Coffee, tea or me?

COFFEE, TEA OR ME? SYEMPRE, IKAW NA 'TE!

minsang kasama si misis ay nag-deyt kami
magkaharap sa lamesa, di magkatabi
paskil sa kanyang likuran: Coffee, Tea, or Me?
aba'y syempre YOU sa kanya'y aking sinabi

pag di siya kasama, may pagpipilian
kape man o tsaa ay iinumin naman
subalit pag si misis na ang naririyan
na talagang pipiliin ko'y siya lamang

ah, kapara ko'y ang makatang si Balagtas
na nagsabi na noon: "Sa loob at labas
ng bayan kong sawi", ngunit ang nilalandas
ay pagsintang parang maong na walang kupas

- gregoriovbituinjr.
05.29.2023

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tamang gamit ng RITO at DITO

New Year 2026: Ikulong na 'yang mga kurakot!

Ang editorial cartoon ng The Manila Times