Pinainom si alaga
PINAINOM SI ALAGA
bago umalis sa tahanan
at tumungo sa pupuntahan
ay akin munang pinainom
si alagang uhaw na uhaw
at sabay din kaming kumain
sa akin ang tiyan ng isda
sa kanya ang ulo't iba pa
na ginagawa sa tuwina
sa bahay siya tumatambay
sa tahanan ay nagbabantay
laban sa dagang sasalakay
sadyang alaga siyang tunay
madalas ako'y may bitbit na
kay alaga kapag umuwi
sabay na kakain talaga
may bigay ako kahit munti
- gregoriovbituinjr.
04.11.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1BdeeK3Vr2/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento