Magtanim ka na lang ng kamote

may kasabihang "magtanim ka na lang ng kamote"
simpleng kawikaan ngunit kayraming sinasabi
lalo't nasa kwarantina, ito pala'y may silbi
upang may matatalbos ka rin, di pa naman huli

magtanim ka na lang ng kamote'y tukso sa tamad
biro sa mga batugang tila walang pag-unlad
tukso sa taong ang isip ay laging lumilipad
biro sa sinumang wala raw namang abilidad

ngunit ngayong may lockdown, malaki ang pakinabang
sa pagtatanim ng kamote pag wala kang ulam
ilaga mo ang talbos o ihalo sa sinigang
iluto ang bunga't tiyak gutom mo'y mapaparam

halina't magtanim ng kamote, kumilos tayo
para sa kinabukasan, di lang dahil sa tukso
ito nga'y isang kasabihang nagkakatotoo
nang may makain at di magutom ang pamilya mo

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mabuhay ang HUKBALAHAP!

Nag-agawan ang mga sisiw sa ulo ng tuyo

Ang karapatan natin sa sapat na pagkain