Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2024

Makatang Pinoy

Imahe
MAKATANG PINOY  kayraming makatang / dapat kilalanin kaya mga tula / nila'y babasahin pati talambuhay / nila'y aaralin upang pagtula ko'y / sadyang paghusayin at ngayon, naritong / binuklat kong sadya librong  Pag-unawa  /  sa Ating Pagtula na aklat ni  Rio  /  Alma , na makata Pambansang Alagad  /  ng Sining  sa bansa Francisco Balagtas, /  at  Lope K. Santos Marcelo del Pilar, / Benilda S. Santos Amado Hernandez, /  at  Benigno Ramos Teo Baylen, Jose / Corazon de Jesus Teo T. Antonio, /  at si  Vim Nadera Cirio Panganiban, /  at si  Mike Bigornia at si Alejandro / Abadilla  pala na pawang dakilang / makata talaga Elynia Mabanglo, / Lamberto Antonio pati si Joi Barrios, / at Rolando Tinio Rebecca't Roberto / Anonuevo  rito ay kahanga-hangang / makata, idolo si  Glen Sales, Joel / Costa Malabanan Sidhay Bahaghari , / kayrami pa naman Danilo C. Diaz , / bugtong ay sagutan maraming sal...

Lugaw na naman

Imahe
LUGAW NA NAMAN lugaw muli ang pagkain ni misis sa ospital, sa lugaw nagtitiis bawal muna sa kanya ang matamis o kaya'y maalat na parang patis aba'y pangtatlumpu't siyam na araw na namin ngayon, pagkain ay lugaw na pamatid-gutom sa araw-araw rasyon ng ospital, meron pang sabaw pinagandang tawag sa lugaw: congee warfarin diet sa kanya'y sinilbi sa umaga, tanghali hanggang gabi hanggang kalagayan niya'y bumuti pag nagsawa siya, ako'ng kakain kaysa mapanis, di ko sasayangin pagkat ito nama'y lamang tiyan din at laking tipid pa para sa akin bibilhin ko naman ang kanyang gusto basta sakit ay di lumalang todo paggaling niya'y pangunahin dito kaya nakabantay talaga ako - gregoriovbituinjr. 11.30.2024 * kinatha ngayong ika-161 kaarawan ni Supremo Gat Andres Bonifacio 

Nilay sa salawikain

Imahe
NILAY SA SALAWIKAIN nagtitipon ako / ng salawikain na marapat lamang / na pakaisipin baka makatulong / upang paghusayin ang buhay na iwi't / kalagayan natin magandang pamana / mula sa ninuno sa mga panahong / ang ilaw pa'y sulo mga aral yaong / kanilang nabuo kaya payo nila'y / kapara ng ginto yaong di lumingon / sa pinanggalingan di makararating / sa paroroonan ang mga bayani / pag nasusugatan ay nag-iibayo / ang kanilang tapang pag naaning mangga'y / sangkaterbang kaing ay alalahanin / ang mga nagtanim sa hapag-kainan / pag may haing kanin ay pasalamatan / kung sinong nagsaing kapag nagkaisa / tungo sa paglaya itong bayang api, / kakamti'y ginhawa pag ipinaglaban / ang mithing dakila ang ating kakampi'y / uring manggagawa ang isa mang tingting / madaling baliin ngunit maganit na / pag sandaang tingting halina't alamin / ang salawikain ng ating ninuno't / isabuhay natin - gregoriovbituinjr. 11.30.2024 * kinatha sa ika-161 kaarawan ni Supremo Gat Andres ...

Ang mamahalin at ang mumurahing saging

Imahe
ANG MAMAHALIN AT ANG MUMURAHING SAGING nakabili ako ng saging sa 7-11 pagkat nais ko'y panghimagas matapos kumain isa iyong lakatan subahil kaymahal na rin ngunit ayos lang sapagkat tiyan ko'y nabusog din hanggang mabasa ko ang isang ulat sa internet tungkol sa banana art na sa dingding ipinagkit na isinubasta at milyonaryo ang nagkamit presyo'y 6.2 million dollar, wala nang humirit tila sa kanya, presyo niyon ay napakamura gayong sa akin, yaong bente pesos na banana ay mahal na, talagang nakabubutas ng bulsa magkaibang uring minulan, sadyang magkaiba marahil ay pareho rin naman ang aming saging kung matamis sa kanya, matamis din ang sa akin ginawang banana art ang kanya kaya mahal din subalit kapwa may potassium din kapag kinain - gregoriovbituinjr. 11.30.2024

Ang makita ng makata

Imahe
ANG MAKITA NG MAKATA sa paligid ay kayraming paksa samutsaring isyu, maralita, dilag, binata, bata, matanda, kalikasan, ulan, unos, baha kahit mga karaniwang gawa ng magsasaka at manggagawa anumang makita ng makata tiyak gagawan niya ng tula tulad ng inibig niyang kusa sinta, madla, tinubuang lupa nasunugan, naapi, kawawa tutula siyang puno ng sigla pagkat buhay niya ang kumatha at kakatha siyang buong laya subalit di ang magpatirapa sa mapang-api, tuso't kuhila kung dapat, maghihimagsik sadya upang hustisya'y kamtin ng madla pluma niya'y laging nakahanda maging ang katawan, puso't diwa - gregoriovbituinjr. 11.30.2024 * kinatha sa ika-161 kaarawan ni Supremo Gat Andres Bonifacio

Pakner sa paglaya ng inaapi

Imahe
PAKNER SA PAGLAYA NG INAAPI Nobyembre 29 - International Day of Solidarity with the Palestinian People  minsan, pakner kami ni Eric pag may rali o kung may aktibidad tulad ng sa U.P. pag sinigaw namin:  From the River to the Sea! ay sasagot ang iba:  Palestine will be Free! kaya nga, ngayong  Nobyembre bente-nuwebe na International Day of Solidarity with the Palestinian People , kaisa kami nila na kalayaan yaong sinasabi habang sa uring manggagawa nagsisilbi sa bandilang Palestino, kami'y nag-selfie na isyu ng paglaya nila'y mapalaki at mapalayas ang mananakop na imbi ka Eric, mabuhay ka't pagkilos ay pirmi sana'y dinggin ng mundo ang ating mensahe mga kasama, makiisa tayo dine hanggang madurog ang anumang pang-aapi - gregoriovbituinjr. 11.29.2024 * kuha ang litrato sa unang araw ng Fight Inequality Alliance (FIA) Global Assembly mula Setyembre 4-7, 2024 sa UP Diliman

Pakikiisa sa mamamayang Palestino

Imahe
PAKIKIISA SA MAMAMAYANG PALESTINO naritong nagpupugay ng taaskamao sa lahat po ng mamamayang Palestino sa  International Day of Solidarity with the Palestinian People  ngayong Nobyembre nawa'y mapagtagumpayan ninyo ang laban mula sa panunupil ng kalabang bayan nawa lugar ninyo'y tuluyan nang lumaya at maitatag ang isang malayang bansa kami rito'y lubusan pong nakikiisa kami'y kasandig ninyo sa pakikibaka laban sa pagsasamantala't pang-aapi upang mananakop ay tuluyang iwaksi magkasangga tayo sa lipunang pangarap na wala nang kaapihan sa hinaharap lipunang makatao'y dapat maitayo at dapat maitatag sa lahat ng dako - gregoriovbituinjr. 11.29.2024 MABUHAY ANG MGA PALESTINO! Nobyembre 29 - International Day of Solidarity with the Palestinian People 

Ang galas pala'y mapulang lupa

Imahe
ANG GALAS PALA'Y MAPULANG LUPA may  Mapulang Lupa  sa  Las Piñas sa bandang  Sampaloc  ay may  Galas naalala ngayon at nawatas dalawang lugar pala'y parehas ng kahulugan, aking nalaman mula sa isang palaisipan sa tanong sa  Talumpu Pahalang na tunay na dagdag-kaalaman ang galas pala'y mapulang lupa na marahil sinasakang sadya upang magkapalay na dakila upang gawing bigas nitong madla wala ako ritong diksyunaryo pagkat nasa ospital pa ako buti'y may krosword akong narito may natutunan na namang bago - gregoriovbituinjr. 11.29.2024 * krosword mula sa pahayagang Abante, Nobyembre 24, 2024, p.7

Balagtas mula bagtas, kalamyas mula kamyas

Imahe
BALAGTAS MULA BAGTAS, KALAMYAS MULA KAMYAS Sa lalawigan ni Itay sa Batangas, ang tawag sa bungang KAMYAS ay KALAMYAS na madalas isahog sa sinaing na tulingan. Nadagdagan ng "la" ang KAMYAS. Kumbaga, ang kamyas sa Maynila ay kalamyas sa Batangas. Ang aking ama'y mula sa Balayan kung saan palasak ang sinaing na tulingan. Ang kalamyas na pinatuyo mula sa pagkabilad sa araw ang paborito kong papakin sa sinaing na tulingan. Mas napansin ko ang paggamit sa "la" ngayon nang talakayin ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario na ang BALAGTAS ay mula sa salitang BAGTAS. Tulad din ng kalamyas na nadagdagan ng "la" sa salita. Binabasa ko ang aklat na Kulo at Kolorum ni Almario, pahina 31, at nabanggit niya iyon. Ayon sa kanya, "Una, dahil isang totoong Tagalog na salita ang  "balagtas" - varyant ng "bagtas"   at katumbas ng shortcut natin sa Ingles. Ikalawa, bahagi ng kadakilaan ng Florante at Laura ang idinulot...

Pananghalian sa ospital

Imahe
PANANGHALIAN SA OSPITAL pananghalian dito'y gulay, isda't lugaw ayaw kumain ni misis, siya'y busog daw natulog siya't ibibili ko mamaya ng kanin at ulam na gusto niyang sadya gulay, isda't lugaw ay aking kakainin kaysa masira't ayokong ito'y sayangin kahit ito'y lugaw, lamang tiyan din ito may gulay pa at bangus na uulamin ko ganyan minsan ang buhay dito sa ospital habang nakabantay sa aking minamahal asam kong gumaling na siya't magpahinga at kanyang hemoglobin sana'y magdose na wari ko'y nasa piketlayn o bilangguan may rasyong pagkain laban sa kagutuman gulay, isda't lugaw man, huwag maliitin dahil laking tipid kaysa labas kumain - gregoriovbituinjr. 11.28.2024

Pagbabasa sa ospital

Imahe
PAGBABASA SA OSPITAL ikatatlumpu't pitong araw sa ospital animo'y tahanan ng higit isang buwan dito na naghahapunan, nag-aalmusal nagbabawas, labahan, liguan, tulugan umuwi akong bahay, saglit na lumabas at ang aking mga libro'y agad kinuha bumalik ng ospital at sa libreng oras hanggang hatinggabi ako'y nagbasa-basa kwaderno't panulat ay laging nakahanda upang itala anumang nasok sa isip sumagot ng palaisipan at tumula paksa sa binasang aklat ay nililirip lalo't ang pinayo ko sa aking sarili basahin ang anuman, maging kasaysayan baka may matutunan at magmuni-muni habang nagbabantay pa rin sa pagamutan - gregoriovbituinjr. 11.28.2024

Lugaw

Imahe
LUGAW nakasanayan ko nang kumain ng lugaw na pagkain ng pasyente sa pagamutan na pag ayaw ni misis at ako ang bantay lugaw yaong siya ko namang lalantakan kay misis ay may pagkaing para sa kanya habang ako'y sa labas bibiling pagkain sa ospital naman ay mayroong kantina na sa araw-gabi, ako'y doon kakain sa kanyang tiyan si misis muna'y alalay dahil kasi baka mabigla ang sikmura sistema'y warfarin o pagkaing ospital na pag di naubos sa akin ibibigay sanay na akong maglugaw na dati'y hindi upang di masayang ang pagkaing narito buti't ang tiyan ko'y di naman humahapdi naglulugaw man, nabubusog ding totoo - gregoriovbituinjr. 11.27.2024

Pagbaka para sa alternatiba

Imahe
PAGBAKA PARA SA ALTERNATIBA ano nga bang alternatiba sa kapitalismo? paano itatayo ang lipunang makatao? sino ang dapat kumilos upang mangyari ito? bakit dapat manguna rito'y ang uring obrero? ah, kayrami kong katanungang dapat pagnilayan mabuti't may mga pagtitipong nadadaluhan na pinag-uusapan ay sistema ng lipunan na mga kasama'y tibak na tagaibang bayan lumaki na ako sa lansangan at nagrarali at inaaral paano sistema'y makumpuni kung saan walang pagsasamantala't pang-aapi kaya patuloy ang pagkilos sa araw at gabi halina't masdan ang paligid at tayo'y magnilay sistemang bulok ay paano wawakasang tunay dapat may alternatiba, pagkakapantay-pantay walang mahirap, walang mayaman, patas ang buhay - gregoriovbituinjr. 11.26.2024 * notbuk at bolpen ay mula sa dinaluhang Fight Inequality Alliance (FIA) Global Assembly noong Setyembre 4-7, 2024 sa UP Diliman

No right turn, di agad makita

Imahe
NO RIGHT TURN, DI AGAD MAKITA natatakpan ng haligi ang karatula "no right turn on red signal" , di agad makita buti kung ang drayber ay mabilis ang mata sa kanan ay di agad liliko talaga wala bang ginawa ang mga awtoridad upang karatula'y iwasto at ilantad habang trapik ay patuloy na umuusad paumanhin kung ito'y napuna't nilahad habang napadaan sa isang interseksyon ay nakunan ko lamang ng litrato iyon paglabas ng ospital nang madaan doon ngunit di ko na tanda ang lugar na iyon ang nasabing karatula sana'y ayusin ipwesto ng tama kung saan mapapansin - gregoriovbituinjr. 11.25.2024 * litrato ng makatang gala sa isang intersekyong di niya kabisado

Tabletas

Imahe
TABLETAS kailangan ng tabletas na ipainom kay misis sa noo ko'y mababakas ang kanyang ipinagtiis alas-sais ng umaga tabletas na'y iinumin pagkatanghali'y meron pa hapon hanggang takipsilim tuloy ang pangangalaga kahit na kulang ang tulog mahalaga'y may magawa nang si misis ay lumusog sana'y bumuti ang lagay at lumakas siyang tunay - gregoriovbituinjr. 11.25.2024

Nilay

Imahe
NILAY nais kong mamatay na lumalaban kaysa mamatay lang na mukhang ewan ang mga di matiyaga sa laban ay tiyak na walang patutunguhan minsan, pakiramdam ko'y walang silbi sa masa pag nag-aabsent sa rali tila baga ako'y di mapakali kung kikilos lang para sa sarili ngunit ngayon ako'y natitigagal pagkat sa rali ay di nagtatagal pagkat nagbabantay pa sa ospital dahil may sakit pa ang minamahal siya muna ang aking uunahin at titiyaking mainit ang kanin mamahali't aalagaan pa rin sana siya'y tuluyan nang gumaling - gregoriovbituinjr. 11.24.2024

Dapat nang kumayod

Imahe
DAPAT NANG KUMAYOD kumayod, magtrabaho't maging sahurang alipin mga solusyon sa problema'y dapat hagilapin ang buhay ko'y balintuna, aktibista, makata kaysipag tumula gayong walang pera sa tula sa masa'y kumikilos kahit na walang panustos walang pribadong pag-aari, buhay ay hikahos ang ginagawa'y Taliba, tumula't magsalaysay kumatha ng mga kwento't pagbaka'y sinabuhay ngunit ngayon, nahaharap sa problemang pinansyal mga ipon ay di sapat pambayad sa ospital naging tao nang nananalasa'y kapitalismo kumilos upang lipunan ay maging makatao subalit dapat kumayod, paano magkapera ng malaki't may ipon para sa emerhensiya hindi upang yumaman, kundi may ipampagamot kalusugan ay lumusog, at mapatay ang salot subalit sinong tatanggap sa akin sa pabrika? maitatago ko ba ang pagiging aktibista? maglako o magtinda ng gulay o kaya'y taho upang makaipon lang, aba'y di iyon malayo - gregoriovbituinjr. 11.23.2024

Sa ika-32 araw sa ospital

Imahe
SA IKA-32 ARAW SA OSPITAL di pa kami nakalabas dito sa pagamutan walang pambayad, naghahagilap pa ng salapi ngunit hemoglobin ni misis ay kaybaba naman kaya tuloy ang gamutan, isa iyon sa sanhi mahal magkasakit, ah, kaymahal ding maospital mga naipong salapi'y ginastos nang tuluyan ako na'y ligalig, parang hangal, natitigagal kung anong gagawin ng isang tibak na Spartan na nagdurusa sa ilalim ng kapitalismo kaya tumpak lang baguhin ang bulok na sistema ngayon nga'y sinaliksik at binabasa-basa ko yaong akda kina Norman Bethune at Che Guevara anemik, kaybaba ng dugo, paano paglabas ang hemoglobin niya'y paano magiging normal imbes dose ay siyete, paano itataas upang paglabas sa ospital, siya'y makatagal isa itong panahong punong-puno ng pasakit at palaisipang dapat lapatan ng solusyon ako'y sadyang naliligalig na't namimilipit parating na ba ako sa kalagayang depresyon - gregoriovbituinjr. 11.23.2024 * mapapanood ang bisyo sa kawing na:  https://www.facebook.c...

Warfarin

Imahe
WARFARIN tila mula sa warfare ang warfarin at kasintunog naman ng 'war pa rin' ngunit ito'y sistema ng pagkain sa ospital anong wastong kainin lalo kay misis, sakit ay kaiba na may namuong dugo sa bituka na doktor ay nabahala talaga kaya kaagad siyang inopera walang kain ng isang linggong higit hanggang unti-unti kumaing pilit di tulad ng kinakaing malimit binigay sa kanya'y warfarin diet pwede lugaw, walang kanin at manok no dark colored, malambot ang malunok may paliwanag bawat tray na alok dapat maunawa, ito'y maarok warfarin, sa bituka yaong digma upang pagalingin ito ng sadya sa pagkain sistema'y tinatama unti-unti, sakit ay mapahupa - gregoriovbituinjr. 11.22.2024

Krosword na Ingles, nasagutan din

Imahe
KROSWORD NA INGLES, NASAGUTAN DIN inaamin ko, nagsaliksik ako sa internet, pagkat sinagutan ko ang palaisipan ng  The New York Times na nalathala sa  The Manila Times krosword sa Ingles ay nabuo ko rin interes dito'y nabigyan kong pansin sa tulong ng internet sayt na  DanWord ay nasagutan ang Ingles na krosword habang nagbabantay pa sa ospital at kalamnan ko't diwa'y napapagal sudoku't krosword na'y naging libangan at Ingles na krosword ay natsambahan di ko akalaing ito'y magawa pagkat sa Pinoy krosword lang nahasa naglilibang sa ganitong panahon bantay kay misis magdamag, maghapon - gregoriovbituinjr. 11.21.2024 * palaisipan mula sa The Manila Times, Nobyembre 21, 2024, p.C3

Book Sale

Imahe
BOOK SALE laking  National  at laking  Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwili ngunit may ulat na magsasara ang  Book Sale  na aking kinalakhan sa  MegaMall , pwesto'y nalipat na sa  Letre 'y   tinanggal nang tuluyan sa  Farmers  at  Fiesta Carnival ang  Book Sale  pa nila'y nakatayo sana patuloy sila't magtagal  sila'y umiral pa't di maglaho sa pagbabasa ako nag-ugat kaya salamat sa mga libro lalo sa  Book Sale , mura ang aklat binili't binabasa-basa ko - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * dalawang unang litrato mula sa mga balita sa fb * ikatlong litrato ay kuha ng makatang gala sa isang Book Sale branch

Paalam, Aegis Mercy Sunot

Imahe
PAALAM, AEGIS MERCY SUNOT taginting ng boses mo'y nanunuot sa puso't diwa'y di nakababagot tinig mong kapanatagan ang dulot subalit wala ka na,  Mercy Sunot kami'y taospusong nakikiramay  sa pamilya mo, O, idolong tunay sa Aegis, taospusong pagpupugay sa mga narating ninyo't tagumpay mula nang mapakinggan ko ang  Aegis hinanap ko na ang awit n'yo 't boses ginhawa sa puso'y nadamang labis bagamat nawala na ang vocalist  subalit mananatili ang tinig sa aming henerasyon nagpakilig Mercy , patuloy kaming makikinig sa inyong awit at kaygandang himig - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * litrato mula sa isang fb reel

Meryenda

Imahe
MERYENDA hopya ang nabili ko sa 7/11 sa tapat ng ospital upang meryendahin may handa namang pagkain sa silid namin pag di kinain ni misis, akong kakain anumang sandali, pag ako'y nagutom na maghahanap na ako kung anong meryenda iiwang walang bantay si misis tuwina lalabas ng ospital, tawid ng kalsada pangdalawampu't siyam na araw na rito mamaya, gagawin sa kanya'y panibago endoscopy at colonoscopy raw ito na sana sa colon cancer ay negatibo animo, hopya yaong sa amin ay saksi sa kwartong iyon, hopya ang aking kakampi habang di palagay, sa ligalig sakbibi di panatag ang loob sa araw at gabi - gregoriovbituinjr. 11.20.2024

Pagngiti

Imahe
PAGNGITI palaging ngumiti, ang payo sa cryptogram na isang palaisipan sa pahayagan dahil bĂşhay daw ay isang magandang bagay at kayraming dapat ngitian nating tunay cryptogram ay sinasagutan sa ospital habang nagbabantay sa asawa kong mahal higit tatlong linggo na kaming naririto bukod sa pagtula, libangan ko'y diyaryo ang pinayo ni  Marilyn Monroe  sa atin tayo'y laging ngumiti, oo,  Keep Smiling subalit sa sakit ni misis ba'y ngingiti ngingiti sa labas, loob ay humihikbi makahulugan ang payo ng seksing aktres ngumingiti ako pag kaharap si misis upang ngiti rin niya'y aking masilayan kahit siya'y nasa banig ng karamdaman - gregoriovbituinjr. 11.19.2024 * "Keep smiling, because life is a beautiful thing and there's so much to smile about." ~ Marilyn Monroe * larawan mula sa pahayagang Philippine Star, Nobyembre 19. 2024, pahina 9

Barya lang po sa umaga

Imahe
BARYA LANG PO SA UMAGA nakasulat: /  barya lang po  /  sa umaga habang aking / tinatanaw / ang pag-asa na darating / din ang asam / na hustisya lalo't iyon / ang pangarap / nitong masa habang sakay / ng traysikel / ay nagtungo roon upang / tupdin yaong / pinangako naglilingkod / pa ring buo / ang pagsuyo inaasam / na di basta / lang maglaho mapanatag / ang kanilang / puso't diwa sa maraming / isyu't asam / ay ginhawa kasama ng / maralita't / manggagawa kapitbisig / sa layunin / at adhika may  "feet off please"  / pang kanilang / bilin dito kaya ito'y / sinunod ko / ngang totoo buti't bulsa'y / may barya pang / naririto pinambayad / sa drayber ng / sinakyan ko - gregoriovbituinjr. 11.19.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/vXzAaYN0fk/  

Sa mga nag-ambag ng tulong

Imahe
SA MGA NAG-AMBAG NG TULONG sa panahong ito ng kagipitan ay naririyan kayong nag-ambagan nagbigay ng inyong makakayanan nang lumiit ang aming babayaran magmula petsa Oktubre Bente Tres nasa ospital na kami ni misis na sa kanyang sakit ay nagtitiis dal'wampu't pitong araw na, kaybilis bagamat nangyari'y nakaluluha sakit ay tinitiis niyang sadya ay gagawin ko ang kayang magawa upang sakit niya'y di na lumala tulad ng paghinging tulong sa inyo pati paglalakad ng dokumento sa mga pulitiko, PCSO sa ibang malalapitang totoo sa lahat ng nag-ambag ng tulong po pasasalamat nami'y buong-buo nang si misis sa sakit ay mahango pasasalamat nami'y taospuso - gregoriovbituinjr. 11.18.2024

Dagdag dugo muli

Imahe
DAGDAG DUGO MULI mababa na naman ang kanyang hemoglobin  di pa abot ng otso, nasa syete pa rin dapat ay dose, ang normal na hemoglobin  kaya isang bag pa ng dugo'y isinalin pandalawampu't limang araw namin doon sa ospital, at nagninilay pa rin ngayon  bakit ba laging mababa ang antas niyon kaya ngayon, muling ginawa'y blood transfusion  umaasa pa ring gagaling din si misis mula sa sakit niyang kaytagal tiniis problemang kinakaya kahit labis-labis animo'y tinik sa dibdib na di maalis kalagayan ni misis nawa'y bumuti na at hemoglobin niya'y mag-normal na sana - gregoriovbituinjr. 11.17.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/vVGAOey08J/  

Palaisipan at payo

Imahe
PALAISIPAN AT PAYO lahat ng problema'y may kasagutan kumbaga sa tanong, sinasagutan tulad din ng mga palaisipan salita'y hanapin ang kahulugan nagpapayo sa mga problemado bata, matanda, karaniwang tao bigyang tugon ang mga tanong nito na pinag-iisipan ding totoo sa payo't palaisipan, salamat pagkat kayrami nang nadadalumat samutsaring damdamin, dusa, sumbat ligalig, lungkot, paghihirap, gulat tara, krosword ay atin ding laruin pagkat ito'y malaking tulong na rin baka payo nila'y payo sa atin talastasan itong dapat alamin - gregoriovbituinjr. 11.17.2024 * litrato mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Nobyembre 17, 2024, p.10

Pagtula habang nasa ospital

Imahe
PAGTULA HABANG NASA OSPITAL inaaliw ko ang sarili sa pagtula sa ospital, kay misis ay nagbabantay pa dito sa silid ay maraming nakakatha suwero, higaan, pagkain, medisina pati na samutsaring terminong medikal ay nababatid pag doktor ay pinakinggan na mga salitang ngayon ay inaaral at aking isinasalin sa panulaan ano ang blood clot, blood transfusion, blood extraction infection of blood, bakit malapot ang dugo matindi rin ang lagi niyang menstruation  na madalas sa pad ang dugo'y buo-buo bituka'y barado, inoperahan siya hemoglobin niya'y syete, imbes na dose rare case, ang sabi ng mga doktor sa kanya nakikinig na lang ako't walang masabi - gregoriovbituinjr. 11.17.2024

Sputum at rectum

Imahe
SPUTUM AT RECTUM maraming terminong medikal ang natutunan sa ospital halimbawa nito'y sputum at laging narinig na rectum na plema pala ang sputum habang rectum naman ay tumbong sinusuri ang ihi't dumi anong kulay ng plema't tae naalala ko sa sputum at rectum ang Rerum Novarum na noon pa'y nababatid ko sulat ng Papa sa obrero kaya sa tagal sa ospital kayraming salitang medikal ang akin nang natututunan lalo't ospital na'y tahanan iyang thrombosis of the portal splenic and mesenteric veins acquired hospital pneumonia bacteria, anemia, mayoma blood extraction , mga termino pang ngayo'y inuunawa ko habang nakabantay kay misis na sa sakit ay nagtitiis - gregoriovbituinjr. 11.17.2024

Hustisya sa biktimang taga-UP

Imahe
HUSTISYA SA BIKTIMANG TAGA-UP kahindik-hindik ang nangyari sa isang staff mula UP na dahil sa bugbog at palo buhay ng biktima'y naglaho nobyo ang pangunahing suspek biktima'y nagtamo:  traumatic  blunt injuries  sa dibdib, leeg balitang nakapanginginig nasabing magkatipang iyon  magkasama raw sa La Union bago pa umakyat ng Benguet subalit nangyari'y kaylupit  ang sigaw natin ay hustisya hustisya'y kamtin ng biktima katarungan sa binibini hustisya sana'y hindi bingi - gregoriovbituinjr. 11.15.2024 * ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Nobyembre 15, 2024, pahina 1 at 2

Ang kadakilaan, ayon kay Mike Tyson

Imahe
ANG KADAKILAAN, AYON KAY MIKE TYSON  dalawang larawan ang naroong ipinakita si  Floyd Mayweather  na bodyguard ang mga kasama at si  Manny Pacquiao  na napalibutan ng masa  habang nasa gitna yaong sinabi ni  Mike Tyson hinggil sa kadakilaan, kaygandang laman niyon na pag pinagnilayan mo'y kaybuting nilalayon sinong dakila, sino nga ba ang tunay na baliw anang isang awiting Pinoy na nakakaaliw at mababatid sa masa sino ang ginigiliw si  Mike Tyson  ang isa sa mga iniidolo sa heavyweight ng isports na boxing sa buong mundo  sinabi niyang iyon ay pinagtiwalaan ko na ang pagiging dakila'y pagkilala ng bayan at di pagsanggalang ng sarili sa mamamayan salamat,  Mike , sa kahulugan ng kadakilaan  - gregoriovbituinjr. 11.16.2024 * litrato mula sa fb page ng Boxing TV * Mike Tyson: "Greatness is not guarding yourself from the people; greatest is being accepted by the people."

Laro sa app game ng selpon

Imahe
LARO SA APP NG SELPON habang nagbabantay sa ospital  sa selpon ay naglalaro ng app nang di mainip o matigagal madaling araw o gabing ganap pinaglalaro muna ang isip di makatulog, nais humimbing kung anu-ano ang nalilirip na nais tulain habang gising nagninilay habang naglalaro habang minsan ay nakatulala sa laro't utang ba'y mahahango isipin anong dapat magawa  at pag may nanilay sa maghapon ay tiyak may tulang laan doon  - gregoriovbituinjr. 11.16.2024 * litrato mula sa app game na Twisted Rope, Level 29

Banderang Tad-Balik

Imahe
BANDERANG TAD-BALIK sa isang rali ko iyon nakunan baliktad ang watawat ng samahan pinuna agad ang mga may tangan kaya agad nilang inayos naman baka sa rali nababaguhan pa sa init ng araw pinayong nila unang beses tumangan ng bandera subalit handa sa pakikibaka  sila'y pinakiusapan lang natin di sinigawan maging sila'y lumpen ang mahalaga sila'y nakinig din silang kaisa sa ating mithiin baliktad man yaong sa KPML ang layunin nila'y di mapipigil na sa puso't diwa nakaukilkil  na ang bulok na sistema'y masupil - gregoriovbituinjr. 11.16.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa isang rali sa Commonwealth Avenue, Lungsod Quezon, kasabay ng panawagang Climate Emergency, Nobyembre 15, 2024 ng umaga * KPML - Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod

Ligalig

Imahe
LIGALIG  Kahapon, Nobyembre 13, alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay nagtungo na ako sa Lung Center sa Quezon Avenue upang pumila sa PCSO. Hihingi sana ako ng tulong sa PCSO dahil malaki na ang hospital bill sa ospital. Nakaratay si misis doon. Subalit sabi ng gwardya, wala na ang PCSO roon since pandemic. Nabigla ako. Saan lumipat, tanong ko. Sa Shaw Blvd sa Mandaluyong. Kaya agad akong lumabas sa Lung Center, sumakay ng dyip hanggang Edsa. Agad sumakay ng MRT patungong Shaw Blvd. Pagdating sa Manuela na ngayon ay Star Mall, sa terminal ng dyip, tinanong ko sa driver saan ang PCSO. Mga 250 meters lang, pwede mong lakarin. Ah, kaya hindi na ako sumakay ng dyip. Nilakad ko na lang. Hanggang matanaw ko ang gusaling may malaking nakasulat na PCSO. Pasadong alas-singko na ako nakarating. Pinadaan ako sa likod ng PCSO, habang may gwardya rin sa harap. Nabigyan ako ng guard ng stub number 4. Ibig sabihin, pang-apat ako sa pila. Sinabi rin ng guard na walang walk-in. Nakupo. walk-in ak...

Pabahay at karapatan, pinaglaban ni Ka Edwin

Imahe
PABAHAY AT KARAPATAN, PINAGLABAN NI KA EDWIN mahahalagang isyu ang ipinaglaban ni Ka Edwin: ang pabahay at karapatan nais niya'y maayos na paninirahan at maitayo ang makataong lipunan di dapat maagrabyado kahit dukha man mga nanay ng na-EJK, tinulungan naaapi'y tinuruan ng karapatan ipinaglaban ang hustisyang panlipunan mabuting kakosa, mabuting kaibigan sa mga nakasalamuha n'yang lubusan sa PhilRight, ZOTO, KPML, PLM man TFD, Ex-D na kanyang pinamunuan taaskamaong pagpupugay, comrade Edwin daghang salamat sa pinagsamahan natin sa marami, bayani kang maituturing mga pinaglaban mo'y itutuloy namin - gregoriovbituinjr. 11.12.2024 * ito ang ikalawang tulang binasa ng makatang gala noong lamay ng Nobyembre 12, 2024 * kuha ng isang kasama ang litrato sa isang pulong ng Ex-D sa Sampaloc, Maynila * EJK - extrajudicial killings * ZOTO - Zone One Tondo Organization * KPML - Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod * PLM - Partido Lakas ng Masa * TFD - Task Force Detainees (o...

Infusion complete

Imahe
INFUSION COMPLETE pag tumunog na ang aparato "infusion complete" , ang sabi rito ang nars ay agad tatawagin ko dextrose na'y tatanggaling totoo kayraming suwerong nakakabit kay misis, tila paulit-ulit mga pasa sa braso'y malimit turok dito't doon, anong sakit patuloy lang akong nagbabantay sa ospital, dito naninilay ang maraming tula't bagay-bagay sana'y gumaling na siyang tunay pandalawampu't isang araw na namin sa ospital, umaasa akong siya'y gagaling talaga sa sakit na dinaranas niya - gregoriovbituinjr. 11.12.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/vOmcTYVzly/  

Pagpupugay kay kasamang Edwin

Imahe
PAGPUPUGAY KAY KASAMANG EDWIN taaskamaong pagpupugay, comrade Edwin na higit dalawang dekada ang nagdaan noong dumalaw kayo ni Omar sa akin habang hinihimas ko'y rehas sa piitan tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon sa piitan tayo unang nagkakilala hanggang dumating din ang asam na panahon  ng paglaya't muling naging lingkod ng masa  sa Ex-D Initiative, ako'y niyaya mo sa grupo ng dating political prisoners at doon kumilos, aktibong naging myembro sigaw natin:  Free All Political Prisoners! pagpupugay, Ka Edwin, sa iyong pagpanaw  isa kang inspirasyon sa mga kauri ang mga nagawa mo'y magsisilbing tanglaw  paalam, Kasamang Edwin, hanggang sa muli - gregoriovbituinjr. 11.12.2024

Congrats, Aielle Aguilar, Edad 7

Imahe
CONGRATS, AIELLE AGUILAR, EDAD 7 pagpupugay kay  Aleia Aielle Aguilar na nagwagi sa  World Jiu-jitsu Festival sa Abu Dhabi , siya'y edad pito pa lang naging kampyon, pinakita ang kahusayan siya ang pinakabatang  three-time world champion talagang ginapi ang nakalaban doon sa Kids 2-Gray Belt ay wala nang nakalaban kaya umakyat sa mas mabigat na timbang anang ulat, mula labingsiyam na kilo ay umakyat ng tatlong kilo at tinalo ang mga kalaban at ganap na inangkin ang ikatlong titulong pandaigdigan din kaya sa batang kampyon, halina't magpugay na sa kanyang larangan ay napakahusay - gregoriovbituinjr. 11.11.2024 * ulat at litrato mula sa pahayagang Abante, Nobyembre 11, 2024, pahina 11