Magretiro sa edad 80

MAGRETIRO SA EDAD 80

ang retirement age ngayon ay sisenta'y singko
na naaayon sa batas at kompulsaryo
ngunit may nagpapanukala sa Kongreso
gawing otsenta ang retirement ng obrero

tiyak matutuwa sa panukala niya
ang mga matatandang nais pang kumita
madaramang nakakatulong sa pamilya
senior citizen na sila'y malalakas pa

ganado ako sa ganitong panukala
upang magkatrabaho kahit matatanda
kaya kikita pa rin kahit maralita
"tanggalin ang age limit!" ang sigaw ng dukha

kumaing wasto nang katawan ay lumusog
bitamina'y kainin matapos mabusog
upang buto't kalamna'y tumibay, di lamog
maglakad lagi't magpapawis, na di bugbog

senior citizen man ay manggagawa pa rin
nais magretirong maaga'y pwede man din
gawin mang otsenta ang edad ng retayrment
mungkahing ang trabaho nila'y paalwanin

- gregoriovbituinjr.
08.15.2022

* Ulat mula sa Abante Tonite, 08.05.2022, p.3

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mabuhay ang HUKBALAHAP!

Nag-agawan ang mga sisiw sa ulo ng tuyo

Bandalismo