Ang payo ng matatandang tibak

halina't pag-aralan natin ang lipunan
payo ito ng maraming matandang tibak
aralin bakit may mahirap, may mayaman
bakit kayraming gumagapang sa lusak

halina't pag-aralan din ang kalikasan
bakit tumataas na ang sukat ng dagat
bakit nagbabagong klima'y di mamalayan
bakit sa nangyayaring ito'y di pa mulat

ang unang tungkulin ng tibak ay matuto
pag-aralan ang kapaligiran, magsuri
ang bawat tibak muna'y maging edukado
sapagkat sila ang magtatanim ng binhi

binhi ng pagbabago tungong sosyalismo
pati pagpawi ng pribadong pag-aari
na siyang sanhi ng paghihirap ng tao
halina't organisahin ang ating uri

organisahin na ang manggagawa't dukha
upang ang bawat isa'y nagkakapitbisig
uring manggagawa, hukbong mapagpalaya
magkaisa upang baguhin ang daigdig

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bandalismo

Talaan ng mga sikat na boksingerong namatay sa aksidente sa kotse

Salamat sa alkohol