Sa daang matinik ng buhay

Sa daang matinik ng buhay

"Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din." ~ mula sa Kartilya ng Katipunan

lalaki ang patnugot ng asawa't mga anak
anang Kartilya upang pamilya'y di mapahamak
ama ang haligi ng tahanan at ng mag-anak
siya't tagaakay upang di malubog sa lubak

ngunit sa ating panahon ngayon, di na lang ama
binigyan na ng malaking papel ang mga ina
tagaalaga ng anak, kusinera, maestra
sila'y ilaw ng tahanan, nasa trabaho'y ama

sa daang matinik ng buhay, dapat magtulungan
upang ginhawa'y kamtin, di gaanong mahirapan 
ito'y payo't bilin sa Kartilya ng Katipunan
basahin at isapuso ang bawat nilalaman

mabuhay kayong aming nagisnang mga magulang
inalagaan ninyo kami mula nang isilang
tumanda na kayo't payo ninyo'y iginagalang
upang sa tinahak na landas, kami'y makinabang

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bandalismo

Talaan ng mga sikat na boksingerong namatay sa aksidente sa kotse

Salamat sa alkohol