Bihira akong magkape, di rin nagyoyosi

Bihira akong magkape, di rin nagyoyosi

di ko sinanay ang sarili kong laging magkape
tulad ng di ko sinanay ang sariling magyosi
naisip ko na bilang tibak at lagi sa kalye
gastos lang ito, wala na ngang pera, aking sabi

imbes kape, mas nais kong mag-Milo o mag-Nido
nakalimbag sa pakete ang bitamina nito
pag may nagbigay lang, napapakape na rin ako
nakakahiyang tanggihan ang inalok sa iyo

lalong mahirap naman ang malipasan ng gutom
kaya bibili ng saba na maraming potasyum
kakain ng isda't gulay na may protina't kalsyum
minsan ay limang ensaymadang pang-alis ng gutom

ngunit huwag naman yosing ang bibilhin ko'y usok
sobra-sobra na ang polusyong nakasusulasok
dapat malusog sa pagbaka sa sistemang bulok
magpalakas din pag sa kilusang masa'y lumahok

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mabuhay ang HUKBALAHAP!

Nag-agawan ang mga sisiw sa ulo ng tuyo

Ang karapatan natin sa sapat na pagkain