Xavier X, Voltes V, at Mazinger Z
XAVIER X, VOLTES V, AT MAZINGER Z Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Matapos ang matagumpay na Lunsad-Aklat ng aking librong "Tula't Panawagan para sa Hustisyang Panlipunan" nitong Pebrero 20, 2026, bilang handog sa World Day of Social Justice, nagtungo na ako sa Sine Pop sa Cubao upang manood ng screening na Atin ang People Power . Free Admission ito. Dahil wala pang gagawin sa gabi ay doon na ako tumuloy. Ayokong sayangin ang pagkakataon upang panoorin ang limang maiikling pelikula roon. Ang limang pelikula ay pinamagatang 1. Silent Spaces (tungkol sa kwento ng isang dating bilanggong pulitikal na tinortur at lumaya matapos ang Pag-aalsang Edsa); 2. Ang Sandata ni Mama (tungkol sa Voltes V, este Xavier X pala); 3. Recipe for Change (tungkol sa isang dating political prisoner na cook sa kulungan); 4. Alingawngaw (tungkol sa salaysay ng mga kabataan sa rali); at 5. Sa Pwesto ni Pistong (tungkol sa a...