Muthalà

             

MUTHALÀ
‎nagninilay akong nakatutungà
‎pinagmamasdan ang mga muthalà
‎habang aking kinakatha sa diwà
‎ang luhang di masabi niring dilà
‎pawang unos sa búhay ang dumating
‎nadarama pa rin ang paninimdim
‎pag madaling araw ay nagigising
‎pag umaga na'y walang naglalambing
‎ninilay sa katanghaliang tapat
‎habang yaong muthala'y kalat-kalat
‎badyang walang unos sa hinaharap
‎tila baga langit ang nangungusap
‎maipagtatanggol ang karapatan
‎makata'y nasa rali sa lansangan
‎may muthalà sa sawing kapalaran 
‎bawat sulirani'y may kalutasan 
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.23.2026
‎* muthalà - kalat-kalat na maninipis na ulap, mula sa Diksiyonaryong Adarna, p.612

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tamang gamit ng RITO at DITO

Tulang walang pamagat III - salin ng tula ni Zakaria Mohammed

New Year 2026: Ikulong na 'yang mga kurakot!