BARAK, GALAS, AT HAYAP tatlong tanong na di ko alam ngunit nasagot ko sa tulong ng UP Diksiyonaryong Filipino pawang Pahalang ang tanong na di ko kabisado kaya sinaliksik pa ang mga salitang ito pag di alam ang Pahalang ay tingnan ang Pababa at baka makuha mo ang marapat na salita sadyang gayon naman ang madalas na ginagawa hanggang mapalitaw ang hinahanap na kataga diksyunaryo'y sinangguni ko't sagot ay nabuklat sa katanungang Maputla , ang sagot pala'y BARAK sa tanong na Pakla las a, sagot naman ay GALAS at sa tanong na Talim , kaylalim ng sagot: HAYAP mga bagong salita iyon sa aking pandinig o marahil, lumang salitang di na bukambibig mabuti't sa talasalitaan tayo'y sumandig kaya ngayon, mga iyon ay nabibigyang-tinig - gregoriovbituinjr. 06.13.2024 * palaisipan mula sa pahayagang Abante , Hunyo 9, 2024, p.7 * 13 Pahalang: Maputla BARAK - maputla dahil sa takot o dahil sa sakit , mula sa UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF), p.142 * 31 Pahalang: ...