Pagtawid

PAGTAWID

basurera silang kaysipag
na naglilinis ng lansangan
nang tatawid sa lupang patag
natsambahan kong makodakan

kumakaway sa motorista
tila ba pakiusap yaon
na patawirin naman sila
na nagawa ng mga iyon

anong laking pasasalamat
pinagbigyan ng mababait
nakatawid ng anong ingat
kabutihan sa isang saglit

ah, sa mga pagmamasid ko
sa palagiang paglulupa
nasasalubong kong totoo
yaong naglulutangang paksa

tulad ng kanilang pagtawid
na aking nakodakan lamang
may kwento pala silang hatid
na anong saya pag nalaman

- gregoriovbituinjr.
03.04.2022

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tamang gamit ng RITO at DITO

New Year 2026: Ikulong na 'yang mga kurakot!

Dalawang aklat ng glosari