Ano ba ang MU?

ANO BA ANG M.U.?
‎Ano ba ang MU? Malagong Ubasan?
‎Masarap Upakan? Mandigma't Ubusan?
‎Magandang Ulitin? Mabisang Ulatan?
‎Makislap ang Ulo? Madaling Utusan?
‎Mabuti't Umubra? Mahirap Umamo?
‎Makibaka'y Una? Makaiskor: Uno?
‎Masiglang Umupo? Madalas Umubo?
‎Madaling Uohan? Mag-Utos sa iyo?
‎O nasa Manila University ka,
‎O ito'y Malabon University na,
‎O kaya'y Makati University pa!
‎At ang mas matindi, Miss Universe pala!

‎Bakit kailangan ang makipag-MU?
‎Makikipag-Ugnay sa ano bang isyu?
‎Mutual Understanding, sabi ng biyudo.
Matinong Usapan? Aba'y Maki-Uso?

- gregoriovbituinjr.
08.30.2026

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tamang gamit ng RITO at DITO

Tulang walang pamagat III - salin ng tula ni Zakaria Mohammed

New Year 2026: Ikulong na 'yang mga kurakot!