Mga Post

Bakas

Imahe
BAKAS naiiwan iyang bakas sa nakaraan habang tinatahak pa ang kasalukuyan upang kamtin ang asam na kinabukasan ika nga sa isang sikat na kasabihan dapat nating lingunin ang pinanggalingan nang makarating tayo sa patutunguhan tulad din ng mga aktibistang Spartan na inaral ang mga nagdaang lipunan nang bulok na sistema'y baguhing tuluyan tulad kong laging nagmamakata pa naman na madalas likhain ay tulang pambayan tula sa kalikasan at kapaligiran kaya nga sa bawat bakas ng nakaraan pag ating nilingon ay may matututunan kunin natin upang sa pagtahak sa daan ay maalpasan na natin ang kahirapan sa sama-samang pagkilos ng sambayanan ay maitayo ang makataong lipunan - gregoriovbituinjr. 10.19.2024

Tamis ng pulot

Imahe
TAMIS NG PULOT anong tamis ng pulot-pukyutan na bubuyog ang may kagagawan tulad ng aming pagmamahalan di ng presyo kundi pag-ibigan animo kami'y langgam sa tamis baka kaya nagka-diabetes di naman mahilig sa sorbetes kundi tula'y isulat ng lapis ika nga'y wala nang tatamis pa kapag tayo'y laging magkasama ako ang iyong bubuyog, sinta ikaw naman ang aking sampaga ganyan katamis yaring pag-ibig na sadya namang di palulupig kaya piniit kita sa bisig nang bulong ng puso ko'y marinig - gregoriovbituinjr. 10.19.2024

Ang dalawa kong aklat ni Apolonio Bayani Chua

Imahe
ANG DALAWA KONG AKLAT NI APOLONIO BAYANI CHUA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakilala ko si Ginoong  Apolonio Bayani Chua , o  Apo Chua , sa grupong Teatro Pabrika, isa sa mga grupo ng mang-aawit ng pawang mga nawalan ng trabaho sa pabrika, na bahagi rin ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Siya ang adviser ng mga iyon. Si Apo ay isa ring guro sa UP Diliman. Nakatutuwa na nagkaroon ako ng dalawa niyang aklat. Ang una'y ang  SIMULAIN: Dulambayan ng Manggagawa sa Konteksto ng Militanteng Kilusang Unyonismo (1980-1994) . May sukat ang aklat na 9" x 6" at naglalaman ng 326 pahina (kung saan 16 dito ay naka-Roman numeral). Ang aklat na ito'y ibinigay sa akin ni  Apo Chua  noong Hulyo 21, 2009, kasabay ng paglulunsad ng 12 aklat ng 12 manunulat ng UP Press na ginanap sa UP Vargas Museum. Ang aktibidad ay pinamagatang  "Paglulunsad 2009: Unang Yugto." Sa ikalawang aklat naman, isa siya sa mga patnugot ng  "Mga Luwa at iba pang Tula...

Pagsusulit - salin ng tula ni Sheikha Hlewa

Imahe
PAGSUSULIT Tula ni Sheikha Hlewa Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Napakahuli na ng mga aralin ng aking ina. Matapos lahat ng dinanas namin -  binibilang niya ang mga taon sa tapat na pagsang-ayon sa Nakba at ang mga binilang ko habang kagat ang aking dila - ginigiit niyang maturuan ako,  salita sa salita, nang agad-agad. Wala siyang pagsasaalang-alang  sa patuloy kong pagkataranta o sa pagitan ng mga taon namin, sa urbanidad na nagpaamo sa pagiging lagalag ko at nagpakislap sa mga gilid ng aking wika. Inuulit niya ang mga aralin nang may kalupitan ng isang gurong naantala ang pagreretiro. Hinahanap niya ang kanyang patpat  sa ilalim ng kanyang bisig, na hindi mahanap, kaya hinampas niya ang mesang kahoy. Isinusumpa ko ang sinumang lalaking  magpapaiyak sa iyo, naiintindihan mo? at walang batingaw na sasagip sa akin bago ang pagsusulit. - sa Haifa 10.18.2024 * Si  Sheikha Hlewa  ay isang Palestinong manunulat...

Walang plataporma

Imahe
WALANG PLATAPORMA walang plata, pulos porma lang pala ang tatakbong Senador na artista na batay sa panayam ni Gretchen Ho sa isang artistang kumandidato pag nanalo na, saka iisipin ang plataporma niyang nais gawin sa ngayon daw ang kanyang tututukan paano muna manalo'y pokusan madali na iyon, sikat na siya tulad nina Robin at Bong Revilla ngalang Wille Revillame nga ngayon ay talagang sikat sa telebisyon subalit siya kaya'y epektibo sa Senado o isa lang payaso anong tingin sa isyung manggagawa o dahil walang plataporma'y wala paano kaya pag nakadebate ni Willie sa isyu si Ka Leody ano kayang masasabi ni Ka Luke at ng masang sa kanila'y tututok pag sila'y wagi ni Philip Salvador na kagaya niya'y isa ring aktor ika doon sa ulat ni Gretchen Ho tunay ngang mas showbiz na ang Senado - gregoriovbituinjr. 10.18.2024 * batay sa ulat sa pahayagang Pang-Masa, Oktubre 16, 2024, p.5

Pamatid-gutom

Imahe
PAMATID-GUTOM muli, ang inulam ko'y ginisang sardinas niluto lang dahil ayoko nang lumabas basta katabi itong mga diksyunaryo at mga nakapilang babasahing libro bagamat lata ng sardinas ay kilala bilang inuulam ng mga nasalanta halimbawa, nasunugan at nabahaan pinamimigay ay sardinas at noodles man pang-evacuation center lang daw ang ganito subalit huwag mong mamaliitin ito sapagkat ilang ulit akong nakaraos upang ako'y magpatuloy pa ring kumilos di naman madalas, minsan ulam ko'y daing kaya ibang ulam ay di na hahanapin tulad ng sardinas, ito pa rin ay isda ayos lang, basta mabusog at makatula - gregoriovbituinjr. 10.18.2024

Kasaysayan ng isang manunulat

Imahe
KASAYSAYAN NG ISANG MANUNULAT nang ako'y nasa kolehiyo pa ang aking sarili'y natagpuan nakatunganga sa opisina ng pahayagang pampaaralan sapagkat may patalastas doon na kailangan ng manunulat pagsusulit ay ipasa roon at nakapasok nga akong sukat nang artikulo ko'y malathala sa Enero ng aming magasin iyon na talaga ang simula upang pagsulat ko'y pagbutihin naging adhika kong maging tinig ng mga tinanggalan ng boses sa manggagawa't dukha'y nakinig sa pabrika, tabing ilog, riles hanggang ngayon, nagsusulat ako ng mga tula, kwento't sanaysay at pasalamat akong totoo sa nakasama sa paglalakbay marami kayo, di na mabilang nang isa-isang pasalamatan adhika ko'y ikwento ko naman ang ating pinagdaanang laban - gregoriovbituinjr. 10.18.2024

Pangarap

Imahe
PANGARAP masasabi mo bang ako'y walang pangarap dahil di pagyaman ang nasa aking utak pag yumaman ka na ba'y tapos na ang hirap? habang pultaym ako't nakikibakang tibak hindi pansarili ang pinapangarap ko kundi panlahat, pangkolektibo, pangmundo na walang bukod o tinatanging kung sino kundi matayo ang lipunang makatao iniisip ko nga, bakit dapat mag-angkin? ng libo-libong ektaryang mga lupain? upang sarili'y payamanin? pabundatin? upang magliwaliw? buhay ay pasarapin? subalit kung ikaw lang at iyong pamilya ang sasagana at hihiga ka sa pera ang pinaghirapan mo'y madadala mo ba? sa hukay, imbes na magkasilbi sa kapwa? aba'y inyo na ang inyong mga salapi kung sa pagyaman mo, iba'y maaaglahi buti pang matayo'y lipunang makauri para sa manggagawa pag sila'y nagwagi - gregoriovbituinjr. 10.17.2024

Tatlong naulat na nagbigti sa loob ng 20 araw

Imahe
TATLONG NAULAT NA NAGBIGTI SA LOOB NG 20 ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nadagdagan na naman ang nagpakamatay. Subalit ngayon, headline news na. Ibig sabihin, dapat pansinin na ito ng mga kinauukulan.  Headline sa pahayagang Bulgar, Oktubre 16, 2024:  Pinagalitan ng ina, 14-ANYOS, ADIK SA ML, NAGBIGTI, PATAY. Sa loob ng dalawampung araw mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 16 ay may naiulat nang tatlong nagbigti sa pahayagang Bulgar. Sa loob ng wala pang isang buwan ay may anim nang nagpatiwakal. Dalawa ang tumalon sa mataas na gusali at tulay, isa ang nagbaril sa ulo, at tatlo naman ang nagbigti. Bale anim ang biktima (?) na siya ring suspek (?) sa pagpatay. Bakit naiisip nilang magbigti? O talagang dinamdam nila ang sinasabi sa kanila? Ang nagpapasiya sa kanila ay hindi isip kundi damdaming nasaktan. Ito ngang huli ay 14-anyos na sa ulat ay hindi na natukoy kung lalaki ba o babae.  Ito ang ulat: Isang 14-anyos na estudyante ang nagpakamatay sa Man...

Alaala - salin ng tula ni Sheikha Hlewa

Imahe
ALAALA Tula ni Sheikha Hlewa Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Nagkakagulo ang lahat nang inagaw ko  ang alaala ng Bedouin. Malamang na ang binatang nakuryente  habang nagdidilig sa kanyang bukid ay maging asawa ng sinumang maliit na babae. Malamang, maging parol sa karimlan  ang kanyang mga titig  matapos kargahan iyon ng liwanag. Sa lahat ng maaaring mangyari'y  pinagtaksilan ako ng alaala. Siya ba'y binatang ikakasal  o naantalang parol o luntiang bukirin? Ang aking ina'y may ugaling pagparisukatin  ang bawat detalye sa aking alaala. Ang binata'y naging bukirin, luntiang parol, at ang kuryente'y hindi nakarating  sa aking nayon ni minsan. - sa Haifa 10.17.2024 * Si  Sheikha Hlewa  ay isang Palestinong manunulat na isinilang sa Dhayl 'Araj, isang hindi kilalang nayon ng Bedouin malapit sa Haifa. May-akda siya ng tatlong kalipunan ng maiikling kwento at isang kalipunan ng mga tula, na naisalin...