Bagong balita
BAGONG BALITA balita pa bang matatawag ang lumang balita? o dapat bang bawat balita ay laging sariwa? dapat bang mga balita'y maigsi o mahaba? paano dapat mabilis ipabatid sa madla? may kasabihan nga tayong "may pakpak ang balita, may tainga ang lupa" ito man ay isyu ng dukha, ng kawatan sa gobyerno, ng burgesyang kuhila, ng aksidente, kamatayan, buhay ng dakila iyang balita'y "history in a hurry" , ika nga anong nangyayari sa loob at labas ng bansa kasaysayang isinusulat, inilalathala, isinasahimpapawid, pasa-pasa sa madla tiyakin lamang nating bawat balita ay tama at di kumalat ang halibyong o pekeng balita - gregoriovbituinjr. 05.16.2024 * litrato mula sa app game na Word Connect