Pagngiyaw ni alaga
PAGNGIYAW NI ALAGA
(Alay ngayong World Poetry Day)
aba'y nakatutuwa
tila ba tumutula
ang aming si alaga
sa Araw ng Pagtula
animo'y entablado
ang inapakan nito
adhika niya't gusto
binigkas na totoo
panay ang kanyang ngiyaw
na di nakabulahaw
di naman nagtungayaw
hay, kayganda ng araw
anya, ang tingin ko lang:
"nais ko nang maibsan
ang damang kagutuman
isda ako po'y bigyan"
mamaya, isda'y alay
ngiyaw ay tula't tulay
na nagbibigay kulay
sa aming iwing buhay
- gregoriovbituinjr.
03.21.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://web.facebook.com/share/v/1FL21cEdmD/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento