Tanong
TANONG ngayon po'y nais ko lang magtanong sa mga talagang marurunong pag-unlad ba'y paano isulong kung kahulugan nito'y paurong matatawag nga bang kaunlaran kung sinisira ang kalikasan? nagtayo ng tulay at lansangan nagpatag naman ng kagubatan bundok na'y kalbo sa pagmimina mga puno'y pinagpuputol pa negosyante'y tumaba ang bulsa subalit hirap pa rin ang masa sangkaterba ang ginawang plastik na laksang tubo ang ipinanhik ngunit plastik sa dagat sumiksik sapa't ilog, sa plastik tumirik anong klaseng pag-unlad ba ito? progreso ba'y para lang kanino? anong pag-unlad ba ang totoo? kung nawawasak naman ang mundo? sa pag-unlad, anong inyong tindig? kung sira na ang ating daigdig kanino kaya kayo papanig? tanong ba'y unawa ninyo't dinig? - gregoriovbituinjr. 04.14.2023