Nilalagnat na daigdig
NILALAGNAT NA DAIGDIG nilalagnat na rin ang tahanan nating daigdig marami na ring sa COVID-19 ay nangalupig kaya magbayanihan na tayo't magkapitbisig upang ang karamdamang ito'y di tayo madaig marami na'y nilalagnat ngunit di matingkala kung kailan ang pananalasa nito'y huhupa sarili na'y ikinukulong upang di mahawa at di na makahawa kung may sakit nang malala tama namang uminom ng tubig upang di mauhaw tama rin namang minsan sa alkohol ka maghinaw at tama rin namang laging magsabon ka't magbanlaw huwag lang magkasakit na dama'y tila balaraw kailangan ng lakas nina Hercules at Atlas upang daluhungin ang salot na di pa malutas at kuyom man ang kamao'y naghahanap ng lunas upang sakbibi ng sakit ay tuluyang maligtas - gregbituinjr.