Paglalakad sa red carpet
PAGLALAKAD SA RED CARPET
pangkaraniwang araw man iyon
ay pambihirang pagkakataon
ang maglakad sa red carpet doon
sa isang talakayan o forum
tila ba ako'y personalidad
pagkat sa red carpet ay naglakad
bagamat di ko iyon hinangad
subalit sa bungad na'y tumambad
sa labas lang iyon ng bulwagan
pagpasok ay tiyak daraanan
kaya sa selpon ay bnidyuhan
na red carpet ang nilalakaran
forum ng karapatang pantao
ang doon nga'y dinadaluhan ko
minsan ay matuwa ang lolo mo
sa bungad man ay red carpet ito
- gregoriovbituinjr.
03.20.2026
ay pambihirang pagkakataon
ang maglakad sa red carpet doon
sa isang talakayan o forum
tila ba ako'y personalidad
pagkat sa red carpet ay naglakad
bagamat di ko iyon hinangad
subalit sa bungad na'y tumambad
sa labas lang iyon ng bulwagan
pagpasok ay tiyak daraanan
kaya sa selpon ay bnidyuhan
na red carpet ang nilalakaran
forum ng karapatang pantao
ang doon nga'y dinadaluhan ko
minsan ay matuwa ang lolo mo
sa bungad man ay red carpet ito
- gregoriovbituinjr.
03.20.2026
* kinunan ang bidyo sa pagdalo sa isang maghapong talakayan at palihan hinggil sa karapatang pantao, Marso 19, 2026
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/r/1CGCgu4Qd5/

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento