Naninilay
NANINILAY baka magdyanitor na sa ospital paraan ng pagbabayad ng utang para lang kay misis na aking mahal para may iambag kahit munti man lahat ngayo'y pagbabakasakali upang matamo lamang ang paggaling ni misis, na asam ko't minimithi para sa kanya, anuma'y gagawin ayokong sa sinuman ay lumuhod baka ngayon lang, ito'y gagawin ko magpatirapa at maninikluhod sa sinumang may salaping totoo ako kaya'y tatanggaping artista tulad ni Palito, parang kamukha di rin Lito Lapid o FPJ ba comedy ba'y mapapasok kong sadya bayarin nga'y sadyang nakakabaliw wala pa ang nobela kong gagawin di ko na alam paano maaliw sunod na hakbang, iniisip pa rin - gregoriovbituinjr. 04.13.2025