ANG TAMANG GAMIT NG RITO AT DITO "Bawal Umihi Rito" ang nakita kong paalala sa isang pader sa T. Alonzo St. sa Baguio City, malapit sa Baguio Center Mall. Wow! Karaniwan nang nakikita ko sa kinalakhan kong Maynila, ang nakasulat ay "Bawal Umihi Dito." Mas tumpak ang paalala sa Baguio City. Talagang batid nila ang turo mula sa Balarila ng Wikang Pambansa, na sinulat ng lider-manggagawa at nobelistang si Lope K. Santos. Ayon sa Balarila, ginagamit ang RITO kung ang sinundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel), tulad ng "Bawal Umihi Rito", subalit kung nagtatapos sa katinig (consonant), ang ginagamit na ay DITO. Halimbawa, "Bawal Tumawid Dito", at hindi "Bawal Tumawid Rito." Gayon din ang gabay sa paggamit ng RIN at DIN, RAW at DAW, ROON at DOON, RINE at DINE, RIYAN at DIYAN, atbp. Nang mapadaan ako sa paalalang iyon sa pader sa Baguio, hindi ako nakaamoy ng mapalot o mapanghi, na ibig sabihin, sinusunod iyon ng mga tao, at walang...
NEW YEAR 2026: IKULONG NA 'YANG MGA KURAKOT! alas dose na pala, bigla akong bumalikwas pagkat nagpuputukan na't kay-ingay na sa labas wala mang paputok o torotot na ilalabas may boses akong ipinang-ingay din ng malakas sinabayan ko ng sigaw ang ingay ng paputok isinigaw ko'y: Ikulong na 'yang mga kurakot! inihiyaw upang baguhin ang sistemang bulok at panagutin ang mga kawatan at balakyot pagpupugay sa lahat ng mga nakikibaka upang lipunang makatao'y itayo talaga upang mandarambong ay mapanagot na ng masa upang baguhin ng bayan ang bulok na sistema ang sinigaw ko na ang aking New Year's Resolution tuloy ang laban, tuloy ang kilos at ang pagbangon lahat ng mga kurakot ay dapat nang makulong di lang dilis kundi mga pating na mandarambong - gregoriovbituinjr. 01.01.2026 * mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/r/1Zy6Mr7RfD/
ANG EDITORIAL CARTOON NG THE MANILA TIMES tingni yaong editorial cartoon ng The Manila Times , anong nar'on nag-apiran pa at nalulugod ang narco-politician at drug lord subalit wala na sa palasyo ang nadakip na dating pangulo anong kanilang ikinatuwa? tila sa kural ba'y nakawala? editoryal ay parang sinabi tama ang ginawa ni Duterte sa kanyang gera laban sa droga wastong pinaslang ang durugista subalit kayrami nang nautas kahit walang proseso ng batas kayraming mga inang lumuha at buhay na kay-agang nawala may warrant of arrest ang ICC sa kasong crime against humanity buti si Duterte, may due process ang dukha'y pinaslang nang kaybilis - gregoriovbituinjr. 03.13.2025 * litrato mula sa The Manila Times, Marso 13, 2023, p.A4 * ICC - International Criminal Court
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento