa dayo ang inyong henerasyon H ukbo kayong dapat lang pagpugayan hanggang ngayon A ng kasaysayan ninyo'y dapat mabasa ng lahat Y inakap ninyong prinsipyo'y dapat laguming tapat A ral ng pakikibaka'y dapat makapagmulat N ang henerasyon ngayon ay malaman itong sukat G inawa ninyo't sakripisyo'y dapat lang isulat H ukbalahap, mabuhay ang obrero't magsasaka U gnayan n'yo sa masa'y tapat na pakikibaka K alayaan ang puntirya, masa'y inorganisa B urgesya't elitista'y kinalaban ding talaga A ng kasaysayan at saysay ninyo'y dapat mabasa L abis na pinasasalamatan sa pagsisikap A t pagkilos upang tuparin ang mga pangarap H ukbong bayang inalay ang buhay kahit maghirap A ng inyong ginawa'y pinasasalamatang ganap P agpupugay sa mga kasapi ng Huk...
nag-agawan ang mga sisiw sa ulo ng tuyo tila di nila malaman kung saan itatago ang tuyong natuka, baka maagaw pa't maglaho minsan ko lang kasi silang mapakain ng tuyo nakakatuwang pagmasdan ang kanilang takbuhan nagsawa ba sa patuka ang inaalagaan? o ispesyal ang tuyong nais nilang malasahan? na natira ko lamang nang kanina'y mag-agahan inulam ko'y tuyo, di kinain ang buong ulo hinaluan ko ng tutong ang patukang bigay ko patukang may kanin ay kinain ng mga ito ngunit di na pinansin nang sa tuyo'y magkagulo ang buhay ng sisiw ay nasusubaybayan na rin mula itlog pa sila't nilimliman ng inahin hanggang maging sisiw sila't bigyan ng tutukain at panoorin lang sila'y may bagong tutulain - gregbituinjr.
sa pader, anila, bandalismo'y pagdudumi lang na gawain ng walang magawa, may pusong halang ngunit anong istorya sa likod ng mga patlang bakit isyu ng bayan ang doon ay nakasalang bakit naman bandalismo'y napiling gawin nila? may dahilan kung bakit natin ito nakikita upang mabasa ng madla ang hinaing ng masa at mabasa ang di binabalita ng masmidya huwag mong laging tingnan kung bakit ito dumumi suriin mo rin anong nakasulat na mensahe bakit nasa pader ang sa masmidya'y di masabi alamin bakit hibik ng masa'y sinasantabi bandalismo'y armas ng pinagsasamantalahan, ng inaapi't ginigipit nating mamamayan sa pader pinagsasalita ang nasa isipan na di masabi't maulat ng masmidya sa bayan - gregbituinjr.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento