Naglipanang upos
NAGLIPANANG UPOS (Tula para sa World No Tobacco Day tuwing Mayo 31) di ako nagyoyosi, ang ginagawa kong lubos ay ang tipunin sa bote ang nagkalat na upos ito ang sa kapaligiran ay ambag kong taos bakasakali lang kahit upos ay di maubos. ginagawa kong ash tray ang pangsardinas na lata sa paligid nito'y nilalagyan ng karatula "Dito ilagay ang upos, kaibigan, kasama" at ibinabahagi sa pabrika't opisina. naglipana ang upos sa kalsada't karagatan talagang nakakaupos ang nangyayaring iyan mga wawa ng ilog ay tila nabubusalan naglulutangan ang upos sa mga katubigan. mga isinaboteng upos sa lupa'y ibaon tulad ng hollow blocks ay patigasin ito ngayon gawin kaya natin itong proyekto sa konstruksyon? baka may paggamitan ang upos kapag naglaon. ngayong World No Tobacco Day, anong masasabi mo? nagkalat ang upos sa ating paligid, katoto may maitutulong ka ba't maipapayo rito? upang malutas ang mga upos na dumelubyo? - gregbituinjr.,05/31/2...