Mga Post

Balantukan

Imahe
BALANTUKAN nakangiti ngunit naghihirap ang kalooban pilit tinatago ang sugat na nararamdaman kunwari'y masaya pag siya'y kaharap mo naman minsan, makwento, madalas tahimik, siya'y ganyan nang masawi sa pag-ibig, kunwa'y di apektado dinadaan lang sa tawa ang pagkabigong ito subalit tuwing gabi'y inom doon, toma dito animo ang nalasap na pagkabigo'y seryoso tila sugat na balantukan ang kanyang kapara akala'y naghilom sa labas ngunit sariwa pa ang sugat sa loob kahit kita mong nagpilat na sa kabila ng lahat, nakangiti pa rin siya ilan sa atin ang ganyan, tinatago ang hapdi o sakit na nararamdaman at nakakangiti pagkabigo ba'y tanggap na't magbabakasakali sa ibang kandungan, dama pa man ang pagkasawi payo sa kanya'y marami pa namang babae baka makahanap ng bago't muling dumiskarte sinunod niya ang payo kaysa siya'y magbigti at mahahanap din ang iibig na binibini - gregoriovbituinjr. 09.01.2021

Panapin-sa-init

Imahe
PANAPIN-SA-INIT kabibili ko lang ng tatlong pot holder kahapon nabili ko'y tatlo bente singko, mura na iyon matagal ko ring planong pot holder ay magkaroon  nang makita lang sa bangketa'y napabili doon tatlong pot holder, panapin sa kalderong mainit maprotektahan ang kamay, iwas-paso ang hirit kaysa basahan o rug ang gamit laban sa init basahan na, pamunas pa, nakakalitong gamit ang mga Asyano'y mahilig kumain ng kanin bakit ba pot holder ay walang katumbas sa atin bagamat may mungkahi ang mga kapatid natin ang tawag nila sa pot holder nang aking tanungin tungkulin ng makatang kilanlin ang tawag dito sa ating wika kaya dapat magkaisa tayo sossopot sa Kalinga, apuro sa Ilokano iba naman ang gikin na patungan ng kaldero panapyo, pansapyo, panaklot o kaya'y pangsikwat salitang ugat ng panaklot ay daklot, pangsunggab ang kahulugan naman ng sikwat ay pag-aangat ano sa panapyo, sapyo, dapyo, hanapin lahat kaldero'y wikang Espanyol nang aking saliksikin subalit sariling wi...

Tapos na ang Agosto

Imahe
TAPOS NA ANG AGOSTO tapos na ang Agosto, ang Buwan ng Kasaysayan at Buwan ng Wika, ngunit patuloy pa rin naman kaming tagapagtaguyod ng wika't kasaysayan sa aming layon at tungkuling magsilbi sa bayan upang paunlarin pa ang ating sariling wika at sa tula'y ihayag ang katutubong salita maging ito man ay lalawiganin o kaya'y luma kaya patuloy sa pagkatha ang mga makata binabasa't inaaral ang talahuluganan o mga diksiyonaryong kayraming malalaman baka may salitang sa diwa'y manggigising naman o salitang di pa batid ng mga kabataan tapos na ang Agosto, ngunit kayraming gagawin magsaliksik, magsuri, magbasa, magsulat pa rin upang ating wika't kalinangan ay paunlarin habang sa kalye'y nakikibaka pa ring taimtim iyan ang tungkuling tangan ng tulad kong makata sa wika, kasaysayan at kalinangan ng bansa habang nakikibaka kasama ng mga dukha't maitayo paglaon ang lipunang manggagawa - gregoriovbituinjr. 09.01.2021

Pabahay

Imahe
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga tanong ng dukha'y ganito: kung pabahay ay karapatan mo,  karapatan ko't ng bawat tao ay bakit ito ninenegosyo? kayraming bahay ang nakatengga upang pagtubuan at ibenta sa mga nagtatrabahong masa di sa walang bahay, walang pera kung ganyan pala, sistema'y bulok dahil mga dukha'y di kalahok negosyo'y tuso, tubo ang tarok karapatan na ang inuuk-ok masdan ang mga dukha sa atin pera'y di sapat kung iisipin kung magkapera, una'y pagkain nang pamilya nila'y di gutumin karapatan natin sa pabahay ay naukit na sa U.D.H.R. pati na sa I.C.E.S.C.R. pagkat bahay ay buhay at dangal karapatang balot ng prinsipyo't tinataguyod nating totoo ika nga: " Pabahay ay s erbisyo !" dagdag pa: " Huwag   gawing   negosyo !" patuloy na ipaglaban natin ang karapatang dapat angkinin makataong pabahay ay kamtin dignidad itong...

Ang pusa

Imahe
ANG PUSA kumusta ka na, Pusa, anong iyong kailangan? tila baga muli kang kumakatok sa pintuan marahil ay naamoy mong pritong isda ang ulam sandali, hintay lang, at ikaw ay aking bibigyan siya ang pusang madalas makitulog sa gabi sa tabi ng bintana, taas ng eskaparate minsan sa ginagawa ko'y tahimik siyang saksi habang naglalamay ng kung anong akda't diskarte madalas akong maunang gumising sa umaga maya-maya, tanaw ko nang nag-iinat na siya ah, mabuti nang may pusa dito sa opisina may panakot sa malalaking daga sa kusina minsan sa ilalim ng sasakyan siya tatambay tila baga doon ang palaruan niyang tunay minsan pag nananghalian ako, siya'y kasabay at pag nagsusulat ay nakakawala ng lumbay - gregoriovbituinjr. 08.31.2021

COVID

Imahe
Dalawang pinsang buo ko at tiyahin ko (nanay nila) ang sabay-sabay na namatay sa COVID sa probinsya: sina Kuya Esmer Bituin, Ate Evelyn Bituin-Alipio, at Inay Charing Bituin. Kumatha ako ng soneto (tulang may labing-apat na taludtod) bilang alay at pagninilay: COVID nakabibigla, dalawang pinsang buo't tiyahin ang sabay na nangawala dahil sa COVID-19 noon, kapag nauwi ng probinsya'y dadalawin silang kamag-anak kong sadyang malapit sa akin si Kuya Esmer sa pabrikang PECCO'y nakasama ko ng tatlong taon bilang regular sa pabrika si Ate Evelyn nama'y palakwento't masaya maalalahanin si Inay Charing, aking tiya wala na sila, wala na, nahawaan ng COVID tinamaan ang nanay at dalawang magkapatid mag-ingat tayong lahat sa nananalasang sakit tunay ngang virus na ito'y sadyang napakalupit pagpupugay sa mga kamag-anak na nawala salamat sa buti ninyo't masasayang gunita - gregoriovbituinjr. 08.31.2021

Nawa'y makita pa sila

Imahe
NAWA'Y MAKITA PA SILA (August 30 is International Day of Disappeared) kanina sa webinar ng FIND ay dumalo ako dahil daigdigang araw ng desaparesido ngayon, kaya pinakinggan ko ang naritong isyu nakinig ng pananalita sa usaping ito makabagbag-damdamin ang bidyong ipinalabas tungkol sa masayang pamilya subalit dinahas nang kuya'y dinukot, winala ng kung sinong hudas pangyayaring ang kawalang hustisya'y mababakas ako'y nakikiisa sa paglaban nilang tunay habang akin ding nadarama ang sakit at lumbay ako'y kaisa upang makita ang mga bangkay ng mga desaparesidong dinukot, pinatay kaya naging adhika ko nang kumatha ng tula sa usaping desaparesido o iwinala ilang taon na ring commitment na ito'y ginawa bilang bahagi ng pagsisilbing tapat sa madla Agosto Trenta, International Day of Disappeared at Araw din ng mga Bayani, ito'y di lingid taunang gunitang araw na sa puso'y naukit sa paghanap ng mahal sa buhay, mga kapatid seryoso akong nakinig sa mga inilahad sadya...

Pitong tanaga sa Pagkasilang ng Bansa

Imahe
PITONG TANAGA SA PAGKASILANG NG BANSA 1 sinilang ng Agosto ang bayang Pilipino noong Katipunero ay nag-alsa ng todo 2 pagkasilang ng bansa't tandaan nating pawa nang kababayan, madla'y naghimagsik ngang sadya 3 ang sedula'y pinunit dayuhang panggigipit ay tinapos nang pilit paglaya'y iginiit 4 eighteen ninety six iyon at Agosto pa noon nang isilang ang nasyon Pinoy ay nagkatipon 5 ang buong Katipunan na nag-alsang tuluyan ay mula sa samahan naging pamahalaan 6 mabuhay ang pagsilang nitong Lupang Hinirang mananakop na halang ay ipinagtabuyan 7 ito'y gintong historya na bansa'y malaya na ituro sa eskwela ang tagumpay ng masa - gregoriovbituinjr. 08.30.2021 * litrato mula sa pampletong "Andres Bonifacio: Buhay at Pakikibaka" na inilathala ng LKP, PAIS at EILER, pahina 28

Pagkain ng sala sa oras

Imahe
PAGKAIN NG SALA SA ORAS di ako ang taong pagdating ng alas-dose ng tanghali ay titigil upang kumain ngayon ka lang kakain, tanong nila sa akin noong minsan nang kumain ako ng hapon ay, ngayon lang ako nagutom tinapos muna ang gawain kaya kakain naman ngayon di ako eyt-to-payb na tao minsan, kakain ng alas-dos ng alas tres o alas-kwatro tuloy lang ako sa paggawa pagkat alam naman ng tiyan kung titigil na sa pagkatha upang kumain, di sa oras kundi pag wala nang mapiga sa utak saka lang lalabas upang kumain sa kantina lalo na't di nakapagluto o bumili sa karinderya ganyan ang karaniwang buhay ng tulad kong sulat ng sulat gutom na'y patuloy sa nilay ngunit dapat pa ring kumain upang lumakas ang katawan at upang makakatha pa rin bagamat kahit ako'y gutom minsan pagkatha'y uunahin habang kamao'y nakakuyom patuloy pa ring nag-iisip kumakatha't sulat ng sulat ng anumang paksang mahagip di ako eyt-to-payb na tao ngunit huwag magpakagutom payo sa sarili'y totoo - greg...

Pakikiisa sa laban ng health workers

Imahe
PAKIKIISA SA LABAN NG HEALTH WORKERS sa mga health workers kami'y sadyang nakikiisa sa isyu nila, sampu ng aking mga kasama upang itaguyod ang mga kapakanan nila at kami'y sasama sa kanilang kilos-protesta ipakita ang matagal na nilang mga hinaing na ibigay na ang benepisyo nila, gayundin ang hazard pay nila, allowance para sa pagkain tirahan, transportasyon, special risk allowance din anang ulat, nakaraang taon pa hinihintay ng kanilang benepisyo't allowance na'y ibigay labing-isang bilyong piso ang kabayarang pakay sa mga health workers na di pa nabayarang tunay sobra-sobrang trabaho, kayliit naman ng sweldo at ngayon, di pa naibibigay ang benepisyo at allowance kaya protesta na ang mga ito kinauukulan sana'y tugunan na ang isyu bagamat di man health workers, nakikiisa kami sa kanilang kilos-protesta't sasama sa rali kanilang laban ay aming laban, kami'y kasali upang laban nila'y ipagwagi hanggang sa huli - gregoriovbituinjr. 08.29.2021 * litrato mula ...