Para sa mga inakay

patuloy ang lawin sa paglipad sa kalawakan
at nag-aabang ng madadagit sa kaparangan
bunsod ba iyon ng nadarama n'yang kagutuman?
o marahil iyon kasi ang kanyang kalikasan?

nakatingala yaong inahin sa kalangitan
magsungit kaya ang panahon, babagyo, uulan?
o baka kasi may lawing dapat silang iwasan?
upang kanyang mga inakay ay maprotektahan

pinaaalpas ng nag-aalaga ang inahin
upang ito'y makahanap naman ng makakain
para sa mga inakay nitong aalagain
nasa isip lagi'y anak nang ito'y di gutumin

tulad ng tao, may pamilya rin ang mga hayop
at sa pagbuo nito, bawat isa'y kinukupkop
ng ama o inang sa iba'y di nagpapasakop
titiyaking may sabaw nang anak ay makahigop

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mabuhay ang HUKBALAHAP!

Nag-agawan ang mga sisiw sa ulo ng tuyo

Bandalismo