Pagtatása at Pagtatasá (Assessment and Sharpening)
PAGTATÀSA at PAGTATASÁ (Assessment and Sharpening) pag natapos ang plano at mga pagkilos ay nagtatàsa o assessment nang maayos kung ang pagtatasá o sharpening ba'y kapos? at nakinabang ba ang tulad kong hikahos? kaya mahalaga ang dalawang nabanggit kung pagtatása o sharpening ba'y nakamit? sa pagtatasá o assessment ba'y nasambit? anong mga aral ang dito'y mabibitbit? mga plinano'y di dapat maging mapurol sa planong matalas, di sayang ang ginugol sa assessment ba'y ano kayang inyong hatol? buong plano ba'y naganap? wala bang tutol? tingnan mo lang ang tuldik sa taas ng letra at ang salita'y mauunawaan mo na kayâ ngâ ang pagtatása at pagtatasá sa bawat organisasyon ay mahalaga - gregoriovbituinjr. 12.12.2025