Mga Post

Bayngaw

Imahe
BAYNGAW maliit ang langaw malaki ang bangaw mas malaki, bayngaw na dulot ay panglaw kapag nakagat ka dengue ang kapara o kaya'y malarya iwasan mo sila mahirap makagat at kung magkasugat baka di maampat tiyak malalagnat paligid, linisan pati ang tahanan nang di pamugaran ng bayngaw na iyan - gregoriovbituinjr. 06.15.2024 * mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.157 *  bayngaw  - pangngalan Zoolohiya [Sinaunang Tagalog]:  malaking bangaw na nangangagat

Walang kalayaan ang aliping sahuran

Imahe
WALANG KALAYAAN ANG ALIPING SAHURAN aliping sahuran / ang uring obrero sa sistemang bulok / na kapitalismo doon sa pabrika'y / dehadong dehado kayod-kalabaw na't / kaybaba ng sweldo ano bang sistema / diyan sa merkado? di ba't nagbebenta / yaong nagpepresyo? ngunit pagdating na / sa mga obrero ang binebentahan / yaong nagpepresyo! pagkat binibili / ng kapitalista ang lakas-paggawa / sa tinakda nila na presyo ng sahod / na napakamura nagtakda ng presyo / ay kapitalista kaya manggagawa'y / aliping sahuran natatanggap nila'y / murang kabayaran mapapamura ka / na lang ng tuluyan sa sistema't ganyang / klase ng lipunan dapat lang itayo / nitong manggagawa ang lipunang sila / ang mamamahala may layang kumilos, / may laya sa diwa walang pang-aapi't / lipunang malaya - gregoriovbituinjr. 06.15.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa Espanya, Maynila noong Hunyo 12, 2024

3 anak, pinag-live show sa FB

Imahe
3 ANAK, PINAG-LIVE SHOW  SA FB kaytinding gawa ng isang ina tatlong anak, pinaghubad niya upang sa FB, mag-live show sila kaso nga ng OSAEC talaga pumasok sa dating app ng FB siya muna ang nagso-show dati nang sa kanya'y may nakapagsabi kung may anak siyang binibini kahirapan ang kanyang dahilan upang anak ay pagkakitaan at katawan nila'y paglaruan niyong mata ng mga dayuhan ginamit ang anak edad nwebe, edad dose at edad katorse grabeng gawa ng inang salbahe nang NBI sa kanya'y humuli nakaraan na'y apat na taon nang simulan ang diskarteng iyon tatlong libong piso'y kita roon ngayon, ang nanay na'y huli't kulong - gregoriovbituinjr. 06.15.2024 *  OSAEC  - online sexual abuse and expolitation of children * ulat mula sa pahayagang  Bulgar , Hunyo 14, 2024, pahina 1 at 2

Samantala, Pagsasamantala, Pansamantala?

Imahe
SAMANTALA, PAGSASAMANTALA, PANSAMANTALA? sa salitang binabasa ay napatitig ako ang ibig sabihin niyon ay agad ninamnam ko nabasa sa  UP Diksiyonaryong Filipino ang salita't magkatunggaling kahulugan nito SAMANTALA  ang tinutukoy kong salitang iyon magkabaligtad ang kahulugang sinabi roon: "huwag sayangin ang pagkakataon o panahon" at  "magmalabis sa paggamit ng pagkakataon" pinagsamantalahan ang dalaga, ginahasa dukha'y pinagsamantalahan sa sweldong kaybaba sa pagsasamantala, aaklas ang manggagawa samantalahin mo ang pagkakataon, ika nga ang pagsasamantala bang lagi kong naririnig sa rali ay pansamantala lang o bukambibig? sa pagsasamantala ba'y sino ang mang-uusig? kundi pinagsasamantalahang nagkapitbisig samantala, panahon ay dapat samantalahin kung ito'y makabubuti sa marami sa atin di tulad ng trapong boto mo'y sasamantalahin at manggagawa'y pinagsasamantalahan pa rin samantala, umukit sa akin ang katanungan: ang pagsasamantala ba'y p...

Hatinggabi

Imahe
HATINGGABI kayrami pa ring gawain sa gabi madalas napupuyat, laging busy sa kakaisip ng bagong diskarte nang isyu'y pag-usapan ng marami gabi na'y nagtitipa pa sa laptop ng saknong, taludtod, at pangungusap sinasalaysay ang pinapangarap na lipunang wala nang naghihirap animo ako'y paniki o aswang o sa isang puno'y tila tikbalang panggabi akong naroon sa parang ng digma't mabilis ang mga hakbang hatinggabi na'y ayaw pang matulog kinakatha'y nobelang anong tayog o kwentong sa puso'y nakadudurog o tulang sa madla inihahandog  - gregoriovbituinjr. 06.14.2024

Barak, Galas, at Hayap

Imahe
BARAK, GALAS, AT HAYAP tatlong tanong na di ko alam ngunit nasagot ko sa tulong ng UP Diksiyonaryong Filipino pawang Pahalang ang tanong na di ko kabisado kaya sinaliksik pa ang mga salitang ito pag di alam ang Pahalang ay tingnan ang Pababa at baka makuha mo ang marapat na salita sadyang gayon naman ang madalas na ginagawa hanggang mapalitaw ang hinahanap na kataga diksyunaryo'y sinangguni ko't sagot ay nabuklat sa katanungang  Maputla , ang sagot pala'y  BARAK sa tanong na  Pakla las a, sagot naman ay  GALAS at sa tanong na  Talim , kaylalim ng sagot:  HAYAP mga bagong salita iyon sa aking pandinig o marahil, lumang salitang di na bukambibig mabuti't sa talasalitaan tayo'y sumandig kaya ngayon, mga iyon ay nabibigyang-tinig - gregoriovbituinjr. 06.13.2024 * palaisipan mula sa pahayagang  Abante , Hunyo 9, 2024, p.7 * 13 Pahalang: Maputla BARAK - maputla dahil sa takot o dahil sa sakit , mula sa UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF), p.142 * 31 Pahalang: ...

Pagbili ng aklat

Imahe
PAGBILI NG AKLAT pag may kaunting salapi libro'y aking binibili ngunit paksa'y pinipili ninanamnam ng mabuti pag may natira sa pera damit naman ang bibilhin may laan din sa pamilya pambili ng makakain sa aklat ko nahahango ang maraming tula't kwento kaya agad narahuyo sa naggagandahang libro pagkat nakapagmumulat kaya magbasa ang nais kung gusto mo rin ng aklat pumunta na sa  Books for Less , Fully Booked, National Bookstore, Powerbooks, Biblio, Goodwill, Solidaridad, Rex Bookstore, Popular Bookstore,  o  Book Sale - gregoriovbituinjr. 06.13.2024

Tuyong dahon

Imahe
TUYONG DAHON pinapanatili ng tuyong dahon ang sayimsim o halumigmig sa lupa, animo'y sinisimsim ang alinsangan, marahil pati iyong panimdim mamasa-masa ang lupa, alay ng puno'y lilim pagkain din ng bulate ang mga tuyong dahon na nalilikha'y vermi-compost na nakatutulong sa paglago ng halaman, anong ganda ng layon tuyong daho'y di basurang basta lang itatapon tuyong dahon pa'y pataba pag nabaon sa lupa kapaki-pakinabang pag sa kalikasan mula upang puno't halaman ay magsilago't tumaba pag ito'y namunga na, malaking tulong sa madla matutuyo rin ang dahon pagdating ng panahon ngunit sa lupa pala'y may magandang nilalayon - gregoriovbituinjr. 06.13.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa loob ng Quezon Memorial Circle, Hunyo 12, 2024 * Ang nakasulat sa karatulang kinunan ng litrato ng makatang gala ay: ALAM MO BA? Na ang tuyong dahon ay: - Pinapanatili ang moisture sa lupa na tumutulong para ma-absorb ng halaman - Ginagawang pagkain ng bulate upang maka...

Ang landas kong tinatahak

Imahe
ANG LANDAS KONG TINATAHAK tinatahak ko ang landas ng magigiting di ang landas ng hunyango, trapo't balimbing kaya aagahan ko palagi ang gising upang sa isyu'y di maging bulag at himbing nais kong umaga'y sikatan na ng araw upang Bitamina D sa akin pumataw upang mula sa araw lakas ay mahalaw upang sa bawat pagtakbo ko'y makahataw bakit ba dapat arukin ang kalaliman ng dagat na pawang plastik ang naglutangan bakit ba dapat liparin ang kalawakan ng langit gayong mas magandang ito'y masdan saanmang lupa'y nais kong magtanim-tanim ng magandang binhi, prinsipyo't adhikain kahit na sa paso, binhi'y palalaguin na balang araw, bunga nito'y aanihin tinatahak ko ang landas ng pagbabago na pinamumunuan ng uring obrero nais kong matayo'y lipunang makatao na serbisyo sa tao'y di ninenegosyo - gregoriovbituinjr. 06.13.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa Daang Espanya sa Maynila

LaroSalita

Imahe
LAROSALITA 1 TULA, TULI, TULO iyong tingnan ang mga salita TULA  ang kinatha ng makata TULI  sa mga nagbibinata TULO  kapara'y uhog at luha 2 ANTAK, ANTIK, ANTOK ANTAK  na ang aking mga sugat ANTIK  pa ang gasang inilapat ANTOK  na't ang daliri'y nakagat nang magdugo'y di agad naampat 3 BANTA, BENTA, BINTA BANTA  raw ang natatanggap niya dahil sa kalakal, walang  BENTA tumakas siyang sakay ng  BINTA sa dagat, naghabulan talaga - gregoriovbituinjr. 06.13.2024